Face-Off...

7.1K 72 4
                                    

   

PRESENT DAY…

MICAH’S POV…

“Micah, bakit wala ka kagabi? You missed ½ of your life. Ang saya-saya namin”, sabi ni Bam na dumungaw sa taas ng cubicle ko. Isa si Bam sa mga naging close sa akin sa trabaho. Masayahin siya at madaling makagaanan ng loob.

“Wala ako sa mood. Sumakit ang ulo ko”, sagot ko habang nililigpit ang mga papeles sa ibabaw ng aking mesa.

“Hmmm wala sa mood...sumakit ang ulo...di ba yan din ang alibi mo noong isang linggo ng pumunta kami sa beach at mag swimming? Ang sabihin mo ayaw ka naman payagan ng dyowa mong sira ang ulo. Gago talaga yang si Paul”

"Hindi ah...payag naman siya pero masakit talaga ang ulo ko."

"Alam mo Micah, kahit anong gawin mong pagsinungaling sa akin para takpan ang boyfriend mo, hinding-hindi na talaga ako maniniwala. KIlala ko na ang likaw ng bituka niyan. Mas masahol pa ang bituka niya sa bituka ng manok...di pwedeng i barbeque."

Hindi na lang ako umimik...tama naman talaga si Bam eh.

“Pssst….bakit hindi ka na umimik? Sapol ka ano? Nag -away naman kayo? May problema ka na naman?”

“Wala!”, bigla kung sagot. “Ok lang ako”.

“Naku Micah, huwag ka ngang magsinungaling sa akin at basa na kita. Kahit wrong spelling lang kung minsan alam ko kung anong laman nyang utak mo. Sabihin mo na kasi eh.”

“Wala nga eh”, pagsisinungaling ko. Nahihiya na ako kay Bam. Siya lagi ang shock absorber ko. Isa siyang mabuting kaibigan. Yong klaseng hindi ka iiwan kahit na magugunaw na ang mundo.

“Micahela… tayong-tayo na nga lang magsisinungaling ka pa? Sige ka mamaya magtatampo na ako sa yo. May pa secret-secret ka na kasi ngayon sa akin eh. Akala ko bestfriend tayo”, hirit pa niya. 

Napatungo ako…kilala na talaga ako ni Bam. “Pagod na pagod na talaga ako Bam. Parang ayoko na”, mahina kung tugon. Hiyang-hiya ako kay Bam. Kani-kanina lang pinagtatakpan ko pa si Paul, ngayon yon naman pala sasabihin ko rin ang totoo. Lalong hiyang-hiya ako sa aking sarili. Gulong-gulo ang utak ko ng pumasok sa opisina. Walang humpay ang text ni Paul sa akin lahat panglala it...galit na gali siya na parang hindi ko maintindihan. Pinatay ko na nga lang ang cellphone ko para matahimik na ako ng panandalian. Alam ko galit na galit na yon ngayon.

Ginagap ni Bam ang aking kamay at pinisil. “Ano na naman ba ang pinag-awayan niyo?"

"Nagtext ako sa kanya kahapon para humingi ng permission na sumama sa inyo. Alam ko naman kasing hahanapin ako non eh. Tsinicheck niya ako sa bahay every night kaya na isipan kung magsabi na talaga sa kanya ng totoo na sasama ako sa inyo. Pero ayaw akong payagan. Pag sumama daw ako sa inyo hihiwalayan na daw niya ako."

"Eh bakit hindi ka sumama? Chance mo na sana yon para maka alis sa walang kwentang relasyon na yan. Halos talian ka na niya sa leeg ah. to think na hindi pa naman kayo kasal Micah...hindi na healthy ang relationship niyo, bumitaw ka na habang maaga pa."

"Pero Bam, sayang ang tatlong taon na relasyon namin pag nag give-up ako ng ganon na lang."

"Isang tanong lang Mic...Naging masaya ka ba sa tatlong taon na magkasama kayo? 

Natahimik ako...hindi makasagot. Kung iisipin ko ka si sa 3 years na naging mag nobyo kami ni Paul, halos walang linggo na hindi kami nag -away. Very domineering kasi siya.

"Pag isipan mo ng mabuti ang sinabi ko Mic. You're young and beautiful...you need to be free from that man. Hindi ka liligaya sa piling niya. Magiging impyerno ang buhay mo kung siya ang magiging asawa mo. Sabagay...nasa gate ka na ata ng impyerno ngayon...you decide kung gusto mo talagang pumasok."

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon