PG 13 - I Like You

1.5K 32 10
                                    

Heto yun eh! Heto yung pinaka-ayaw kong gawin! Yung pumasok sa library T^T Buset! Di nga nasuspend sina Joshua at Mathew kaso ako naman ang naparusahan para daw makonsensya sila at huwag na ulit magsuntukan kasi kung magsuntukan ulit daw sila eh lilinisin ko daw buong quadrangle for 1 week! Naku! Kapag yung dalawang yun nagbugbugan ulit ako mismo mangbubugbog sa kanila!

Pero seryoso... panis na laway ko! huhuhu. Kanina pa ako naka-upo dito at nagbabasa ng ewan na libro x( pero masmaganda na rin to kesa naman gawin akong subtitute librarian! Di ko ata carry yun! Baka tumalon ako sa bintana!

*yawn

Hala, inaantok na ako... Bakit ba kasi ang tagal magbell!!? Aish!

Binuklat ko yung napakalaking libro tapos pinatayo ito sa harap ko. x3 tulog mode muna ako! Yumuko ako at pinatong yung ulo ko sa mga kamay ko.

Someone's POV

Pumasok na si Arkeus sa library tapos pumunta sa bookshelf kung nasaan ang mga libro relating Astronomy. Kumuha siya ng libro at pumunta sa isang table na di niya tinignan kung may naka-upo ba o wala kasi nakatutok siya sa libro. Nakafocus siya sa pagbabasa ng biglang nahulog yung nakabuklat na libro na nakatakip sa natutulog na si Beth. Malakas ang sound effect ng libro nung nahulog ito dahil talaga namang malaki ito kaya napatingin aila lahat kay Beth pero parang walang narinig si beth dahil nakapikit pa rin ito.

Nakakunot noong tinignan ni Arkeus ito. Di man kita ang kabuuan ng mukha nito ay alam niyang si Beth ito.

Nagsibalik na sa mga libro ang mga matang lumingon kay Beth na mahimbing pa rin ang tulog.

Di napansin ni Arkeus na sinara na pala niya ang librong hawak niya at tinitigan na lang si Beth.

Napangiti siya ng bigla na lang umupo ito ng maayos at nakataas ang pangang tumingin sa kaliwa at kanan niya, medyo nakapikit din ang mga mata neto. pagkatapos ay iniscratch neto ang buhok niya at muling yumuko at ipinikit ang mga mata. Mukha siyang ewan... parang si Nadia... His precious Adi.

Nadia de Jose is his girlfriend... Ang only girl para sa kanya pero sa di inaasahang pangyayari ay namatay siya. Exactly 5 months ago noong nabangga ito ng kotse. The driver was arrested pero sabi ng lawyer ng mga de Jose ay may tinatakpan daw ang driver pero di pa rin ito umaamin kahit sinuhulan na nila ito ng milyon milyon.

"Ang halik mo namimiss kooooo!!! Bakit iniwaaaaan mooo akooooooooww ooh oooh ooooh!!" -by Elizabeth Gosiaco.

"Omg!" Biglang nagising si Beth at hinanap ang cellphone na natabunan ng libro. Ang dami niyang pinindot-pindot sa cellphone niya bago niya inalis ang battery neto dahil hindi parin tumitigil ang ringtone niya na siya mismo ang kumanta at wala pa sa tono.

Napabuntong hininga si Beth nang tumigil ang cellphone niya at ngumiti sa mga tao sa library habang nakaPeace sign "hehe, sorry po. Sorry po. Sorry po. Sorry. Hehe" bulalas niya at hinaluan pa niya ng mga yuko.

Pagkatapos ay kinurot niya ang sarili niya ng napa-'ouch' siya ay napansin niya si Arkeus na nakatitig lang sakanya. "Ark-mph!" Tinakpan niya yung bibig niya kasi sisigaw na naman sana siya.

Napabuntong hininga naman si Arkeus. Naawa siya bigla kay Beth kasi alam niyang nabobored na ito sa library. Inabot niya ang notebook ni Beth na nasa table at nagsulat ng 'Follow me' tapos tumayo siya at nagumpisang maglakad.

Elizabeth's POV

O_O emeged!! Kinuha ko yung notebook ko tapos tinutok ko talaga mata ko doon sa sinulat niya. "Follow me" bulong ko... waaaaaaaaaaaah!! Di nga ako ngkakamali! Hindi ako nabubulag!! Follow me talaga ang sinulat niya!! Hala! Bakit lumalakas na naman tibok ng puso koooo!!? >•< Waaaaaaaaaaaah!!

Pervert GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon