CHAPTER FIFTEEN

5.3K 72 15
                                    

1 message received.

<Tagal mo. Tampo na ako>

"Ahhh, sana abot pa ako nito.."

Katatapos lang ng klase ko ng hapong yun. Nagmamadali akong makaalis ng campus. Kelangan ko pang maabutan si Sarah sa airport bago yung flight niya pabalik ng Australia.

At dahil nga sa pagmamadali ko...

**booooggsshhh**

"Awww.. aray ko..."

"Ahhh... Sorry sorry.. Nagmamada - ... Jeffrey!" gulat ko naman sa taong nabunggo ko.

"Nahilo ako dun ah.." sagot niya habang nakaupo sa sahig at hawak ang ulo.

"Sorry. Teka tulungan kita makatayo."

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong niya agad matapos makatayo.

"Ah, si Sarah kasi. Dalawang oras na lang flight niya na. Magtatampo yun pag di niya ako nakita bago siya umalis."

"Ganon? Eh di tara, abot pa tayo bilis!"

At hindi na nga ako nakapagreact pa. Sumunod na lang ako kay Jeffrey. Iniiwasan ko pa naman siya lately. Kung di lang talaga kelangan.

Habang nasa kotse..

"Ang traffic naman.." bulong ko habang nag-aalala na baka di kami makaabot.

"Haha. Relax ka lang Carlo. We'll get there in time. Wag ka mag-alala, mahaba pa oras oh."

Hindi na lang ulit ako nagreact. Kaya sandali din kaming nanahimik.

"You know you're lucky."

"Ako? Bakit?" pagtataka ko naman sa sunod niyang sinabi

"Yeah you."

"Bakit nga?"

"Wala lang.."

"Huh? Anong wala lang?" kulit nito, ayaw pa sabihin.

"O relax lang. Init ng ulo oh" sabi niya naman agad sabay ngiti.

"Pasuspense pa kasi eh..." pabiro ko namang sagot

"Wala. Swerte ka kasi may bestfriend ka."

"Ahh, oh eh bakit ikaw, wala ka ba?"

"Wala."

"Weh? Ikaw?"

"Um-um"

"Campus heartthrob ka di ba? Dami mo pang friends at fans"

"Iba naman yun."

"Anong iba dun, eh ako nga konti lang kaibigan. Ikaw, halos lahat idol ka. Tapos ako pa yung swerte?"

"Hindi Mr. Sungit. Sabi ko bestfriend. Yung parang kayo ni Sarah. Yung someone na kilalang-kilala ka inside and out. Someone na you'll have no problems spending your whole day with. Or someone na you can share your feelings freely ng hindi natatakot majudge. Yung mga ganun."

"Pano mo naman nalaman na ganun kami?"

"Wala feeling ko lang."

"Mmm. Eh bakit naman walang bestfriend ang isang Jeffrey Anderson?"

"I don't know."

"Si Christian? Si Ben? Si Joseph? o Danny?"

"Well, they are good friends, pero yung as in bestfriend talaga? Wala eh."

Naawa naman ako bigla kay Jeffrey sa sinabi niya. Dun ko narealize na swerte ako kasi andyan si Sarah. Naging magaan ang buhay ko dahil sa kanya. Nagkaroon ako ng taong nagtatanggol at sumusuporta sakin kahit ano pa ako. Nagkaron din ako ng taong mapagsasabihan ng problema o ng kahit anong nararamdaman ko. At kahit magkalayo man kami, alam ko na andyan pa din siya para sakin.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon