Chapter 15

965 35 7
                                    

Ahihihi. Malapit na ang birthday ni oppa ng unnie niyo ♥

Sa next chapter ipapakita ko na yung mga itsura ng mga leading ladies ng mga gheis hahaha! Each of the faces where delicately chosen, for sure, di kayo madidisappoint.

Chapter 15~

 Mama, ang sakit po. Ang sakit po sa puso. Ma. Sadya ba ito? Kasamaba ba ito sa misyon ko? Ang masaktan ako? Ang mapaglaruan ako?

Ilang araw na kaming walang kibuan ni Luhan. Iniiwasan ko na siya, pati sa school. Pag gagawi siya sa kanan, kakaliwa ako. Kapag papunta siya sa kaliwa, kakanan ako. Pag nagkakasalubong kami, lumiliko agad ako. Lagi kong nililihis ang daanan ko kapag nararamdaman kong makakasalubong ko siya. Todo iwas ako sa kanya. Pati cellphone ko ay di ko na ginagalaw para lang makaiwas talaga.

Hindi alam nina Cheyenne ang tungkol dito, tanging si Erin lang ang nakakaalam sa lahat ng sakit na dinaranas ko ngayon, kapag napapansin nilang parang iniiwasan ko si Luhan, umiiwas nalang ako pero kapag di sila nakuntento at magtatanong pa, umeeksena na si Erin, I love my best friend so much. Pakyeol ka, Sehun for treating her that way.

I went to the cafeteria para bumili saglit ng pagkain, busy kasi silang lahat para sa nalalapit na school fest eh, dahil ako’y isang dakilang volleyball player lang naman, wala na akong ginagawa kasi kanina pa natapos ang training namin.

Si Finella at Cheyenne, busy ang dalawang yun, kung saan ay di ko alam. Si Erin, Chesca at Jezreen ay pawang mga SC kaya alam na. Si K-La ayun busy sa pag-sstalk kay Chen, balita ko nga makakaduet na naman niya ito. Si Jhen? Ayun, nilulunod ang sarili sa basketball, nagkakapalitan na nga sila ng mukha ng bola e.

Sa paglalakad ko, nakasalubong ko si Kai, he has this evil smirk towards mine, parang gusto niyang ipahiwatig sakin na ang baba kong babae at pumatol ako kay Luhan. Tama bang ipamukha niya iyon? Ang sama niyo EXO. Ang sama niyo talaga.. lalo na kayong dalawa ni Kai.

He walks towards me tapos huminto sa harap ko, hinawi niya ang hibla ng buhok ko at nilapit ang kanyang bibig sa tenga ko, “Anong pakiramdam ng mapaglaruan Franj? Tsk tsk, akin ka nalang kase..” He said. Pagkatapos ay mabilis niya akong hinalikan sa tungki ng ilong ko na siyang ikinagulat ko. Naiyak ako sa ginawa niya, laruan nila ako, laruan lang.. Ptahamnida.

Pagkatapos niyang gawin iyon ay tumalikod na siya at naglakad papalayo, kumuha ako ng bato sa lupa at saka siya binato.

“OH ANO? AYOS NA BA? MASAYA NA KAYO DAHIL NASASAKTAN NIYO KO? PAKSHIT KAYO KAI! PAKSHIT LANG TALAGA!” Sabay bato pa nang isa saka tumakbo papalabas ng school, sa sulok ng mata ko, nakita ko si Luhan na mataman akong tinitignan, pero di ko nalang pinansin, pakyeol kayo.

PAKSHET KAYO HARDCORE, those jerks made me like a fool. This is why I trust no one before; anyone can play with your feelings once you put your trust on them.

“Franj!” Narinig ko ang pagtawag nina Baekhyun at Chanyeol sakin. Lumingon ako sa kanila, kasama din pala nila si Dyo. Umiiyak ako nung dinaluhan nila ako, napaupo ako sa lupa nung nanginig na ang tuhod ko. Ang sakit.

365 Days with EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon