Ika-54 na Kabanata

1K 13 0
                                    

Kiel

Oh hi! Sorry pasali lang saglit.. Ako nga pala ang gwapong kapatid ni Lei.

Why I'm having a POV? well, Malay ko rin. Si Miss author sinali lang ako rito.

Ayaw mo pa? Pakipot.. pasalamat ka love Kita.. ^__^

Eeeww. kadiri ka author. Pero thanks na rin..

Off duty ko ngayon kaya naman pahinga ako. Hayyy. nakakamiss pala ang mga Babae kong kapatid. Lalo na si Lei. Kahit masungit at makulit ang babaeng yon laging may kasweetan pagkatapos. Mahal na mahal ko kaya sila.

Sila na may lablayp.. Wooooo. Naiinggit ako... Pwede ka ba?

Aish! Enough this drama. Nakakabakla..

Nagising ako dahil maingay sa labas.

Wag mong sasabihin ito Papa!!

Boses ni mama yun a. Nagaaway sila? Bakit parang ngayon ko lang sila naririnig na ganyan...

Please Mama. Hindi ko na kayang ilihim ito. Mahal ka namin at aalagaan ka namin.

nagmamakaawa si Papa? Shoot! Ano bang meron?

Papa! Hindi! Hindi pwede. Kakayanin ko. Ayaw kong maging pabigat ako sa inyo.

Hindi ko maintindihan ang topic nila? kaya naman lumabas na ako sa kwarto ko.

"Ma! Pa! Ano bang pinagaawayan niyo?" halatang gulat sila ng sumigaw at makita nila ako.

Hindi sila makapagsalita tapos namumutla na si Mama.

"Please! Tell me! What's going on?" hindi ko na napigilan sarili ko. Kinakabahan ako. Swear.

"Kiel anak. Please. wag mo kaming pagtaasan ng boses." pakikiusap ni mama.

huminga ako ng malalim.

"Sorry po. Pero Please. ano po ba ang problema?" mahinahon ko nang tanong.

Tinignan ko si Mama na namumutla at mukhang masama ang pakiramdam.

"K-kasi a-ano.. M-may nakalimutan lang akong bilhin sa grocery. oo tama yun nga i---" hindi na naituloy ni mama ang reason niya dahil nagsalita si Papa.

"Ma! ano ba?!" sigaw ni papa kay mama. umiling siya at huminga ng malalim tsaka tumingin Kay mama. Si Mama naman ay nagsasabing wag ituloy ang sasabihin. Pero hindi iyon nagawa ni Mama.

"May sakit ang mama niyo. Malubha na." sa sinabi ni papa parang binuhusan ako ng mainit na tubig.

"Pa naman!" Angal ni mama.

"Stop this Mama! Kailangan na nilang malaman ito. Hindi ka naman magiging pabigat sa amin. Mahal ka namin." mangiyak-ngiyak na sabi ni papa kay mama.

lumapit ako kay mama at niyakap siya.

"Ma.. maiintindihan ka namin. Nandito kami lagi." humahagulgol na rin si Mama. Nangingilid naman ang luha ko pero Hindi ko pwedeng ipakita na mahina ako. kailangan rin ako ni mama. Kailangan kong maging malakas.

"Sorry Kuya. Natatakot lang ako. sorry. " patuloy lang ang paghagod ko ng likod ni Mama.

"Ma. Magpahinga ka muna. Kami na maguusap ni Papa. Please. Kailangan na rin malaman ni Sophie at Lei ito. Please ma. Para sa amin." nagnod naman si Mama. Hinatid ko muna siya sa kwarto.

Hindi ko na maiwasan na malungkot at mapaluha sa balitang narinig ko. Ang hirap. Pero baka may paraan pa.

Kumuha ng alak si Papa, I mean red wine pala. Sosyal si Papa. Anyways, binigyan niya rin ako.

"Pa. Ano po bang sakit ni Mama?" tanong ko kay papa na nakatulala lang.

"May tumor siya sa brain niya anak. Kaya pala madalas na sumasakit ang ulo niya. Inilihim sa akin ng mama niyo ito pero natuklasan ko rin. 1 year ago." hindi ko maprocess sa utak ko ang naririnig ko. Bakit nila nilihim?

"Bakit niyo po hindi sinabi sa amin?" diretso kong tanong Kay Papa.

"Sorry. Pero Ito ang hiling ng Mama niyo. Ayaw niyang maging pabigat at magalala kayo." pagpapaliwanag Niya. Pero Mali pa rin e.

"Wala na bang paraan para matanggal ang tumor sa utak ni Mama?"

"Meron pa anak. Pero Hindi natin kakayanin. Itong bahay sinanla ko pa at sa sobrang kadesperadahan ko ay nagamit ko pa ang kapatid niyo..." naiiyak na sabi ni Papa. Teka! Anong sinasabi ni Papa?

"Ano pong sinasabi niyo na ginamit niyo ang kapatid ko? Sino?" mahinahon kong tanong. Naguguluhan ako

"Si Jesse. Kinausap ko ang mga Araneta para sana humingi ng tulong. Binigyan naman nila ako Pero sa isang kundisyon na ipakasal ang isa sa kapatid mo sa anak ni Master. At si Mark Robert iyon. Binigyan nila ako ng pera para at pinaready na sana ang operasyon ng mama niyo pero nagpumilit ang mama niyo na wag dahil..." naiiyak nanaman si Papa. Goodness. Pati ako.. "dahil ayaw niya tayong makalimutan.. Kaya naggagamot na lang ang mama niyo. Hindi ko siya masisisi kung ayaw niyang sabihin sa inyo pero ang kunsensya ko Hindi kayang magsinungaling. Patawarin niyo sana ako mga anak." sabi ni papa.

Hindi ko Alam ang gagawin ko. Naiinis ako na naaawa kay Mama, Papa at Jesse. Ewan!!!

"Pa!!!!!! psssshh. Tahan na.." shoot! Nakakagulat naman itong babaeng to.. Hayy. Sophie talaga ang hilig mang gulat.

"Nandyan kana pala.." naiiyak na niyakap ni Sophie si Papa.

"Sorry.. Patawarin niyo kami ni Mama niyo." sabi samin ni Papa.

Hello? Bakit naman hindi namin sila papatawarin? Mahal namin sila at lahat ng pagmamahal pinakita at pinaramdam nila saamin.

"Kailangan na malaman ito ni Jesse Pa." out of the blue nagsalita si Sophie.

"Natatakot ako. Paano kung malaman Niya na pinambayad ko siya sa mga araneta para tulungan nila tayo?" sabi ni papa.

Huminga akong malalim. May karapatan parin si Jesse. Alam kong mapapatawad siya ni Lei.

"PA. Mas magandang malaman na niya at alam naming mapapatawad ka ni Jesse. You love our mom and also your children." binigyan ko ng weak smile si papa. Ganun din siya.

"Pero wag muna ngayon please? Next week na ang defense niya at baka maging sagabal pa ito. Sana maunawaan niyo. " sabi ni papa.

lahat kami ay napagpasyahan na after na ng defense ni Jesse sasabihin… Kaya guys! wag niyo sabihin a. please. kami na magsasabi..

---------> Itutuloy

Hi po. ^___^ Sorry wala pa si RobSee sa chap na to. Mahalaga to..

Comment po and vote po. salamat......

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Where stories live. Discover now