sin.6

13.9K 657 190
                                    

A: “Ah now I know kung bakit ganoon umarte si Cassidy. Nasobrahan yata sa pagkahigh sa gamot ng aso.”

Keizer: “Mmn, tingin ko din.” *frowning* “Bakit ka ganyan makatingin?”

A:Keizer, can I pet you?”

Keizer: “In your dreams!”

A: *pout* “Bakit si Cassidy hinahayaan mong i-pet ka?”

Keizer: *silence*

A: “Wow, pwede namang sumagot diba?”



✂❤✂



Sin.6

 

-Keizer-



                I was sleeping peacefully. Sa totoo lang ngayon lang ako nagkaroon ng panaginip. OK, that sounds like I am not belong in the human race huh? Yes, meron din naman akong panaginip pero sabihin na lang natin na mas bangungot iyon keysa panaginip.



                People said that dreaming is the reflection of one soul, his desire, and his vigor. It also shows the darkness in one’s heart. Para kang nanonood ng isang 3d movie na lahat ng bagay na gusto mong itago lumalabas, ang masaklap pa dito ang mismong kontrabida sa pinapanood mo ay ang sarili mo.



                Kapag may ganoon akong klase ng panaginip lagi akong nagigising sa kalagitnaan ng gabi. I always find myself soaked with my own sweats! At ang dalawang kamay ko nakasakal sa sarili kong leeg.




                My nightmares they were all gory and intense. Minsan naiisip ko, paano kung hindi na ko makabalik sa realidad at matrap na lang ako sa isa sa mga iyon?




               They said it is the most beautiful and silent way of death. HA! kung alam lang nilang mas maganda pang mamatay sa isang aksidente keysa matrap sa mga bagay na sobra mong kinatatakutan.




                Natry ko na rin na hindi matulog ng tatlong araw na lalo lang nakadagdag sa depression ko at anxiety. That’s why my Doctor recommends me to take sleeping pills. So far, effective naman dahil wala akong naaalala kapag nagigising ako. Ang mahirap lang dito, laging mabigat ang pakiramdam ko at sobrang sakit sa ulo. But I think I can handle the headache.




                Pero nang gabing iyon, something strange happened. Hindi ako binangungot and to think na hindi ako nag take ng sleeping pills that night.




                -“Kei? Kei?”




                And in my dream, a soft angelic voice is calling my name.



                -“Yuhoooo Kei”




                I opened my eyes slowly at ang unang bumungad sa akin ay kulay tsokolate nyang mga mata. Pagkakita ko doon, bigla tuloy akong nag-crave for a hot chocolate milk.




                 Hindi ko alam kung anong maligno ang sumapi sa akin. Basta itinaas ko ang isang kamay para haplusin ang pisngi nya. At lalong hindi ko rin alam kung bakit ako ngumingiti na parang baliw.




                In my dreams, the angel bites one of my finger, doon ako parang nagising. “Ouch!”




                -“Oh great, finally nagising ka din.”




Keizer's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon