sin.5

11.1K 556 96
                                    

A: "Bwahahaha, eh di ang saya may instant neighbour ka kaagad. That was so romantic."

Keizer: "Sure, if I don't end up killing her."

A: "Dyan nagsisimula yan eh. Hate tapos Love."

Keizer: "Stop giving me your opinion."

A: "Tapos ano na? Excited na ko"

Keizer: *kibit balikat* "I give up."

MK: "Huh?"

Keizer: "BINGI KA BA? SABI KO I GIVE UP!"

✂❤✂❤✂❤

sin.5


-Keizer-


                Inabot ko ang nag iingay na alarm clock sa ibabaw ng side table, hindi ko alam na nasa gilid na pala ko ng kama nakahiga kaya ng gumalaw ako nalaglag ako sa sahig.


                Gusto ko mang bumangon mula sa malamig na sahig hindi ko magawa sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko. And my eyesights are blurred - oh wait not in blur, parang umiikot ang paligid. Iniangat ko ang kamay para salatin ang noo.


                Mainit...


                I guess I caught a cold huh. Kahit nanghihina pinilit kong tumayo at tinungo ang bathroom. Pinihit ko ang dutsa sa cold shower and lay my body on the tub, walang pakialam kahit na mabasa ang suot na damit.



                Cold water helps me a lot to think straight. Nag stay lang ako sa tub ng ilang minuto hanggang sa masiguro kong kaya ko ng tumayo. Then nagpunta ako sa medicine cabinet at nagtake ng ilang tablets, one for my fever and one for my medication.


                After wiping my body with a towel, I fixed myself to go to school. Kahit na may sakit ako mas gusto kong doon na lang mag stay keysa sa bahay. Siguro dahil ayokong makasama si Mama dito, para kasi akong nasusuffocate sa presence nya.


                Pinilit kong maging blangko ang mukha habang pababa ng hagdan. Nakita ko si Mama sa dining Area kasama si Ate Claudette. They were eating their breakfast. Mama elegantly raised an eyebrow at me; tiningnan nya ko mula ulo pababa.



                Hindi ito nagkomento at itinuloy ang pagkain ng breakfast. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ibig sabihin she approved my attire and I'm ready to go. See? She's a damn perfectionist, may makita lang syang ni katiting na lukot sa uniform ko pinagpapalit na nya ko ng damit. That's how obsessive she was when it comes to our family 'reputation'.



                 Tumaas ang sulok ng labi ni Ate Claude sa akin. Alam ko ang mga ngiti nyang iyon, she's mocking me.



                    I hate her so much it made my blood boiled in anger. Mas matanda sya sa akin ng tatlong taon at nag aaral sa isang prominenteng University sa Manila na exclusive lang for girls. I don't know why she came back here in Bulacan but one thing I am sure about.



                She's a bad news.



                Actually ilang beses na rin akong nagvisualize kung paano ko itatarak sa dibdib nya ang butter knife na gamit nya ngayon sa pagkain ng hindi nya ko nauunahang hampasin ng mahogany chair. I have a very active mind na kahit sa bata kong edad nakakapag plot na ko ng crime scene inside my damn head.



Keizer's SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon