Chapter 25

530 14 8
                                    

Chapter 25: ISTORBO ~

“Where are you, Franj?” Erin called me habang nagwiwindow shopping kami ni Luhan, nag-excuse ako sa kanya para makausap si Erin na hindi nagmumukhang rude kay Luhan. Grabe, panay ang tingin ng mga babae sa kanya. Sabagay, abnormal ka kung di mo mapapansin siya Luhan kung man malapit siya sayo.

“Mall.” Sagot ko.

“Who’s with you?” Hala, nakita ba ako ni Erin? Nandito din siya sa mall? Tumingin ako sa paligid expecting I will spot Erin anywhere here but I saw none, “Alright Franj, I won’t intrude any further. Kai went her and he’s fuming. May problema ba kayo?” Kumalabog ang puso ko. Galit si Kai? Nakita niya ba kami ni Luhan? Yung hinalikan niya ako? Oh gosh!

Binaba ko yung tawag ni Erin at kinalkal ko ang phone ko, hoping to see Kai’s message, hindi naman ako nabigo kasi may isa siyang text doon.

“I saw you.” That’s what he said.

Parang tumakas lahat ng dugo ko sa katawan, nakita niya kami ni Luhan na magkasama? Oh noes! Bakit siya nagpunta dito sa mall?

Tinext ko si Erin para malaman kung nasaan sila. Kelangan kong makausap si Kai at may kutob akong ayaw niya ang nakita niya.

Ako:

Nasa apartment ka ba, Erin?

Erin:

Nsa bwcw ako with them. Punta ka?

“Ah, Luhan. Uuwi na ako, may gagawin pa pala ako.” I lied, sorry Luhan, I owe an explanation to Kai.

“Can’t you stay with me?” Nalungkot ang mukha ni Luhan. At this moment, kung hindi lang si Kai ang dahilan ng pag-alis ko, baka di ko na iwanan ‘tong si Luhan.

“Sorry Luhan, I have to make up with Kai.”

He was the one who always turns his back to me, now it’s my time to do it. Anong feeling ng tinatalikuran?

Pagkarating ko sa BWCW, nakita ko agad si Jezreen na nakaupo sa gutter parang hinihintay niya talaga ang pagdating ko.

“Nasaan si Kai?” Tanong ko agad at medyo hinihingal pa ako, after kasi akong ibaba ng taxi dito sa school, kumaripas na ako ng takbo papunta dito.

“Si Luhan ba iyong kasama mo kanina?” Tanong niya at nanliliit ang mga mata nito.

Nag-iwas ako ng tingin, bakit ang sungit ni Jezreen? “Oo.”

“I was with Kai, nakasalubong ko siya sa mall. May dala siyang bouquet para sayo, monthsary niyo ngayon hindi ba?”

 

365 Days with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon