CHAPTER TWENTY-FOUR

4.1K 74 7
                                    

"Good morning Bestbro."

Napangiti naman ako sa pinakaunang mukha na nakita ko pagising ko Linggo ng umagang iyon. Namiss ko din talaga yung ganung bati niya sakin.

Alas 8 pa lang ng umaga ng kumatok si Jeffrey sa pinto ng bahay ko. Kakagising ko pa lang din noon at hindi pa nakakapag-ayos ng sarili. Bahagya naman akong nahiya dahil tila bihis na bihis si Jeffrey samantalang ako, di pa nakakapagsipilyo.

"Bestbro! Ang aga mo naman."

"Breakfast?"

Gaya ng dati naming ginagawa, nagluto kami ng agahan at sabay kaming kumaen ni Jeffrey. Parang walang nagbago saming dalawa. Ganun pa din kung pano kami magkwentuhan, magtawanan. Masaya ako dahil bumalik na kami sa dati.

Pagkatapos naming kumaen ay nag-ayos na din ako para dumalaw muli kay Tita Isabelle. Pero bago kami dumiretso doon ay niyaya ko si Jeffrey na pumunta sa simbahan para umattend ng misa at magdasal. Pumayag naman ito.

Habang taimtim na nagdadasal si Jeffrey ay di ko maiwasang di siya tingnan. Lalo pa at napansin ko na naluluha siya. Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko naman ang laman ng kanyang dasal. Nagdasal na rin lang ako ng taimtim gaya niya.

Pagkaalis namin ng simbahan ay nagpunta na kami sa ospital. Tuwang tuwa naman si Tita Isabelle nang makita niya kami at mayakap ang kanyang anak.

Buong araw ulit kaming nagbantay kay Tita Isabelle hanggang inabot na kami ng gabi. Hinintay na namin na makatulog si Tita bago kami umalis.

*bbrrr*

"Ano yun," tanong ni Jeffrey habang papauwi kami.

"Ahh.. Hehe," tumawa lang ako.

"Tyan mo yun? Hahaha."

"Eh sorry naman. Hmp."

"Sorry nakalimutan ko dinner natin, di mo sinabi gutom ka na pala."

"Nakakalimot ka na ng pagkain ngayon ah."

"Hmm. Sige pagluluto kita sa condo."

"Wow. At marunong ka ng magluto Senorito?"

"Oo. Noodles. Anong flavor?"

"Hahaha. Adik ka, kala ko naman kung ano."

At dahil di naman talaga marunong si Jeffrey, ako na lang ulit ang nagluto para saming dalawa. Gusto daw niya ng spaghetti kaya yun ang niluto ko. Dumaan muna kami ng grocery bago pumunta sa condo ni Jeffrey.

Masaya akong nagluluto sa kusina ni Jeffrey. Hindi ko maipalawanag kung bakit hindi ko maalis ang ngiti ko habang andun ako. Namiss ko lang din siguro ang lugar na iyon.

At habang nagluluto ako, narinig ko na lang na kumanta si Jeffrey habang tumutugtog ng gitara. Noon ko na lang ulit narining ang pagkanta niya. At gaya pa din ng dati, napahanga nya ako.

Pamilyar sakin ang kanta. Dahan-dahan akong lumapit para makinig sa kanta...

Gitara - Parokya ni Edgar

"Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa twing tayo'y magkasama

Bakit pa kelangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon

Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara

Idadaan na lang sa gitara."

Pagkatapos ng pagkanta niya ay dahan-dahan akong pumalakpak. Nagulat naman si Jeffrey at biglang nilingon ako.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon