Ika-20 Kabanata

1.5K 23 1
                                    

Jesse's POV

Ugh!!!.. Bakit sa dinami-daming mapapakasalan, yung kampon ng kadiliman na si Mark Robert Araneta pa!!.

Imbes na maimbyerna pa ako, lumabas na ako at tumungo sa dining area.

Nakita ko kaagad si Leslie na tumayo sa kinauupuan at tumakbo papalapit sa akin.

"Ate Jesse!" tawag niya sa akin.

"Good morning Leslie." ginulo ko yung hair niya at napatingin sa asungot na busyng-busy magbasa ng headlines sa dyaryo.

Umupo na kami ni Leslie at nagsimula ng kumain. Walang imik yung isa... Wala man lang Good morning. 

"Kuya Rob, Bakit di mo pinapansin si Ate Jesse?" tinanong ni Leslie sa kanya. Ako naman e nabigla sa tinanong niya.. Okay lang naman sa akin maski di niya ako pansinin. SO what naman diba?

Ipinatong ni Mr. Sungit yung dyaryong hawak niya at tumayo sa kinauupuan niya.. At at at. Bigla siyang lumapit sa akin...

"Good morning Babe.." niyakap niya ako sa likod at hinalikan ang pisngi ko.. Siomaii.. ANo na naman ba ang ginagawa nito?.

Ano ba ang sasabihin ko??? Napatulala na lang ako sa ginawa niya.. 

"Aa---ee--- Good morning din.." tugon ko sa kanya.. Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin... Hayyy.. Salamat....  Bumalik na siya sa kanyang pwesto... Kaya hinawakan ko ulit ang kutsara at tinidor ko.

Pero sa di ko inaasahan ay tumabi sa akin si Mr. Sungit malapit na malapit sa akin. Tinignan ko siya at nginitian niya lamang ako. Siomaii!!! Nakakatunaw ang mga titig niya a. Pati yung ngiti niya.. 

Napatulala na lamang ako sa kanya. At sa di inaasahan.... Lumapit ang kanyang mukha sa mukha ko at hinalikan ang noo ko... Ugh!!! umiinit ang pisngi ko...

"Kain kana.. I'll talk to you kapag uwi ko. so dont be late okay?" binigyan na naman niya ako ng strange smile.. Wah!!!! bakit naman ganito.. kinakabahan tuloy ako.. Ano naman ang pag-uusapan namin?

"Let's go Leslie.." tumayo na siya at umalis na.

"Bye ate Jesse. Punta ka sa bahay minsan a. I'll be happy if you do." lumapit sa akin si Leslie at kiniss ako at sinundan na rin si Mr. Sungit.... Hayyy!!!!

---------------

Nag-ayos na ako para sa pagpasok. Maya-maya ay darating na rin yung maghahatid sa akin papuntang school. Ayoko sana pero baka magalit si Mr. Sungit...

Habang naghihintay, Nilibot ko muna ang bahay at nagtungo sa family garden.

"Wow!! Ang ganda naman dito....." napaunat ako ng kamay.. Ang ganda rito. ang lawak at marami pang halaman.. Alagang-alaga.. Pero sino naman kaya ang nagaalaga rito? laging wala si Mr. Sungit....

"Ehem!" sino yun?? kaya napatalikod ako.

"Ayyy.. Sino po kayo?" tanong ko sa isang matandang babae..

"Ako nga pala si Lola Maria. Ikaw?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Ahhm. Ako po si Jesse." magalang kong sagot.

"Napakaganda mo namang bata anak.." Lumapit siya sa akin at tuwang-tuwa..

"a--e-- Maraming salamat po...." Sino ba siya at bakit nandito? ".....ipagpaumanhin niyo po, pero ano pong ginagawa niyo rito?"

Nginitian lamang ako ni Lola Maria at tinungo ang mga halaman..

"Ako ang nangangalaga ng mga halaman dito." pagpapaliwanag niya,

"Ahh.. Kung ganon po, kilala niyo na po ang masungit na may-ari nitong bahay?" napatingin sa akin si Lola na parang nagtataka.. Naku, mali yata yung sinabi ko. "...Ibigsabihin ko po e, kung kilala niyo po si Mr. Mark Robert Araneta?" napakamot ako sa ulo ko.

Tumawa yung matanda at ako naman nalilito.. hehe.. mukha bang nakakatawa ang sinabi ko? 

"Oo. Kilala ko siya." sinabi niya iyon habang pinipitas ang isang red rose.

"Ganun po ba? Pasensya na po. Ngayon ko lang po kayo nakita at nakilala." lumapit siya sa akin.

"Wala iyon anak. Nabalitaan kong ikaw ang asawa ni Robert?" nakangiti niyang tinatanong.

"Ganun na nga po Lola Maria." medyo malungkot kong pagkakasabi. Nakakalungkot naman kasi diba.. sa taong hindi ko mahal ako nagpakasal and worst sa isang KAMPON NG KADILIMAN pa.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang isa kong kamay.

"Balang araw anak, magkakaintindihan din kayo at magmamahalan. Bigyan niyo lang ng pagkakataon ang isa't-isa na magkakilala." Ang lalim masyado ni Lola..

"Malabo po ang sinasabi niyo Lola.. Hindi niya po ako magugustuhan. Tsaka po parang halimaw ang ugali niya." Nakapout kong sabi sa kanya..

"Hahahahaha. Magbabago rin siya. Hintayin mo lang." La, si Lola talaga.. 

Beep! Beep! Beep! 

Nandyan na ang sundo ko..... Kailangan ko na umalis. At baka ano pa ang sabihin ni Lola...

"Nandyan na po ang sundo ko Lola.. Papasok na po ako sa school." Ngumiti ako sa kanya.

"O sige anak. Mag-iingat ka.. Eto o..." iniabot niya ang red rose na pinitas niya. "..Balang-araw bibigyan ka rin niya ng magagandang rosas na katulad niyan. Maghintay ka lang," dag-dag pa niya.,

Dahil nahihiya akong tanggihan si Lola, kinuha ko na lang maski hindi ko siya maintindihan. 

"Maraming salamat po at Paalam." umalis na ako sa garden... 

--------------------------

Bumabagabag pa rin sa akin ang mga sinabi ni Lola hanggang ngayon... 

Imposibleng magkagusto sa akin ang isang Mark Robert Araneta, isang anak ng mayayamang Pilipino. Isang tagapagmana ng kanilang kompanya at ospital. Malabo..! MALABONG MALABO!!! 

Anong magiging dahilan niya kapag minahal niya ako?? Hindi ako mayaman. Isang hamak na anak ng dalawang masipag na magulang. May dalawang kapatid, isang Kuya at isang Ate. Walang alam sa pagpapatakbo ng negosyo. 

UGH!! Bakit ko ba iniisip ang mga ito?? Hindi naman kailangan diba dahil hindi rin naman magtatagal ang ganitong set-up .. Di naman niya ako mamahalin ganun din ako..

Pero paano kung mahulog ako sa kanya?? 

Mukhang malabo naman din iyon dahil Masama siyang tao.. 

Paano kung makilala ko pa siya at magbago siya?

Hindi siya magbabago.. 

UGH!!!!!!!!! Nakakainis.. 

Napahawak na lamang ako sa kamay ko at nakapa ko ang Wedding ring.. At Biglang huminto ang sasakyan.. 

"Nandito na po tayo Ma'am Araneta." Sabi ni Mr. Driver

"Jesse na lang po." Ngumiti ako sa kanya.. "..... Ano po palang pangalan niyo?" dugtong ko pa

"Ako po si Steban Ma'am Jesse.." sagot ni Kuya Steban,

"Maraming salamat po Kuya Steban sa paghatid. Ingat po sa pagdadrive. Magpahinga na rin po kayo." lumabas na ako ng sasakyan at isinara ang pinto. Halata mong hindi sanay si Kuya Steban sa kinikilos ko. Pero masanay na siya dahil hindi ko kayang tratuhin siyang iba.. :)

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

2 days na lang papasok na ulit ako sa school.. Sana maisingit ko pa ang pagsusulat,. Magiging Busy kasi ako e.. Pero sanay suportahan niyo pa rin ako.. Maraming salamat.. :) God bless po.. ^_^

Falling in Love with HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon