Chapter 12

333 16 11
                                    

Dedicated sa kanya kasi isa din siya sa mga idol ko when it comes to KN Fanfic. Isa din siya sa mga naging inspirasyon ko ^_^ Basahin niyo din po ung mga stories niya. May napublished na din po sa mga stories niya. KN din :) Ung Stuck In The Moment. Nakakaiyak po ung book 2 niyan. Swear. :3 Haha!

** 12 **


Camille's P.O.V



Nakagawian na namin ni Juliette ang mag-mall after class. Double date daw kasi. Pero ngayon, triple date na kami.



"Ang galing niyong umarte, France" - sambit ko habang nakatingin sa kanya.



Napangiti siya at napatingin kay Quen tapos bigla siyang namula. Nagkatinginan kami ni Juliette. "Alam na!" - sabay naming sabi. Nagtawanan naman kami.



"Palagay niyo, nagselos talaga si ate Chands?" - tanong ni France.



"Oo, nagselos siya. Hindi siya gano'n dati. I mean, naging gano'n siya ng masaktan siya ni Kristof. Puro iwas. Tapos ang bitter pa niya." - sagot naman ni Juliette.



"Nang gabing ihatid siya ni Dariel, parang unti-unti na niyang nakakalimutan si Kris. Naging masiyahin na ulit siya" - sabi ko naman.



"Pero no'ng nalaman niya na girlfriend ka ni Deejay, lagi na siyang malungkot" - dagdag pa ni Juliette.



Tinignan ko ang mga kasama naming mga lalaki. Nakikinig lang sila habang nakaakbay sa'min.



"I felt bad." - sabi ni France. "Kung alam ko lang, hindi na ako pumayag kay kuya Dee eh!" - tiaka siya huminga ng malalim.



"Wag mo nang sisihin sarili mo, France. May rason ka naman. Tinulungan mo lang ang pinsan mo." - sabat naman ni Quen.



"Oo nga, France. Kung hindi niyo yun ginawa. Hindi uusad ang pag-ibig ni pareng Dariel." - Marck. Tinignan ko siya, kinindatan niya ako. Nag-init tuloy pisngi ko.



"Alam niyo, kain na tayo dahil gutom na ako!" - natawa naman kami kay Daryl. Tinignan siya ni Juliette ng masama tiaka niya binatukan. "Aray naman! Para saan yon?" - reklamo niya habang nakahawak sa batok niya tiaka siya nagpout.


"Ikaw talaga, Daryl. Kakakain mo lang gutom kana naman?" - sabi ni Juliette. "Ung totoo? Ilang anaconda ba yang nasa tiyan mo at bakit ang takaw mo?" - natatawa kami sa tuwing nagbabangayan na si Juliette at Daryl. Daily routine na nila yan. Kung may story man sila malamang #NgDahilSaPagkain ang title. Lagi silang nagsasagutan tapos maya-maya lang, sweet na ulit. Paano kaya niyan kapag naging sila na? Haaaay naku.



Tumingin ulit ako kay Marck. Nakatingin pala siya sa'kin. Napaiwas ako ng tingin. Baka makita pa niya na namumula ako. Buti pa kami ni Marck, walang problema. Kahit M.U palang kami, nagkakaintindihan na kami.



Si Chands kaya? Nagkita na kaya sila ni Dj? Sabi kasi ni Dj pupuntahan niya sa Library. Naabutan kaya niya? Sana, maamin na niya, nila. Alam naman namin, kahit hindi umamin si Chandria, nasaktan siya ng malaman niyang may girlfriend na si Dj. At ngayon, alam namin na mutual ang feelings. Hindi malayo na magkatuluyan sila.



**



Chandria's P.O.V



"Nakaalis na kaya sila?" - bulong ko sa sarili ko. Ayokong sumabay sa kanila dahil ayokong makita kung paano maglampungan sina Dj at France. Ayokong makita ang kasweetan ni Dariel at France. Panigurado, masasaktan lang ako.



Tumingin ako sa wrist watch ko. Medyo maaga pa naman. Konting minuto pa saka nalang ako aalis. Inaaral ko ang mga lessons namin kanina. Hindi ko kasi masyadong nakuha dahil maraming pumapasok sa isip ko. Isa na siya doon. Naalala ko na naman ung sinabi niya noon.



*FLASHBACK//



Nagprisinta si Daniel na ihatid ako sa'min. Sa kalagitnaan ng byahe, hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Ilang minuto lang, naramdaman kong huminto ang sasakyan. Imumulat ko na sana ang mga mata ko pero bigla siyang nagsalita.


"Chands, nandito na tayo" - ginabi pala kami dahil sa traffic. "Dria" - hindi pa din ako nagsasalita. Hindi ako makagalaw dahil baka mahalata niyang gising ako. "Nakatulog ka pala" - huminga siya ng malalim. Kahit hindi ako nakatingin, alam kong pinagmamasdan niya ako. "Alam mo, Chands. Kung ako lang ung minahal mo? Hindi mo mararanasan 'to. Lokong Kristof yon! Nagparaya pa naman ako kasi umpisa palang alam ko naman talaga na siya ung gusto mo at hindi ako. Kaso, ako na siguro ung dakilang torpe sa'ming tatlo. Masabi ko nga lang sa'yo ung 'Ang Ganda Mo', kinakabahan na ako.  Yung pa kayang 'Chands, manliligaw ako sayo'." - hinawi ni sa kamay ni ung buhok ko na nakatakip sa mukha ko. "Ang ganda mo talaga. Kaya nahuhulog ako lalo sa'yo e. Nasa'yo na ang lahat. Bonus nalang ung itsura mo. Kukuha lang ako ng lakas ng loob ha? Sana mahintay mo ako" - pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. Gumalaw ako at nag-ayos naman siya ng upo. "Chands nandito na tayo"


Inikot ko ang paningin ko at nagkunwaring walang narinig. "Nakatulog pala ako. Salamat Dariel ha?" - sabi ko. Bago ako bumaba ng kotse, biglang pumasok sa isip ko na bigyan siya ng halik sa pisngi bilang pasasalamat. Nagmadali akong bigyan siya ng smack kiss sa cheeks. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Thank you ulit, Dariel. Ingat ka sa pag-uwi"




Bago siya umalis, binaba niya ung bintana. "Goodnight Chands. Dream of me" - sabay kindat sa'kin.




Biglang nag-init ang mukha ko. Namula ata ako sa sinabi niya. Buti nalang gabi na at hindi na halata.




*END OF FLASHBACK//




"Umasa na naman ako!" - tumingin ulit ako sa wrist watch ko. Maggagabi na pala. Inayos ko na ung mga librong nakakalat sa mesa. Nang maayos ko na, umupo muna saglit ako. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko. "Dariel! Nakakalimutan ko na si Kris. Sabi mo kasi, hintayin kita. Ireready mo lang ang sarili mo. Ganun din ang ginawa ko, inihahanda ko ang sarili ko sa pagtatapat mo." - huminga ako ng malalim. Nakagawian ko ng kausapin ang sarili ko pag mag-isa ako. Para na akong baliw sa ginagawa ko. "Natuluyan na ako. Nahulog na talaga ako sayo. Kaso iba ang sinalo mo" - hindi ko namalayan na napaluha na pala ako.




Kinuha ko na ung libro atiaka na ako tumayo. Pagkatalikod ko, nabitawan ko ang mga librong hawak ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.




Narinig kaya niya ang mga sinabi ko? Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Pero nakikita ko sa mga mata niya na... na malungkot siya.




"A-anong... anong ginagawa mo dito?" - lumapit siya sa'kin. Nagulat ako sa ginawa niya.




Niyakap niya ako ng mahigpit.

Just A Word (KathNiel)Where stories live. Discover now