PG 9 - Kabug

1.8K 40 18
                                    

"Heto ako, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang malalapitan. Sana'y may luha pa, akong mailuluha. At ng mabawasan ang aking kalungkutaaaaaaaaaaaaa-AaaaaaRAY!!!". Napahawak ako sa batok ko "Ano ba Joshua!? Ikaw ba hari ng mga mambabatok!!? Putulin ko kaya yang batok mo!!?" Ang sakit niya mambatok! Grabe! Parang siya si kung fu panda kung makabatok eh!

"Malakas na masyado ang ulan kaya kapag kumanta ka baka bumagyo na!" sabi niya at inirapan ko siya.

"Wateber" sabi ko at kinalkal ang bag ko. Eh? Asaan na yung payong kong imported!!? Hala! Naiwan ko pala sa bahay! OMG! Paano na ako!? Naman kasi bakit pa ako kumanta!!? "Baks! Waz mi umbrella!" sabi ko kay Joshii na katabi si Anya na may hawak na payong at pinapayungan si Joshua.

"Bakla, Babush na, makikipayong ako kay Anya hanggang gate! Waz mi din umbrela eh! Babu!" sabi niya then tumakbo sila ni Anya! Halaaaaa!! Hindi lang man ako siningit sa payong nila! Mga walangyang yan! Grrrrrr!! Sana masira yang payong ni Anya! Sana liparin ng hangin at maging antenaaaaaa! Isssshhh!! Mga traydor sila! Lalo na yang Joshuang yan! Teka bakit ba ang laking issue ng ginawa ng baklang yuun!!? Ish! Hintayin ko na lang tumila ang ulan.

At ayun nga, naghintay ako ng naghintay ng naghintay hanggang ako na lang natira! Waaaaaaaaaaaaaaahh!! Bakit di tumitigil ang ulan na ito!!!? 24 hours na akong nakatayo dito pero di pa rin tumitila ang ulan!! T^T Hala!? Paano na ako? Baka akalain ng mga magulang ko na na abduct ako ng mga aliens! or baka akalain nila nagpakidnap ako sa mga rapist!! Nooooooo!! asdfghjk naman kasi eh! Anong klaseng cellphone ba tong binili ko!? Palaging lubat eh!

Bigla akong may narinig na mga yapak na palapit sakin kaya napatingin ako sa likod ko tapos nakita ko si Arkeus!! "Arkeus!!" Ang saya ko! May kasama na akong ma aabduct ng mga aliens mamaya! hahaha. Linapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya "Buko ko! Buti na lang nandito ka!" Nakangiti kong sabi.

"Why are you doing this?" Biglang tanong ni Arkeus.

"Ha?" balik tanong ko. Tinatannong ba niya kung bakit ko hinawakan kamay niya? Diba niya alam na invitation yun!!? hahaha.

"Don't touch me, at huwag mo akong kausapin." sabi niya at inalis ang kamay kong nkahawak sa kamay niya.

Nu daw? Bah! Siya kaya unang nanghawak sa akin noong hinila niya ako! Makapag don't touch me ito para namang may Ebola viruzz ako! Hindi pa nga ako nakakapag-out of the country eh!

Hinawakan ko ulit siya. Pero inalis niya ulit, ni hindi lang man tumingin sakin kaya yinakap ko siya sa side. Lumipas ang ilang lingo pero di pa rin niya inaalis ang pagkayakap ko sakanya kaya kusa akong bumitiw at nagtatakang tumingin sa kanya kasi para siyang naging estatwa. Prublima neto? "Huy Arkeus? Naging bato ka ba sa sobrang ganda ko?" Tanong ko at pinitik-pitik pa ang mga daliri ko sa harap ng mukha niya pero wa epek, naka statue mode pa rin siya.

"Buko ko?? Huuuuyy!!" Tinusok ko siya, kiniliti sa tiyan, ayoko kasi sa kili-kili baka mabaho, nagtorot-tot din ako gamit ang mga kamay ko, nagdrums din ako gamit ang batong napulot ko, sumayaw na din ako ng chacha at nagsona na rin ako pero wala! Tulala pa rin siya! Hala baka naman tulog siya?

Linapit ko mukha ko sa tenga niya "Akeus del Castillooooooo!!!?" sigaw ko sa tenga niya, epektib naman kasi bigla niya akong liningon tapos.... BOOM! sumabog ang mount fuji at napunta sa pisngi ko ang lava niya! Waaaaaaaaaaaaaaaaah!! Cotton Candy I mean waaaaaaaaaaaaaah!! Yung lips ko nakadikit sa lips ni Arkeus!!

Hindi ko alam ag gagawin nanatili lang kami sa ganung posisyon hanggang naramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko at hinahalikan na ako! OH EM GI!! Ano gagawin koo!!?? Ang lambot ng labi ni Arkeus parang cotton candy... Ayun sa mga napapanuod ko binubuka nila ang mga bibig nila kapag naghahalikan kaya binuka ko din ang bibig ko kaso bigla siyang tumigil at humiwalay!

Pervert GirlWhere stories live. Discover now