CHAPTER ELEVEN

4.8K 76 10
                                    

"Carlo, ikaw?"

...

"Carlo?"

..

"Huy!"

"Aaahh, ano ulit?" At bigla akong natauhan. Simula nung dumating sina Christian at Ben, natulala lang ako.

"Sabi ko kung game ka?" pangungulit sakin ni Christian. Gusto kasi niyang sumama kami sa immersion activity nung club na sinalihan niya. Hindi ko masyado naintindihan yung kwento niya kanina eh, pero sumali daw siya dun kasi pinopormohan niya yung club president.

"Ano ba gagawin dun?"

"Immersion nga pre. Di ka naman nakikinig eh. Punta tayo sa isang liblib na lugar sa Quezon tapos makikitira tayo dun sa bahay ng mga tao dun sa lugar na yun. Tapos ieexperience natin kung pano sila mamuhay. Gagawin natin yung mga ginagawa nila sa araw-araw. Mga ganun. Oh, sama ka na nyan?"

"Ahhh.. Sama ba lahat?" Actually, gusto ko lang maconfirm kung sasama din si Jeffrey.

"Well I'm up for it. I think I can do that" sabi ni Joseph na mukhang excited. Buti naman at mukhang wala na sa isip niya yung mga nasabi ko kanina at yung pagtawag ko sa kanyang Prince Charming. Nahiya na tuloy ako sa kanya.

"Si Danny hindi ata. Pero yang si Ben din pumayag na, di ba Ben?"

"Yeah sure." Matipid lang talaga magsalita tong si emo boy Ben.

"O ikaw na lang Carlo.."

Si Jeffrey pa kaya. Sasama kaya si Superman?

"Aahh, kelan ba yan?"

"Bukas ng madaling araw na nga hanggang Linggo, kaya pumayag ka na. Alis tayo mga alas 4 ng umaga"

Agad-agad naman yun. Balak ko pa namang magpahinga. Pano ko ba sasabihing ayaw ko.

"I think Jeff's gonna go too." - Prince Charming.

Ganun. Game.

"Ah sige na nga.."

Mukhang napilitan pa ako, pero yun lang namang hinihintay ko para pumayag. Pero asan na kaya yung Superman na yun.

"Ayun nice. Salamat guys ah, I owe you one. Teka tawagan ko lang si Hannah-my-labs para sabihing narecruit ko na kayo." excited na sabi ni Christian.

"I'll go ahead guys, see you later" pagpapaalam naman ni Ben. At naiwan na naman ulit kami ni Joseph.

"Haay." napabuntong-hininga naman ako.

"Oh what's wrong? You really don't wanna come, do you?"

"Eh kasi balak ko magpahinga buong weekend, ayun mukhang di matutuloy."

"Well I think we'll have a good time there. Lighten up. Come on." sabay ngiti.

"Hhmm sige na nga." smile din ako.

"There now, I made you smile again. This Prince Charming is really good right?"

At akala ko nakalimutan na niya yun. Hmp

"Sira. Tara na nga, kailangan ko pa maghanda ng gamit ko para bukas."

Mga 8:00 PM na ng makarating ako sa bahay. Hinanda ko agad ung backpack ko at yung mga damit na isusuot ko sa two-day immersion. Since probinsya naman yun, yung mga simpleng damit ko na lang dati yung dinala ko. Pagkatapos ay naligo lang ako saglit at kumaen ng hapunan. Naisip ko din na bumili ng pagkaing pwede kong dalhin sa byahe bukas kaya lumabas ako ng bahay at pumunta sa tindahan ni Aling Dina. Bumili lang ako ng konting chips, tinapay at juice. At habang pabalik na ako sa bahay, nakita kong may babaeng kumakatok sa pinto ng bahay ko.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon