Chapter 3

40.9K 645 0
                                    

NANG dumating sila sa ospital ay nasa isang pribadong silid na si Anthony. Subalit hindi nila makausap ang kapatid dahil under sedation ito.

"Kumusta ang kapatid ko, doktor?"

"Kambal kayo?" tanong ng doktor nang makita ang pagkakahawig ng pasyente at ni Angelo. Tumango ang binata.

Nagpatuloy ang manggagamot. "Under observation. May malay siya nang idating dito but we have to sedate him. He was almost hysterical sa pag-aalala sa babaeng kasama niya."

"Anong pinsala ang tinamo ng kapatid ko, doktor?"

"Sa nakikita ko ay superficial lamang ang pinsalang tinamo niya. Anyway, ipapasailalim namin siya sa pagsusuri para makatiyak tayo."

"Nasaan ang babaeng kasama ng pasyente, doktor?" Si Nana Inez.

"Nasa ICU at kasalukuyang inoobserbahan. Mas malubha ang pinsalang tinamo ng kasintahan ng kapatid ninyo," iiling-iling na wika ng doktor.

"Gawin ninyo ang lahat ng magagawa ninyo sa mga pasyente, doktor. Walang problema sa gastos," ani Angelo na sinulyapan ang kapatid na may nakapaligid na isang nurse at doktor.

Pagkagaling kay Anthony ay nagtuloy sina Angelo sa ICU. Isang doktor ang lumabas. Nagpakilala ang binata.

"Ako si Dr. Valle, isang eye specialist. Kasalukuyang tinitingnan ng isang neuro-surgeon ang pasyente," itinuro nito ang isang bench. Naupo ang mga ito.

"Kumusta na ang pasyente, doktor?" nag-aalalang tanong ni Nana Inez.

"Ginagawa namin ang lahat ng aming magagawa. Kaano-ano po ba ninyo ang pasyente?"

Si Angelo ang sumagot. "My brother's fiancée. Wala na siyang mga kamag-anak kaya kung anuman ang gusto ninyong sabihin ay sa akin na."

"Kung makikita ninyo siya ngayon ay nakaalsa ang kanang pisngi na tumatakip sa kanang mata niya. Both eyes are bleeding. Nagkaroon siya ng retinal detachment..."

"English, please..." agap ni Angelo na ang ibig sabihin ay huwag itong gumamit ng medical term.

"Mabubulag siya, Mr. Avila, kung hindi maooperahan."

"Oh!" bulalas ni Nana Inez.

"Then do it!" utos ni Angelo na gustong mainis.

"We have to concentrate on life threatening matters, Mr. Avila," mahinahong sagot ng doktor. "Hindi pa matiyak ng mga kasama ko sa mga sandaling ito kung nagkaroon siya ng internal damage. She will be scanned. Wala pa siyang malay hanggang ngayon. On the surface, mga sugat at galos ang nasa kanang bahagi ng katawan niya and a fractured right arm."

Huminga nang malalim si Angelo. Tumayo ang doktor.

"Pagkatapos ng pagsusuri ay mag-usap tayong muli, Mr. Avila. Rest assured na gagawin naming lahat ang nararapat."

Tumango si Angelo. Pagkatapos ay muling bumalik sa silid ni Anthony. Si Nana Inez ay sinisikap kalmahin ang sarili habang pinagmamasdan ang alaga.

Nakatiim-bagang si Angelo. Ang mga magulang nila'y sa ganitong paraan binawian ng buhay. At heto sa harap niya ang kapatid na gasino nang nakalusot sa kamatayan.

Subalit paano ang walang malay nitong kasintahan? Ayon sa mga imbestigador na kumausap sa kanila ay kasalanan ng driver ng kotse ang nangyari. Meaning, si Anthony. Paano tatanggapin ng kapatid ang pinsalang tinamo ng kasintahan? Paano rin ito tatanggapin ni Wilna? Fractured arm, bleeding eyes. Baka mayroon pang iba. Hindi pa tinitiyak ng mga doktor na ligtas na ito.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. Malaki ang pasasalamat niya at ligtas ang kapatid.

Mahusay na driver si Anthony at mahilig talaga ito sa mga car racing kahit noong teenagers pa lamang sila. There was even a time na gusto ng kapatid na subukan ang buhay sa race track subalit hindi pumayag ang mga magulang nila.

Mabilis na driver pero hindi reckless. Minsan man ay hindi nagkaroon ng aksidente si Anthony. Ngayon lang.

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now