Chapter 9

36K 631 1
                                    

MAGKAPANABAY lang halos na dumating sina Angelo at Anthony.

"Buong akala ko ay sa Tagaytay ka matutulog," si Anthony na may bahagyang malisya ang tinig.

"Kung nagseselos ka, then I'm glad. Magandang senyales iyan na hindi mo talagang gustong iurong ang kasal ninyo ni Wilna sa sandaling manumbalik ang paningin niya," aniya na ibinagsak ang sarili sa sofa. Niluwagan ang necktie.

Nagkibit ng balikat si Anthony na sinabayan ng marahang tawa. "Bahala ka, Angelo. Pero ano nga bang malay natin, baka tama ka,"sinulyapan nito ang katulong at sumenyas ng kape. Sumunod na rin si Angelo.

Naupo si Anthony sa kabilang sofa at itinaas ang mga binti sa mesa. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyan?" nagtatakang tanong ni Angelo.

"Would you believe na kung hindi nangyari ang aksidenteng iyon ay naganap sanang una ang honeymoon namin ni Wilna?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" ulit ni Angelo na nagsalubong ang mga kilay

"Nang araw na iyon ay patungo kami sa condo unit ko. And for the very first time ay hindi siya tumanggi, so I really drove fast at baka magbago pa ang isip niya," iiling-iling ito na muling tumawa. "Hindi ba ang pagkakataon ay talagang ayaw sa akin o talaga lang iniiwas ako sa pagpapakasal sa babaeng hindi ko matiyak sa sarili ko kung gusto ko nga."

Sinikap ni Angelo na huwag makita sa mukha niya ang relief sa sinabing iyon ng kapatid.

"Ibig mong sabihin ay isinapanganib mo ang buhay ninyong dalawa nang dahil lang sa lust? Hindi ko mapaniwalaang ginawa mo iyon, Anthony!"

Amused na ngumiti ang binata. "Not really. Alam mo namang mabilis lang talaga akong magpatakbo. Hindi ko natantiya ang signal light. Pero sa isang banda ay hindi mo ako masisisi, Angelo. Alam mo bang mula pa noong mga bata pa tayo ay si Wilna lang ang girlfriend kong hindi ako makalusot? That was also one of the reasons kung bakit inalok ko siya ng kasal. Bakit ba ay gusto ko nang maniwalang nawala na ang charm ko sa mga babae. She really have wounded my ego."

"Ang sabi mo ay hindi siya tumanggi noong araw na iyon."

"She never said yes, either. Kung wariin ko pa nga ay puro kalituhan ang nasa mukha niya."

Ilang sandaling hindi nagsalita si Angelo. Hinagod ng tingin ang kapatid. Pagkatapos ay dinampot ang kapeng inilapag ng katulong at uminom.

"Kumusta kayo ni Lucille?" aniya.

Malisyosong ngumiti si Anthony. "Galing lang kami sa condo unit. Wala nga sana akong balak umuwi pero alam mo naman ako, hindi ako sanay na hindi dito natutulog. Iniwan ko siya doon."

"Nakipagkita siya sa akin kanina sa opisina."

Tumaas ang kilay ng binata. "Talaga? If you want her back, she's all yours," muli itong tumawa nang malakas.

Tumawa na rin si Angelo. Bakit ba hindi niya makuhang magalit sa kakambal. Poor Lucille.

"Ang sabi niya sa akin ay baka raw maging mag-bayaw pa kami," aniyang muling dinampot ang tasa ng kape at uminom.

Lumakas ang tawa ni Anthony. "Papayagan mo ba naman, ha, my dear brother? Katulad ka ng papa, Angelo. You will move heaven and earth para isang matinong babae ang ipanhik ko sa bahay na ito."

Pagkatapos ay pumormal ito. "Huwag kang mag-alala, Angelo. Matapos ang problemang ito at talagang hindi ko gustong matuloy ang kasal namin ni Wilna ay hindi na ulit mauulit ang pagkakamaling iyon. I won't proposed to anyone hanggang hindi ako sigurado sa damdamin ko. It must be love or nothing at all."

Si Angelo naman ang natawa. At kung may ibang makakakita sa magkapatid sa ganitong eksena ay tiyak na hindi mapipigilang di-humanga. These two handsome men are talking like they were gods of Roman Mythology.

"Love? Come on, Anthony. A womanizer that you are!"

Bumunghalit ng tawa ang kapatid. "Look who's talking!"

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now