Back in your arms...

6.8K 69 0
                                    

JINN’S POV

Never in my wildest dream na pumasok ang ganitong klaseng scenario.  I felt so awkward! After five long years, ginawa ko ang lahat na kalimutan siya but  to no avail.  I enter into so many relationship na para bagang nagpapalit lang ako ng damit kung magpalit ng girlfriend.  I feel sorry for the girls I hurt on the process, pero iisa lang ang Micah sa buhay ko.  And she is here in front of me right now, watching me as if I’m just a tiny object under her scrutiny.

“So….did I pass the physical test Madam?” tanong ko na nagbibiro.  Nakita kung namula ang kanyang cute na cute na mukha.  

“Hmmmm…I guess yes…and with flying colors,” sagot niyang taas noo pa.  Hindi mo makitaan ng pagkapahiya.

She really changed.  Hindi na siya ang Micah na mahinhin at halos makabasag pinggan noon.  Hindi na siya ang dating college coed na isang biro lang namumula na at hindi na makapagsalita.  Hindi na siya ang dating Micah na inferior sa mga tao at nanaisin pang magbasa sa isang tabi.  She changed a lot.  I can feel her strong aura now.  Confident na siya sa kanyang sarili.  Mamumula man pero palaban na sa biruan at makatingin na ng derekta.  This is the Micah that can face the battle head-on

“Let’s sit down,” aya niya at tinuro ang isang monoblock chair sa harap ng isang mesa.  Naupo siya sa kabila.  Naupo na rin ako.  

“Kumusta ka na Jinn?  It’s been a long time since we last saw each other,” medyo seryoso niyang tanong.

 “Yap! More than five years.  Five years, 3 months and 20 days to be exact,” sagot ko sa kanya. Paano kong hindi matandaan…halos araw-araw ko siyang naiisip.  Kahit anong iwas ko, my heart keep reminding me of her.

Bigla siyang napatingin sa akin.  I can see the sudden wave of loneliness that crossed in her lovely eyes pero maagap niyang na itago yon.  Napatango siya.  Ewan ko kung ang ibig sabihin ng tangong yon ay “oo” alam niya na ganoon na katagal o “oo” alam niya ang iniisip ko”.

“Matagal na nga.  Marami na ang nangyari sa buhay-buhay natin.  Mabuti naman nakapagtapos ka ng iyong pag-aaral.”

“Sa awa ng Diyos, nakaraos din kahit papaano,” sagot ko.

 Binuklat niya ang aking folder at matamang binasa ang laman na mga credentials ko. Napailing ako, I feel so confused.  Hindi ko na alam kung tama ba ang desisyon ko na mag apply dito ng trabaho o hindi.  Few minutes ago I’m so sure of myself, with my decision.  Pero ngayong kaharap ko na si Micah…parang nag rumble ang lahat.  Bakit ba of all people siya pa ang nandito? Kung alam ko lang….

 “Marami ka na palang napasukan na malalaking companies.  And you’re presently employed to one of the biggest mall here in the city.  What makes you decide na mag apply pa dito sa aming kumpanya?”

“I have two reasons,” sagot ko.  Napataas siya ng kilay na tumingin sa akin.  Binigyan ko siya  ng isang mala close-up smile na ngiti.

“Una…the compensation.  Mas malaki ang ini-offer niyo na sahod.  OO malaki nga ang kumpanya kong pinapasukan ngayon pero hindi ganon kalaki ang pasahod nila.  Plus the fact na you are also offering other benefits na wala sa aking trabaho ngayon. In short…I’m looking for a greener pasture.” 

“At ano naman ang pangalawang rason?” tanong niya na parang may iba pang ibig sabihin.  Hindi ko siya pinansin.  This is an interview at kahit papaano, I need to be –professional.  Matapos lang ito…kahit walang humpay na biruan papatulan ko na siya. 

“Well, ang pangalawa is the position itself.  Sabihin mo nang ambisyoso ako pero I want to hone my leadership skills na hindi ko magagawa ngayon sa trabaho ko.  My credential shows my trainings and how capable I am with this job.  Pero hanggang ngayon tagasunod pa rin ako sa utos.  This is a supervisory position.  Kung makukuha ko ang trabahong ito, i will be able to lead.  And I know I can do a better job than other applicants.  Madam…this job really matters to me not only because of the salary.  I need this job to prove to myself that I can do what others can and I can do it better,” seryoso kung pahayag.

 Napatango-tango si Micah pero walang sinabi na kung ano man.  Patuloy siyang nag scan sa aking folder.  

“ Single ka pa pala?”

“ Obviously yes!”

“Reasons.”

“What do you mean?”

“I mean, why you remain single after all these years.”

“I don’t know…do I need to hurry?” sagot kung parang naguguluhan din.  

“No…you don’t need to.  Unless you’re ready and your contented with your partnr,” sagot niyang ikinagulat ko.  Sa pagkakaalam ko, isa si Micah sa mga idealistic na tao who believes that a man or woman should really get married to be complete and contented.  Why the sudden change in her philosophy?

 “Nandito naman lahat ang mga papeles mo, I think I don’t have any more questions for you.  Tatawagan ka na lang namin after the deliberation.  May cellphone number ka ba?”

 “It’s on my resume.”

“Ok then…will call you after 2 to 3 days I think,” propesyonal niyang pahayag.  Tumayo na rin ako at inilahad ang aking kamay para sa isang handshake.  Pero hindi niya tinanggap ang aking kamay.  Tumayo siya at lumipat sa aking tabi saka ginagap ang aking kamay.

 “Jinn, I’m sorry for all those years.  I didn’t really mean to hurt you.”  

Pakiramdam ko, bumalik kami sa university campus five years ago.  All the memories came rushing back pero bakit wala na akong maramdamang sakit.  All I feel right now is a pure feeling of happiness. Parang ang saya-saya ko na ulit. Pinisil ko ang kanyang kamay. Parang ayaw ko ng bitiwan pa ito.  Kinuha ko ang ilang hibla ng kanyang buhok covering her lovely face.  After all these years, siya pa rin ang aking Micah.  Walang nabago sa kanyang napakaamong mata.  Only…there so much mystery hidden inside her now.  

“Let’s forget about it.  Matagal na yon.  Iba na ngayon.  Andami nang nagyari sa ating buhay.  Don’t feel guilty anymore Mic…in some ways, I should be thankful to you because you made me a stronger person.”

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.  Who am I to resist? Ilang taon ko ring inaasam-asam ang araw na ito?  Halos gabi-gabi nasa isip ko pa rin siya. My dear sweet Micah.  Niyakap ko rin siya.  Ninamnam ang sarap ng kanyang yakap.  I can’t explain what I’m feeling.  I feel a sense of tranquility, a sense of inner peace.  Yes…im finally home in her arms.

We stayed in that position for a while.  Later, tumingin siya sa akin… teary eyed pero nakangiti.  God knows how much I controlled myself not to kiss her.  

“Thank you Jinn.  I missed you.”

“And I missed you too,” sagot ko.  Tumulo ang isang butil ng luha galing sa kanyang kanang mata.  I wiped it away.  

“Stop crying  my angel…I hate to see you crying.  El Niño ngayon kailangan mag conserve ka ng tubig,” biro ko sa kanya.

“I’m just very happy dahil nandito ka na ulit.  I’ve got my bestfriend back.”

A Choice or Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon