Chapter 8

37.7K 605 4
                                    

SA OPISINA ay dinatnan na ni Angelo ang naghihintay na bisita.

"Lucille!"

Tumayo ang babae mula sa kinauupuan at sumalubong sa kanya. Ikinawit nito ang mga braso sa leeg niya.

"Angelo, darling!"

Inalis ng binata ang mga kamay ng dalaga mula sa leeg niya. Tuloy-tuloy na lumakad patungo sa mesa at naupo sa swivel chair.

"Ano ang dahilan at narito ka, Lucille?" pormal niyang tanong.

Naupo ang babae sa gilid ng executive desk. Humahalimuyak ang mamahaling pabango na dati'y kinahahalingan niya. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng babae.

Tila modelo ang tindig. Maganda at seductive. Kahit sino ay maaakit.

"Hanggang ngayon ba naman, Angelo, ay nagagalit ka pa rin sa akin?" malambing nitong sabi. Dumukot mula sa bag ng sigarilyo.

"Pasindi nga."

"Alam mong hindi ako naninigarilyo, Lucille," pormal pa rin niyang sagot.

"I'm sorry. Your brother smoked," dinukot nito sa bag ang slim and gold lighter at sinindihan ang hawak na sigarilyo. Ibinuga ang usok paitaas.

"Sabihin mo kung ano ang sadya mo, Lucille, and make it fast dahil may meeting pa ako."

"Mamaya pa iyon after lunch. Tinanong ko sa sekretarya mo," itinaas nito ang isang binti upang magde-kuwatro. Tumambad kay Angelo ang magagandang binti nito na sadyang ipinakikita. Kung noon nangyari iyon ay hindi niya ito pinalalampas.

"Alam mo bang boyfriend ko ngayon si Anthony?"

"So I was told. Iyon lang ba ang sadya mo?" malamig niyang tugon.

"How could you be so cold, Angelo?" may himig pagsusumamo ang tinig nito. "Your brother deceived me. He pretended to be you."

"For a while. Pero natuklasan mo rin agad na hindi siya ako, 'di ba? Hindi ka pinilit ni Anthony."

"Nagkamali ako, Angelo. Inaamin ko. Balak kong sumunod sa iyo sa Amerika para humingi ng tawad. Alam kong mahal mo pa rin ako. Nang makita ko si Anthony sa isang party ng mutual friend, ang buong akala ko ay ikaw siya. And I was so lonely. At nang malaman kong hindi ikaw iyon ay nasa loob na kami ng condo unit. He seduced me and I have no choice," paliwanag ng babae na tila maiiyak.

"Ano'ng ibig sabihin nang sinabi mo, Lucille? Huwag mong sabihing nagsawa ka na agad sa kapatid ko? Sa pagkakaalam ko, wala pang isang linggo mula nang magkaroon kayo ng ugnayan."

"Don't be cruel, Angelo. Isang taon din tayong may pinagsamahan." Tumayo ito at lumapit sa binata. "Hindi mo ba ako mapapatawad?"

"Kung iyon lang ang gusto mo, Lucille, you've got it. I have forgiven you already. At wala akong hinanakit sa iyo," malamig pa sa yelo ang tinig niya.

"I can't stand Anthony, Angelo. He's rough. Hindi siya tulad mo. Everytime he touches and kisses me, all I could think of is you," may mga luha nang pumatak sa mukha ng babae.

"Cut the act, Lucille! Hindi bagay sa iyo."

"Huwag mong sabihin iyan, Angelo. It hurts! Maaaring magkamukha kayo ng kapatid mo but you're different in so many ways."

"Making bed comparison? Huwag mong sabihing may maipipintas ka sa kapatid ko pagdating sa kama, Lucille. Knowing Anthony, he will eat you alive. So to speak. At hindi ba iyon ang gusto mo?" malisyosong ngumiti si Angelo.

Namula ang mukha ng babae sa insultong iyon. Nagbuka ng bibig upang magsalita pero muling nagsalita si Angelo.

"At tama ka. Hindi kami pareho ni Anthony. Why, I can treat anyone with extra care and gentleness. Pero hindi ang kapatid ko. He is only gentle to a lady. And you ain't no lady, Lucille."

Nag-init ang mukha ng babae. Itinaas ang kamay upang sampalin ang binata pero nahawakan nito ang kamay niya.

"Hindi mo kailangang maging bayolente," sarkastikong ngumiti ang binata.

"And who's a lady, Angelo? Ang babaeng kinupkop mo na sana'y pakakasalan ni Anthony? Why, sino ba ang babaeng ito at ganoon na lang ang interes ninyong magkapatid? Talaga bang pakakasalan siya ni Anthony o gimik lang ninyong magkapatid iyon para pareho ninyong pakinabangan ang babaeng iyon kung sino man siya?" galit na wika ni Lucille na biglang binawi ang braso.

Nagtagis ang mga ngipin ng binata. "Pakakasalan ni Anthony si Wilna, Lucille. And yes, she's a lady by par."

Umismid si Lucille. "If I can't get you back, Angelo, Anthony will suit me just fine. Gagawin ko ang lahat para hindi niya pakasalan ang babaeng iyon if only to spite you!"

"Then you don't know my brother."

"I doubt it. Afterall ay baka maging mag-bayaw pa tayo, ha, Angelo?" nanunuyang ngumiti ang babae. "So don't count on your 'lady'!"

Pagkasabi noo'y mabilis na lumabas ng silid si Lucille at malakas na ibinagsak ang pinto.

Nahahapong sumandal sa silya ang lalaki. Ngayon siya nagtaka kung bakit ninais niyang pakasalan ito. Parang gusto niyang tawagan si Marlon at pasalamatan ito.

Pagkatapos ng directors' meeting ay dalawang appointment na sunod-sunod ang hindi maiwasan ni Angelo. Masyado nang gabi para umuwi ng Tagaytay.

Tinawagan niya si Wilna.

"Hello?"

"Anthony?" Oh, dear! Bakit hindi niya mapigil ang pananabik sa tinig nito. "Nasaan ka? Uuwi ka ba?"

"Afraid can't, darling. Ngayon lang natapos ang huling meeting ko and I still have to talk to someone."

"Oh!"

Natawa nang marahan si Angelo. "Ano ang ibig sabihin niyang 'oh' na iyan? Gusto mo bang umuwi ako ngayon?" malambing niyang tanong.

"Yes! I mean no..." nagkakandautal siya. Mag-aalas onse na ng gabi at may kakausapin pa ito. At this hour? "Sa Greenhills ka na lang umuwi. Gagabihin kang masyado and I presume you're very tired."

Hindi ganoon kapagod kung gusto mo talaga akong umuwi ngayon, bulong ng binata sa sarili. Just say the word and I'll be there. Anthony can wait.

Pagkaisip sa kapatid ay biglang natauhan si Angelo. Si Anthony ang alam ni Wilna na kausap nito.

"I'll have to hang up," ani Angelo sa pagalit na tono.

"O-of course. Bye..." sagot ng dalaga na nagulat at nasaktan sa nahimigang galit na tinig ng kasintalian. Bakit?

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now