Advice #60: Pinagkalat nung binusted ko na ako ang nabusted

243 1 0
                                    

Problem: May lalaki akong classmate nung Third year, bale first time ko lang po siya naging classmate. Tas inaasar siya ng kaibigan ko na mahaba baba. Tas ako nakiasar. Hanggang sa isang araw umiiwas samin ng kaibigan ko. Tas nilalapitan namin pero lumalayo. Tas nung umuwi ako tsaka niya nilapitan friend ko. So parang ako iniiwasan niya. Dun palang nag ka idea ako na may gusto siya sa 'kin. Pero hindi naman sa pagiging mahangin xD. Then ayun unti unti siyang lumalapit sakin naguusap then nahulog na din loob ko sa kanya. Na turn on ako sa kanya kasi sabi halos lahat ng classmate ko na mabait siya. Then ayun lapit ng lapit sa 'kin at ayos lang sakin kasi gusto ko ren naman eh. May times na binigyan niya ako ng chocolates. Tas hanggang sa chat kami ng chat sa fb. Tas lagi kaming nag aaway na para bang kami na. Pinagaawayan kasi namin si kenneth ang isa ko pang manliligaw na ngayon friend ko na lang. Tad umabot sa point sa ayaw ko na sa kanya. Then ayun tumigil na rin siya. Umiyak siya nun nung huling araw na kinausap ko siya. Then nung mag sa-summer sabi ko sa kanya.kung pwede bang friends na lang kami pero ayaw niya tas inaway pa ako. Edi ok ayos lang. Tas bago kami mag Fourth year ngayon sinabi niya kung pwede ba kaming maging friends ayaw ko rin sabi ko. Tas this fourth year sinabihan niya akong hayop at kung bakit daw ang bitter ko? Tas parang di niya matanggap na busted siya dahil sakin. Kaya pinapalabas niya sa lahat na ako daw ang nabasted kahit sa ibang school pinagkakalat niya. Then nung isang araw gumawa daw siya ng poem para sakin. Pero di ko pinansin yun. Then isang beses naghihintay ako sa pinto ng classroom then nilapit niya mukha niya sakin yung para bang hahalikan niya ako. Then minura ko siya after nun. Nakakabad trip lang kase nakakabastos na siya. What will I do or say?

Advice: bastos nga siya. The moment na pinagkalat niya na ikaw ang nabusted siya ang epal. Napaka niya. Hindi niya matanggap na nabusted siya kaya kung ano ano ang sinasabi niya. Naiinis ako sakanya.

Sa ginagawa niya sino sainyo ang bitter? Sabihin mo sakanya ang bitter niya.

Wala akong maisip na magandang gawin kundi ang ipakita mo sakanya na wala kang pakealam sa kanya. Ipakita mo sakanya na matapang ka. Kung kaya mo pag inulit niya ung ilalapit niya ang mukha niya sayo sampalin mo kasi nakakabastos siya.

Kung may kuya ka isumbong mo para madala siya at hindi na siya umulit. Tignan ko lang kung makaulit pa siya sa kaepalan niya.

Pero pinakamagandang gawin is wag mo na lang siyang pansinin. hayaan mo na lang siya. Hayaan mo na kung pinagkakalat niya un at least ung "TRUE FRIENDS" mo sila ung may alam kung ano talaga ang nangyari. Hindi naman kasi niya un mapapatunayan dahil wala naman siyang proof. Tsaka ung pinagkakalat niya lilipas din yun.

Pero pag sumobra na at gusto mong linisin ang name mo isa lang ang alam ko isumbong mo siya sa kuya mo or kahit kanino na lalake na mas matanda para mapagsabihan siya. Yan mga taong kagaya niya hindi titigil hangga't hindi sila masisindak.

At ang pinakaimportante ipakita mong wala kang pake kahit anong gawin niya. Ignore him. Isipin mo hindi siya nageexist sa mundo. Wala kang kakilala na taong kagaya niya. Hindi mo siya kilala. Un ang isipin mo okay? Lilipas din yan and isa pa hindi mo naman siya kawalan. Kawalan ka niya kung ayaw ka niyang friend nung una.

Pero pag hindi ka padin tigilan ang magandang sabihin is "Tigilan mo na ako. Alam mo na ngang busted ka ipipilit mo pa sarili mo. Kung ayaw mong mapahiya tigilan mko. Ikaw ang nagbibigay ng kahihiyan sa sarili mo. Napakadesperado ng move mo na ipagkakalat mo na ako ang nambusted. Desperate move dude. Sorry i'm just so over you. Oh wait.. Hmm. I mean i didn't even liked you. Muntik na kaso nakita ko ang tunay mong ugali. just on time. So get over it. Nabusted ka!" Para tigilan ka na. Yan ang sabihin mo. Nakakainis siya ah. 

By: YourWattyRebel

Date: Sept. 3 2014

ADVICE ni YWR para sayo. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon