PG 10 - Fiance

1.5K 31 12
                                    

"Problema mo?"

Napatingin ako kay kuya Ethan na nakatingin sakin na nasa table habang, syempre, nakalaptap. Nasa kusina ako kukuha sana ng tubig ng napansin niya ako "Ha? Problema? Ano yun? Bagong title ng binili mong bold CD?"

Hindi niya ako sinagot at na natiling nakatingin sakin ng walang expression sa mukha -_- tsk. Di na mabiro "Wala akong problema." sabi ko na lang habang nilalagyan na ng tubig yung baso ko.

"Sumali ka ba sa isang fraternity? Bakit namamaga yang noo mo?" tanong niya.

Bah, concerned din pala tong kuya ko sakin.

Hinawakan ko yung noo ko, medyo may bukol siya "Fraternity ka jan. Nauntog lang ako!" sabi ko tapos binalik yung pitcher sa refrigerator at sinara ito.

"Sinungaling." sabi lang niya at kina-usap na naman ang laptap niya.

"Sinabi ko bang maniwala ka?" nag walk out na ako baka barain na naman niya ako or asarin eh. Wala ako sa mood. Moodless ako ngayon.

Pagkarating ko sa kwarto ko, agad akong nahiga sa kama ko at yinakap ang hotdog pillow na regalo nila sakin nung birthday ko at umiyak ako, chos joke lang, nagpakanta ng

Sa aking pag-iisa

Pangarap ka sa tuwina
Lagi kang nasa isip, sinta

Maging sa pagtulog ko
Ikaw ang nakikita
Nais kong makapiling kita

O, giliw ko, miss na miss kita
Sana'y lagi kitang kasama
O, giliw ko, miss na miss kita
Gusto ko sana'y makayakap ka Ang halik mo, na-mi-miss ko

Ang halik mo, na-mi-miss ko
Ang halik mo, na-mi-miss ko
Bakit iniwan mo akoooooooooooooooooo!! Waaaaaaaaaaaaah!! Arkeus walangya ka! Hindi ko akalaing mapapakanta ako ng dahil sayo!! Bwiset ka! Akala mo naging masaya ako ng nakilala kita? Hah! No way! The other way! I wish I never met you din no!

*tok tok*

"Walang tao ditooo!!" Sigaw ko. Nakakainis naman eh! Kung kelan tutulo na luha ko doon naman sila eentra! Ish!

*tok tok tok tok tokt tok tok tok tok!!*

"Wala ngang tao sabi eh! Tumalon sa bintana! Puntahan mo jan sa baba tanungin mo kung buhay pa!!" sigaw ko tapos kinuha ko yung unan ko at itinakip ito sa ulo ko.

"May bisita ka! Yung boyfriend mo!" sigaw ni kuya dahilan para lingunin ko siya. Pagkalingon ko sa kanya nakabukas yung pinto, di ko nga pala nilolock ang pinto ng kwarto ko.

"Boyfriend? Heh! Wala akong boyfriend!" Boyfriend? Wala naman akong boyfriend ah tsaka matagal na kaming break ni Mathew, inaasar pa nga niya ako nung nagbreak kami eh... O_O OMG!!

Napatayo ako bigla at tumalon ng kama ko. Boyfriend!? Naalala ko, pinakilala ko nga pala noon si Arkeus bilang boyfriend ko!! So nandito si Arkeus!!? Tumakbo ako at tinulak si kuya na haharang-harang sa pinto "Tabi ka nga!" pero hindi ko siya aitulak kasi ang laki niya. Sayang effort ko! hahaha

"Tsk." sabi niya at naglakad papuntang kwarto niya, neighbors lang kasi ang kwarto namin.

Nako, bakit ko ba pinagtutuonan ng pansin yang asar kong kapatid? Si Arkeus nasa baba siya yung importante! Tumakbo ako pababa ng hagdan tapos may nakita akong lalaki na naka-upo sa single sofa pero yung gwapong likod lang niya ang nakikita ko... Emeged! Naging rossy yung cheeks ko ng nakita ko yung hawak niyang red rosses! Waaaaaaaaah!! Nabuhay mga alaga ko sa tiyan!! Tatalon na sana ako sa saya ng nakita ko itsura ko sa salamin na malaki na nasa wall... O__O Mukha akong narape! Kakagising ko lang kasi tapos may dry akong laway sa gilid ng labi koooo!! Waaaaaaaah!!

Pervert GirlWhere stories live. Discover now