sin.1

21K 851 76
                                    

A:Paano kayo nagkakilala ni Cassidy? Is it Love at first sight?.”

Keizer: “Love at first sight? Are you fucking kidding me? It doesn’t exist! Dude, para mo na rin kasing sinabi na ang kaliwa ay kanan.”

A: “So hindi love at first sight ang nangyari sa inyo ni Cassidy?

Keizer: “Nope. That girl was a total nutcase! I’m telling you she’s a nightmare”

✂❤✂❤✂❤

 

sin.1

 

-Keizer-

                Palabas na ako sa Exit ng isang Mall after kong maglaro buong maghapon sa Game Archade ng mapansing malakas ang ulan. Maraming nakatambay na estudyante sa labas siguro nag-aaantay ng masasakyan o kaya naman ay nagpapatila ng ulan.

                Itinaas ko ang hood ng suot kong jacket at ipinatong sa ulo. I hate rain. Kung pwede nga lang sana na huwag ng umulan eh pero alam ko namang imposibleng mangyari iyon tropical country kasi ang Pilipinas.

                Isa na sigurong dahilan kung bakit ayoko ng ulan ay dahil sa iba ang kulay nito kapag aking tinitingan. Other people see it as crystal clear but for me it’s –

              Red…

             Crimson…

            BLOOD!

              Droplets of BLOOD…

             Ipikit ko man ang mga mata huli na. Para akong inaalon sa isang malawak na dagat na walang pinatutunguhan. In my case para akong nakasuot ng imaginary red eyeglasses and everything turns into a deep crimson of Blood. Nanunuot sa bawat himamay ng aking laman ang lamig at ang amoy kalawang. I hate seeing this; it is SCARY, so scary.

                Napahawak ako sa kaliwang braso, kahit kasi anong pigil ko nangangatog iyon. Simula pa noong bata ako ganito na talaga ang tingin ko sa ulan madalas akong magtalukbong ng kumot at magtago sa ilalim ng kama kapag umuulan.

               Naisip kong bumalik na lang sa loob ng Mall at doon na lang magpalipas ng oras, pero dahil umuulan dito sa labas, siguradong mas crowded sa loob. Hindi na kasi maganda ang pakiramdam ko na para bang may kumakalmot sa loob ng sikmura ko at sigurado ako na mas sasama pa iyon sa dami ng tao.

               May nakita akong waiting shed sa tapat mismo ng kinatatayuan ko. Isang Grade schooler  lang ang nakaupo sa bench. All I have to do is to walk across the white line. Pero bago ko magawa iyon kailangan kong tiisin ang nakakapasong patak ng kulay pulang mga dugo sa balat ko. Pero kung mananatili pa ako dito anumang sandali lang at dadami ang tao na mag aabang ng masasakyan.

                Mas matitiis ko pang makasama ang isang Grade Schooler sa kabilang waiting shed kesa sa masuffocate dito.

               Ah! Bahala na. Tinawid ko ang kulay puting linya sa kabila. Shit! Parang asido ang pumapatak sa aking balat. It is hot and burning! Para akong sinusunog sa isang kulay pulang impyerno.  Habol ko ang hininga ng makarating sa waiting shed napakapit pa ko sa isang poste to support my body tapos nagmamadaling hinubad ko ang suot na jacket. Kung may trash can lang baka itinapon ko na ito. Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa dulong bahagi ng bench.

Keizer's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon