Advice #73: Sino ang may problema? Ako si Ex o si Friend?

373 5 1
                                    

Message: Hello po! Naiistorbo po ba kita? Haayy. Kailangan ko lang po kasi ng advice. Naghahanap po talaga ako ng author na nagbibigay ng advices at nabasa ko po yung mga advices mo kaya sa'yo po ako hihingi nito.

May kaibigan po akong babae, not considered as bestfriend dahil hindi lahat ng tungkol sa akin ay alam niya, pero lagi po kaming magkasama. Bale 6 years ang gap namin ni friend, ako po yung bata sa amin. At mayroon naman po akong boyfriend-- este EX na pala na 8 years naman po ang aming gap.

Eto po, nung time na liligawan ako ng EX ko: Yun pong friend na yun, mabait naman po siya. Ang kaso, nun pong time na liligawan na ako ng EX ko NOON, nabalitaan niya sabay pigil sa amin. In what way? Yung tipong tuwing lalapit yung EX ko na yun para po makausap ako eh hinahatak niya po ako palayo o kaya naman kinukurot ako para matauhan DAW ako. I asked her kung bakit niya ginagawa yun. Ang sabi niya, kilala niya si EX at alam daw niyang hindi ako magiging masaya dun. Okay, I understand. Pero may gusto na po kasi ako dun kay lalaki nun eh.

Nung time naman na naging kami na ni EX: Secret-On po kami. Since minor pa po ako nun. Kahit si kaibigan ay walang alam sa amin. Ramdam ko po kasi na sobrang sweet ni EX at naipapakita niya yung tunay na siya. Naiinis kung kinakailangan, lalaking tao pero demanding, kaso may pagka-pachicks. HAHAHA. Hmm. Edi yun nga po, tuloy sa paghatak sa akin palayo ni friend kay EX. Dumating sa point na chinecheck niya yung phone ko kung may text si lalaki, pero sa tulong ng isang app, naitatago ko ito. Aminado po akong pasaway ako, hehe.

Idinulog ko po sa iba ko pang friend kung bakit ganon yung kaibigan ko na yun. Ang sagot niya, it's either may gusto o may gusto. Uhh, bruha po talaga mag-advice yun. Haha. At, yun na nga po. Praning po ako ate eh. Kaya simula nun, bantay na bantay ko na silang dalawa(Si EX at friend).

Dumadating yung time na naaaway ko na si EX nun dahil kay friend. Sinabi ko kasi kay EX na nagseselos ako eh.Naiinis naman si lalaki kaya nadadagdagan yung hinala ko. Praning lang po.

After ng break up namin ni EX: Kagulat gulat. Biglang nag-improve si friend. Manang po kasi ang ayos nun eh. Pero tingnan mo naman ngayon, daring na daring na ang suot at nagmemake up na.

At isa pa, palagi ko pong nahuhuli na nakatingin siya kay EX.

And last thing po, kamakailan lang sinabi sa akin ni EX na crush niya si friend dahil nagagandahan siya rito. Ako si tanga, sinabi kay friend. Todo tanggi si friend sa pang aasar ko sa kaniyang papatulan niya si EX. Pero kapag naglalabas na ako ng galit kay EX tungkol sa pagkakaroon niya ng crush kay friend, binabawi niya at sinasabing "sinusubukan lang kita kung nakamove on ka na ba o hindi pa."

Ang respond ko kay EX nung nalaman kong crush niya si friend(totoo man o hindi)? "Maghanap ka ng iba, wag ang kaibigan ko."

Yes, mahal ko pa po si EX. Masakit na malaman yun. Pero ang nakapagtataka, naiinis ako kapag ang ganda ni friend sa paningin ko kasi alam kong lalong mahuhulog sa kanya si EX. Pero okay lang sa akin na sa ibang babae magpunta yung lalaking yun, wag lang kay friend.

Ang tanong ko po, anong problema ko't yun ang nararamdaman ko kay friend?

Sino ba talaga ang may problema sa aming tatlo nina friend at EX? At ano po ba ang dapat gawin?

Advice: Actually habang binabasa ko ito naiinis ako kay friend. Naisip ko lang kasi ano bang karapatan niya para pigilan ka diba? Kung totoong kilala niya si Guy sasabihin niya sayo kung bakit ayaw niya si guy para sayo maybe he'll state a specific reason kung bakit ka niya nilalayo kay guy at kung hindi siya makastate ng reason isa lang ibig sabihin nun gusto niya si guy. Ang landot nakakainis.

Hindi mo ba magets ung sitwasyon gusto nung friend mo ung EX mo. Malaki kasi ung gap niyo nung guy pati nadin ang gap niyo ni girl kaya siguro nakakaya kaya ka ni girl. Alam mo sa sitwasyon mo kung hindi ka lalaban wala kang magagawa kung hidni ka magsasalita sa harap ni girl wala mabubulok ka at sigurado ako in no time magiging sila ng EX mo na sa tingin ko matagal ng pinapangarap ng kaibigan mo.

Siguro kaya mo nararamdaman na kahit kanino na siya mapunta wag lang sa kaibigan mo kasi less painful honestly ako din eh ung mga ex ko okay lang mapunta na sila kahit kanino wag lang sa mga kaibigan ko. Pero alam mo ung sayo pwedeng may ibang rason. Ayaw mong mapunta ung ex mo sa kaibigan mo na pumigil sayo noon with that guy kasi alam mong pinigilan niya ung kaligayahan mo. At sa tingin mo siya ung sasaya ngayon sa bagay na ayaw naman niyang maramdaman mo noon. Kungbaga lumalabas kasi na parang inaagaw niya sayo si guy. Ayaw mo siyang maging masaya kasi alam mong nung mga panahon na naiinlove kana kay guy pinipigilan ka niya. Deep down inside you may galit ka sa kaibigan mo kasi ganun siya.

Tsaka isa pa naiinis ka kasi alam mong mahal mo parin ung guy. Hanggang ngayon umaasa kapadin na maging kayo nung guy kaya ayaw mo na mas mapalapit sila sa isa't isa. Ang mapapayo ko lang sayo kalimutan mo si guy kasi alam mo past is past kung kayo man babalik yan kung hindi edi maganda hindi mo na kailangan pulutin ung basurang tinapon mo na. At ung kaibigan mo siguro medyo layuan mo muna siya, kasi alam mo kung kaibigan mo talaga siya hindi ka niya ilalayo kay guy lang sa gusto din niya ito. Alam ko mahirap layuan ang kaibigan pero kung alam mo namang may dahilan kung abkit mo siya lalayuan madali lang. Kung kaibigan mo kasi siya hindi siya ganun. Kung gusto man niya si guy hindi ka padin niya pipigilan kasi kaibigan ka niya eh at ikaw ung gusto nung taong gusto niya at wala siyang magagawa dun. Siguro palipasin mo muna ngayon. Kung maging sila man macoconfirm mo na totoo ngang gusto nung kaibigan mo ung EX mo. That explains kung bakit nilalayo ka niya sakanya.

Tandaan mo, hindi ikaw ang may problema. Normal lang ung nararamdaman mong galit at ung nararamdaman mo parin para sa EX mo. Mahirap magmove on pero subukan mo. Okay?

By: YourWattyRebel

Date: Feb 11 2015

ADVICE ni YWR para sayo. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon