Chapter 15

271 15 23
                                    

** 15 **




Dariel's P.O.V




Eto ang unang araw na lalabas kami ni Chandy. Masaya ako kasi nag-eexist na ako sa mundo niya. Na hindi lang kaibigan kundi boyfriend na ang turing niya.




"Oh, Dj. Saan ka pupunta?" - tanong ni Mama.




"May date po ako, Ma" - sagot ko.




Nanlaki bigla ang mata ni Mama, "OMG! May girlfriend ka na?" - saad ni Mama na kulang nalang eh mapatalon sa tuwa. "Akala ko bakla ka!" - AMP! AKO? BAKLA? SA GWAPO KONG 'TO? BAKLA?




"MAMA!" - sinamaan ko siya ng tingin.




"Akala lang naman" - tiaka niya ginulo ang buhok ko.




"Mama naman, nakaayos na yan"



"Ikaw talaga. Kailan mo ipapakilala ang girlfriend mo ha?" - nginitian ko si mama. "Yang mga ngiting yan ah, Dariel" - kilala na talaga niya ako.




"Sige po, ma. Alis na ako. Nasa mall na daw si Chandria" - pagpapaalam ko. Tumango naman siya.




Palabas na ako ng bahay ng bigla niyang tawagan ang pangalan ko, "Dariel!"




"Po?"




"Chandria? Ung kinukwento nila Lelai? Ung kinukwento mo kina Magui?" - tanong niya. Oo nga pala. Nakukwento ko palagi si Chandy sa kanila kahit ng sila pa ni Kris.




"Opo Ma" - sagot ko. Ngumiti ng pagkalapad-lapad si Mama.




"Ingat ka, 'nak! Ikamusta mo ako kay Chandria, okay?" - tumango ako tiaka na umalis.




Habang nagdadrive ako, naisipan kong itext si Chandria.


To: Chandria ko <3




Hello baby. I'm on my way. Huwag kang titingin sa iba. Panget lang sila. Iloveyou <3




Napatawa ako sa sinabi ko. Wala pang isang minuto, nakapagreply na agad siya.




From: Chandria ko <3




Opo baby bossing! Ingat ka ha? Iloveyoutoo :* <3




Napangiti ako sa reply niya.




**



Chandria's P.O.V




"Tagal naman ng mokong na yon!" - reklamo ko habang nakaupo dito sa bench malapit sa dept. store. Nasa mall kasi ako at hinihintay ko ang boyfriend kong gwapo. Napag-usapan naming lumabas ngayon since Saturday at walang pasok.




Napagdesisyonan ko na maglakad-lakad nalang muna. "Nakakainip" - sabagay kasalanan ko din naman. Masyado akong excited, napaaga tuloy ako ng dating. First time kasi namin mag-date or lumabas na kaming dalawa lang.




Biglang nag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino.




From: Dariel ko <3




Hello baby. I'm on my way. Huwag kang titingin sa iba. Panget lang sila. Iloveyou <3




Okay na sana eh. Kaso ung 'wag kang titingin sa iba panget lang sila', natawa ako. Puro kalokohan talaga ang alam ng boyfriend ko. Nireplyan ko siya.




Just A Word (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon