sin.8

6.7K 414 130
                                    

MK: "Pfffft!"

Keizer: "Walang nakakatawa!"

MK: "Kaya naman pala ayaw mong i-kwento mens pala iyon." *LOL*

Keizer: "And this is what I get for telling the truth."

MK: "Ok, Ok hindi na ko tatawa" *composed face*

Keizer: =_= *sighs* "Sige na tumawa ka na mas nakakatakot ang mukha mo kapag nagpipigil ka ng tawa."

MK: "AHAHAHAHAHAHA" *ROFL*

Keizer: "Willing ka pa bang makinig sa istorya ko?"

MK: "Yes naman, game! next na tayo."

Keizer: *whisper* "I commited a sin"

**

Sin.8


-Keizer-


    SO HOT!


      Nakayuyok ako sa desk ko na parang nalulusaw na kandila mula sa sikat ng araw. Bukas nga ang aircon sa classroom pero luma na iyon at mahina na ang malamig na hanging ibinubuga.


     September na pero sobrang init pa rin ng panahon. Usually tag ulan na kapag ganitong Ber Month pero baligtad ang nangyayari.


     Absent si Teacher because of some personal matter kaya SELF STUDY kami ngayon ibig sabihin free time kaya magagawa namin ang gusto namin sa oras na ito.


    I dont feel like doing anything at all. Even lifting a finger was like a torture. Para lang akong na-drained na battery. At hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito dahil lahat ng nasa loob ng room, nanlalata at wala sa mood.


    "Blush on, foundation, concealer, lip gloss, lipstick yey!"


      Ah, hindi pala lahat. Dahil merong isang tao na super hype at palaging nasa MAX ang power level. How could she do that?


      Nakaharap sa isang bilog na salamin si Cassidy while singing those lines to the tune of – who knows? – wala namang nakakalam sa kantang imbento lang nya. Busy-ing busy sya sa ginagawang – wait, what the heck is she doing anyway???


      Her seat was in front of me kaya hindi ko makita kung anong kababalaghan ang ginagawa nya. Ang nakikita ko lang ay ang pagwasiwasiwas nya ng kamay at pag galaw ng likod.


      Tsh, para syang si Professor Utonium na nag hahalo ng ingredients to create the Powerpuff Girls. SUGAR SPICE & Everything NICE.


      "DONE!" bigla syang tumayo at hinampas ang kamay sa desk. Napa-angat tuloy ako ng ulo dahil sa ingay nya.


    All our heads turned to looked at her.


   "BEHOLD! Dahil ngayon nyo lang makikita sa tanang buhay nyo ang ganitong klase ng kagandahan. BRACE YOURSELVES TO FACE VENUS!" nameywang pa ito at iniliyad ang flat na dibdib na para bang proud na proud sa accomplishment.

Keizer's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon