Advice #35: Paano ako maiintindihan ng Bestfriend ko?

589 6 4
                                    

Problem/Question:

May bestfriend po kasi ako, kilala ko siya since elementary kami. On and off po kami, (parang magjowa lang eh XD) sa isang taon friends kami, tapos makalipas yung ilang taon, magkaaway, tapos friends ulit. Kaya ko lang naman siya inaaway noon dahil nagsunod-sunuran ako dun sa isa kong kaibigang maldita at feeling boss -_- haha!

Tapos, nung nag-HS kami, friends na ulit kami, tapos nag-level up pa, naging bestfriends na! Noong nararamdaman ko nang ganun na ang tingin niya sakin, sobrang saya ko kasi ngayon lang ako nagkaroon ng totoong bestfriend. Yung mga dati ko kasi naging bestfriend, pera lang pala ang gusto sa'kin, o di kaya nilalapitan lang nila ako kapag kailangan nila ako.

Siya kasi nandyan palagi para sa'kin. Ganun din naman ako sa kanya. Umabot nga sa point na nagsasakitan na kami eh (literal, like sampal, etc. XD), para na kaming magkapatid. Ang problema ko lang naman ay nitong mga nakaraang araw nagiging moody sya, lagi syang nangttrip kung kailan niya lang gusto, lagi siyang nagkukunwari, lagi siyang ganito ganyan, lagi siyang galit kasi kapag may mga gala kami, palagi kong sinasabi "tinatamad ako" o di kaya "pagod kasi ako eh, sorry". Kaya ko lang naman kasi sinasabi yun para hindi niya malaman yung problema ko, at para hindi na sya magalala. Madami na din kasi syang nagawa para sakin.

Kung anu ano na yung mga sinasabi niya sa'kin, kaya ningingitian ko na lang siya. Pinapabayaan ko na lang yung mga sinasabi niya, KAHIT MASAKIT NA. Gusto kong sabihin sa kanya na, "hindi mo ba naiintindihan? kailangan ko din naman kasi ng oras para sa sarili ko. may problema din kasi ako, dba?". Matagal ko ng gusto sabihin yun pero hindi ko masabi sa kanya. Kasi ayokong masira ang friendship namin.

Anong way po ba para maintindihan niya yung part ko? Para maintindihan niya yung mga ginagawa niya sakin. Yung hindi nakakasakit, at sana, kahit 5% lang yung pwede na magaway kami at masira ang friendship namin. (parang imposible yata yun) XD Thank you po ng madamiii!!!! <3 <3

Advice: Minsan sa mga ganitong sitwasyon alam naman natin talaga kung bakit nagkakaganyan ang isang tao kaya minsan hindi natin naiisip un kasi parang impossible or like parang kailangan pa natin ng isang tao ng tutulong satin para masolve yun. 

Siguro nga nasasaktan kana sa ginagawa ng bestfriend mo, pero lahat ng pagbabago may dahilan yan. lahat ng lumalabs sa bibig natin may dahilan. Lahat ng bagay kaya natin ginagawa dahil may rason tayo. hindi pwedeng ginawa natin un kasi wala lang..

Alam mo at Alam ko na may dahilan din kung bakit ayaw mong sumama saknyan sa mga lakad un ang Dahil ayaw mong mahalata niyang may problema ka. At may dahilan kung bakit ayaw mong mahalata niya un.

Maybe kaya ngkakaganyan ang Bestfriend mo is dahil din sayo. Iniisip niya na iniiwasan mo siya. Wag mong iparamdam saknya na iba na ngayon. Wag mong hayaan na isipin niya na iba kana. Na you've changed. Kasi hindi namn. Hindi mo lang siya sinasamahan dahil may problema ka.

gusto mong maintindihan ka niya pero hindi mo pinapaintindi saknya. Alam mo, bestfriend mo siya and she deserves to know what you really feel. Bat ka pa nagbestfriend kung hindi ka din anmn kampante na magopen up saknya.

Maybe the best solution is try to open up to her. Tell her the truth. Alam mo kasi kaya akala niya iniiwasan mo siya kasi hindi mo sinsabi na kaya ayaw mong lumabas eh because you need time for yourself. Akala niya kasi ayaw mo na siyang friend.

Minsan ang mga tao ganun, may pagkapraning. And lahat tayo nakikita man ng iba o hindi nasasaktan tayo pag iniiwan tayo ng isang taong mahlaga satin. mahirap mawalan ng kaibigan. Masakit lalo na kung totoong kaibigan ang nawala sayo.,

kaya ka niya kinukulit kasi akala niya wala kang problema kasi hindi mo naman sinabi saknya.

Ngayon ang gawin mo is talk to her tell her na nasasaktan ka sa ginagawa niya and tell her na sorry kung lately parang iba kana kasi you need to face your problems at sabihin mo na gusto mo kasing mapagisa para isipin ang mga problema mo. at sabihin mo wag na siyang magalala sayo kasi gusto mo lang ng time para sa sarili kungbaga space from everyone.

Kasi siya ung taong nagcacare kaya lagi ka niyang kinukulit at siya ung taong pagtinaboy mo ng hindi niya alam ang dahilan sguradong masasaktan siya.

Open Up to her para malaman niya. In that way i think magiging okay ang lahat maiintindihan ka niya and most importantly hindi masisira ang friendship niyo. Just try to make her understand kung ano ba talga ang nararamdaman mo,.

By:YourWattyRebel

Date: April 9, 2014

ADVICE ni YWR para sayo. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon