Prologue

919K 7.1K 1.5K
                                    



"Amber, ano ka ba naman? Hindi ba at ibinilin ko sa 'yo kanina na plantsahin mo 'yong damit na iniwan ko sa ibabaw ng kama ko? Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin ginagawa? Alam mo namang mamaya na 'yong date namin ni Raphael." Iyon ang ibinungad sa akin ni Sapphire nang pumasok siya sa laundry area kung saan kasalukuyan akong naglalaba.




"I'm sorry, nawala sa isip ko. Inutusan kasi ako ni Jade na labhan ang mga ito." Si Jade ay ang fraternal twin sister ni Sapphire na kagaya niya ay maldita rin ang ugali. Lahat na yata ng kasamaan ng pag-uugali ay taglay ng magkambal.




Dinutdot ni Sapphire ang ulo ko. "Nangangatwiran ka pa. Kung hindi ka ba naman kukupad-kupad, eh, 'di nagagawa mo sana ang mga trabaho mo."




Tumayo na lang ako at ipinahid sa suot kong palda ang mga bula sa kamay ko. Gusto ko sanang mangatwiran kay Sapphire na iisa lang ang katawan ko. Ako na nga halos ang gumagawa sa lahat ng mga gawain dito sa pamamahay nila. Ako ang naglilinis, nagluluto, naglalaba, namamalengke at kung ano-ano pa. Hindi ko naman kayang pagsabay-sabayin ang mg autos nilang magkambal.




Dumiretso na ako sa kwarto ni Sapphire at pinlantsa ang mga damit na isusuot niya mamaya. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto kong plantsahin ang pagmumukha niya. Nakakabwisit!




Pagkapatos kong magplantsa ay bumalik na ako sa laundry area. Napabuntong-hininga na lang ako habang kinukusot ko ang isa sa mga paboritong damit ni Jade. May washing machine naman sa bahay na 'to pero bawal ko raw gamitin kasi lalaki ang bill sa kuryente.




Haaayyy life.




Anyway, I'm Amber Salazar nga pala. And this is the story of my life. Nang mamatay ang nanay ko last year, kinupkop ako ng malayong kamag-anak ko na sa bayan ng Abuyog nakatira. Pero hindi nila ako inampon dahil naaawa at concern sila sa akin. Inampon nila ako para magkaroon sila ng katulong. Pero maswerte pa nga ang mga katulong dahil sila may sahod, ako wala. At kaya lang naman ako nakakapag-aral ay dahil nagpumilit akong mag-enrol kahit na diniscourage nila ako noon. Gusto kong makatapos kahit high school man lang.




Kaka seventeen ko lang two months ago pero fully develop na ang katawan ko. I have big boobs, tiny waist and a firm but. Pero hindi lang ako sexy. Nabiyayaan rin ako ng magandang mukha. Salamat sa tatay kong isang Brazilian na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita.




Ang sabi ng nanay ko noon, nagtratrabaho daw siya sa isang bar sa Subic noon at doon niya nakilala ang tatay ko. They had a whirlwind romance at ako ang naging bunga ng ilang gabing nagkakasama sila. Pero bigla na lang daw nawala ang tatay ko at hindi na muling nagpakita. Nang malaman ni nanay na buntis siya ay nag-resign siya sa trabaho at umuwi ng Leyte. Sa Tacloban, City niya ako ipinanganak at doon na rin ako nagkaisip.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon