Advice #52: Ayaw sakin nung lalaking kaibigan

363 6 2
                                    

Message: Hello Po! Hehe. Gusto ko lang po humingi ng advice.

Kase po may bestfriend ko classmate ko nung third year ako. Eh may kaibigan siyang lalaki which is first time ko lang naging classmate. Nung una medyo nag kakahiyaan po kami pero nung tumagal naging bestfriends kami (Yun ang turing ko sa kanya, ewan ko lang kung ganun sakin) Tas lagi kaming mag kakasama kaming tatlo. Yung sobrang close-ness namin tine-treasure ko talaga. Pero wala pong namagitan samin ah. Edi mga bandang february nag simula na ang practice namin sa JS. Siya yung naging kapartner ko pati sa cotillion namin. Kahit close kami nahihiya akong maging partner siya. Kase kilala ko siya, parang mapili talaga siya sa babae or friends. Eh kase, feel ko talaga na parang ayaw niya ako makapartner.Sakin naman ayos lang. Eh sa cotillion no choice siya. habang nag pa-practice kami hindi na kami nag papansinan. Kaya hindi ko na rin siya muna pinansin. Medyo na babad trip na po ako kase parang feeling ko tuloy PANGET ako. kaya parang ayaw niya ako makapartner. Wala din po kase akong confidence sa sarili ko eh. Tas nag karoon ng hanges sa cotillion. Bale hindi ko na siya nakapartner. Ayos lang naman. Tas hanggang sa natapos ang JS. Hindi na niya ako pinansin. Tas may time na may pinapaabot siya sa classamte ko na bag. Eh yung bag na yung malapit sakin.Sabi pa naman niya sakin "Paabot PO" Dun ko na po nahalata na talagang ayaw na niya sakin, pero bilang kaibigan. Then hanggang sa natapos yung school year.Wala na po. Inisip ko na baka kung ano man ang meron ay baka makakalimutan din niya .pero ngaung fourth year highschool kami ganun pa din. Eh yung bestfriend kong babae hindi niya alam. Hindi ko sinabe kase baka mali lang ako ng iniisip. Tas sinabe ko din sa kanya last week. Tas dun niya lang din nahalata. Tas nung nag usap sila binaggit ng bestfriend ko babae yung pangalan ko. Tas sabi niya sino daw ako. At talagang nainis na po ako. Kase parang ang arte niya sa kaibigan tas para siyang babae. Kase usually lahat naman ng boys samin wala namang problema sakin. Siya lang talaga. Kaya nakakabadtrip. Naiisip ko nga po minsan kapag binaggit sakin yung pangalan niya sabihen ko ding sino siya? Ako po kase yung tipo na tao kapag ayaw sakin di ko pinipilit. At tsaka siya lalaki hindi dapat siya gann umasta sakin. Kung may problema siya sakin edi sabihen niya. Hindi yung parang T*nga lang na parang inosente. Ano po ba dapat kong gawin?

Advice:   Maybe you should let him. Wag mo na lang ipakita o iparamdam sakanya na may care kung ayaw niya sayo. Alam mo masakit kasi ung sasabihin na Sino ka? Diba? Sobrang below the belt. Impossibleng hindi ka niya kilala seriously? NapakaJerk niya. Kalalaki niyang tao akala mo babae siya. Iparamdam mo din sakanya na wala kang paki sakanya. Na parang ano naman kung hindi ka niya pinapansin? Ano naman kung hindi ka niya kilala.Hayaan mo siya. baka kasi nagpapapansin yan. Pero on the other hand baka kasi may nagawa kang hindi niya nagustuhan. Or maybe naging awkward nung naging magpartner kayo. Pero mali padin ung ginawa niya. 

Just remember na hayaan mo siya. Wag mo na lang pansinin. Hayaan mong mapansin niyang wala ka naman pake kung hindi ka niya kilala. Kung who you ka sakanya. who you din siya sayo. Okay? 

About your Self-Confidence. Please work on it. Hindi naman pwedeng lagi ka nalang mahiyain. And hindi ka pangit. Siya ang pangit.. Panget ang Ugali. Kung napaka choosy niya aba'y ang arte niya ah. kala mo naman sino sya. tss.

Wag kang papaapekto sakanya. Dahil pag nagpaapekto ka talo ka. Wag kang papatalo dahil lang sa pagiging jerk niya. Once a jerk always a jerk. Tss. hayaan mo na lang siya.

By: YourWattyRebel

Date: June 28 2014

ADVICE ni YWR para sayo. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon