CHAPTER TWENTY-SIX

4.7K 76 21
                                    

"Happy first monthsary baby!"

Medyo nagulat ako sa pagbati sakin ni Ian, Sabado ng umagang yon. Nakalimutan ko. First Monthsary na namin. Nawala sa isip ko na kelangan pala yun icelebrate.

"Hindi mo naalala no," sabi ni Ian sabay kunot ng noo niya.

"Ah, oo nga. Sorry Ian. Sorry, hindi pa kasi ako sanay."

"It's okay. Don't be sorry. Actually naexpect ko na. Medyo makakalimutin ka din kasi lately.."

"Ahm, sorry na.. Di ko talaga kasi.."

"Baby.. Don't.. As I said, okay lang di ba? Hug mo na lang ako para makabawi ka.."

Inakap ko naman siya kaagad. Kahit sabi niyang okay lang, di ko pa rin mapigilang hindi malungkot at maguilty. Mukhang excited pa naman siya na batiin ako, tapos nakalimutan ko lang yung first monthsary namin. Dapat tandaan ko na talaga na every 23rd of the month, special day namin.

"So ano baby, prepare ka na," sabi ni Ian habang nakaakap ako sa kanya.

"Bakit, ano meron?"

"Monthsary. Di ba?"

"Ah, hehe. I mean san tayo pupunta?"

"Basta, surprise.."

"Hmm.. Sige bihis lang ako ah."

Mukhang pinaghandaan ni Ian ang araw na yon. Nagbihis talaga siya ng maganda. Nagpabango. At nagayos pa ng buhok. Normally kasi hinahayaan niya lang matakpan ng buhok niya ang mukha niya. Pero ngayon, bagong gupit at naka-wax pa.

Nang papasakay na ako sa sasakyan ni Ian ay hinarang niya muna ako at pilit na pinagbukas ng pinto ng kotse. Nagtaka naman ako sa ikinilos niya. At pagbukas niya nga ng pinto ay nakita ko kaagad and isang dosenang pulang rosas na nakapatong sa upuan ng kotse niya.

"Happy monthsary baby," masayang bati niya ulit sakin.

"Para sakin yan," tanong ko naman kahit alam kong para sakin naman talaga yun. I mean, kanino pa ba niya ibibigay yon?

"Yep. Now I know ayaw mo ng mga ganyan? Remember nung nagalit ka pa sakin dahil binigyan kita ng flowers sa school nung first weeksary natin? Just for today, since wala namang ibang tao sa paligid, will you please accept this," sabay kuha niya sa mga bulaklak at abot sakin.

At naguilty na naman ako. Naalala ko kasi yung sinabi niya. Inaway ko kasi siya nung unang linggo namin bilang magboyfriend. Kasi naman, hindi ko naman alam n may ganun pala. Weeksary? Parang ang OA lang para sakin. Tapos pinuntahan pa ako ni Ian sa classroom nun. Feeling ko napahiya ako sa klase nung dumating siya at binigyan ako ng mga bulaklak para batiin ako ng 'Happy first weeksary'. Weeksary? Buong araw tuloy akong pinag-usapan ng mga kaklase ko at tinukso. Nakakahiya talaga. Ayun, hindi ko tuloy kinausap si Ian buong araw.

"Thank you Ian. Thank you talaga.l," Ngayon iba na, monthsary eh.

"Ayan, hindi ka na nagalit. Tara baby, sakay na tayo. I love you!"

"I love you too."

At sabay na nga kaming pumasok sa kotse.

Habang nasa kotse kami papunta sa lugar na noo'y di ko pa alam kung saan, ay nakita ko sa mga mata ni Ian na sobrang saya niya talaga. Mas lalo pa tuloy akong nahiya. Kaya naman di ako makapagsalita habang nasa daan kami.

"Baby, may tumatawag sayo," sabi ni Ian habang nakatingin ako sa bintana ng kotse. Mukhang lutang talaga ako sa araw na yun.

Tiningnan ko naman agad yung phone ko. Si Jeffrey. Siya ang tumatawag.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon