Chapter 13

296 17 6
                                    

Dedicated sa kanya kasi idol ko din siya. Ang ganda ng mga KN fanfic stories na gawa niya. Isa din po siya sa mga inspirasyon ko sa pagsulat <3 Hihi ^_^

** 13 **

Dariel's P.O.V

Nakangiti akong pumasok sa Library.

Eto na yung araw para maipagtapat ko kay Chandria ang nararamdaman ko. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Aaminin ko na ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Umupo muna ako malapit sa kanya. Ung hindi niya ako nakikita pero nakikita ko siya.

Narinig ko siyang nagsalita bigla, "Umasa na naman ako!" - tumingin siya sa wrist watch niya. Maggagabi na din kasi. Inayos niya ung mga librong nakakalat sa mesa. Nang maayos niya na, umupo siya saglit. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang palad niya. "Dariel! Nakakalimutan ko na si Kris. Sabi mo kasi, hintayin kita. Ireready mo lang ang sarili mo. Ganun din ang ginawa ko, inihahanda ko ang sarili ko sa pagtatapat mo." - huminga siya ng malalim. Nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko inasahan na sakanya ko mismo maririnig ang mga salitang yan."Natuluyan na ako. Nahulog na talaga ako sayo. Kaso iba ang sinalo mo" - hindi.. Siya naman talaga. Ikaw naman talaga ang mahal ko, Chands, Kaso natakot ako. Natatakot ako na baka iwasan mo ako pag umamin ako sayo. Pinunasan niya ung mukha niya. Umiiyak ba siya?

Kinuha niya na ung mga libro atiaka na siya tumayo. Lalapitan ko na sana siya kaso bigla niyang nabitawan ang mga librong hawak niya. Parang hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Napatingin ako sa tinitignan niya.

"A-anong... anong ginagawa mo dito?" - lumapit si Kristof sa kanya at niyakap niya si Chandy ng mahigpit.

"Can we talk?" - usap? Bakit? Babalik na ba siya?

"Kris, wala na tayong dapat pag-usapan" - mahinahong sabi ni Chands. "May mahal na ako"

"Sino? Si Dariel? Chands, may girlfriend na si Dariel" - kalmadong sabi ni Kris.

"Eh ikaw? Di ba may girlfriend ka rin naman? Anong tawag mo kay Joycee ha? Laruan? Ba't pinipilit mo akong hintayin ka? Para umasa? Kris, pwede ba! Hindi na ako tanga!"

"Chandria" - hindi nagsalita si Chandy. Nakatingin lang siya kay Kris. Siguro, eto na ang tamang pagkakataon. "Chandria, mahal kita" - naiyak si Chandy sa sinabi ni Kris. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Ayokong nakikita siyang nasasaktan.

Dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko, lumapit ako at nagsalita, "Mas mahal ko siya" - seryosong sabi ko. Hinila ko si Chandy palapit sa'kin at hinalikan ko siya sa labi para maipakita kay Kris kung ano ang sinayang niya tiaka ko niyakap si Chandy. Halatang gulat silang dalawa sa sinabi at ginawa ko.

"D-dariel?" - tawag ni Chands sa pangalan ko.

"Nandito na ako" - bulong ko. "Wag kang mag-alala, ipagtatanggol kita sa kanya."

"Mas mahal mo siya?" - nakangising tanong ni Kris. "Loko ka pala pre eh!" - akmang susuntukin ako ni Kristof pero nakailag ako.

Lumapit ako sa kanya tiaka kwinelyuhan ko siya, "Sa susunod, wag ka nang lalapit sa girlfriend ko kung ayaw mong basagin ko yang pagmumukha mo!"

Kinuha ko ang kamay ni Chandria atiaka ko siya hinila paalis ng Library.

**

"Bakit mo sinabi yon?" - seryosong tanong niya.

"Ang alin?" - tanong ko.

"Ung ano.. ung sinabi mo kay Kris."

"Marami akong sinabi sa kanya"

"Ung... m-mahal mo ako atiaka ung... atiaka ung girlfriend mo ako"

"Kasi yun ang totoo" - sagot ko naman.

"Isa ka pa eh! May girlfriend ka na pero lumalandi ka pa!"

"May girlfriend na nga ako." - nakangiti kong sabi.

"Dariel, itigil mo ang sasakyan. Bababa ako!" - utos niya. Tinignan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagmamaneho. "Dariel, ano ba!" - sigaw niya.

Pinarada ko ang kotse ko saglit, "Bawal ko bang ihatid ang girlfriend ko?" - sabi ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi ako si France" - seryosong sabi niya pero halata sa tono ng pananalita niya na malungkot siya.

"Talagang hindi ikaw si France. Ayaw kaya kitang maging pinsan" - sabi ko sa kanya pero hindi ako nakaharap sa kanya.

Through my peripheral vision, nakita ko siyang napatingin sa'kin. "Pinsan?" - nagtatakang tanong niya.

"Oo. Pinsan. Cousin." - natatawang sagot ko.

"Akala ko bang?"

"Akala mo girlfriend ko siya?" - tumango siya. "Trip lang namin yon. Sinakyan lang niya ako, may bayad kasi" - hinarap ko siya tapos ngumiti.

"Bayad?"

"Oo. May gusto siya kay Quen. Yung bayad sa pagpapanggap namin, ilalakad ko siya kay Quen. Naalala mo nang makita namin kayo noong nakaakbay si Quen sayo?" - tumango siya. "Aaminin ko, nagselos ako sa kanya. Akala ko kasi may relasyon kayo. Akala ko.. akala ko naunahan na niya ako" - huminga ako ng malalim. "Napasaktong dumating si France. Tapos dahil namiss ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit. Nakita ko ang mga mata mo na parang naiinis sa kanya kaya naisipan kong pagselosin ka. Nagtagumpay naman ako kasi nagselos ka nga." - natatawa kong sabi tapos tinignan ko siya. Nakita ko ung mga mata niya na parang naiinis.

"Loko ka! Ilang araw akong hindi nakatulog dahil sayo tapos fake lang pala ang relasyon niyo ni France?" - inis na sabi niya. "Nakakainis kang mokong ka!"

"Mahal mo naman"

Bumaba siya bigla sa kotse. "Bahala ka jan" - sambit niya.

Sinundan ko siya at bumaba din ako, "Matitiis mo ba ako? Mahal mo kaya 'to no!" - tiaka ko siya kinindatan. "Pwede ko bang mayakap ang girlfriend ko?" - pang-aasar ko.

"Girlfriend mo mukha mo!" - iritang sabi niya. "Ni hindi mo nga ako niligawan tapos girlfriend? Nagpapatawa ka ba?" - sarcastic na sabi niya.

"Wag kang mag-alala. Araw-araw naman kitang liligawan." - napatunganga siya saglit.

Lumapit siya sa'kin. Akala ko okay na dahil nagbiruan na kami. Kaso nagulat ako ng sampalin niya ako. "Minsan na akong naging tanga. Hindi ko alam na mauulit din pala." - umiiyak niyang sabi. Siguro hindi na niya nakayanan kaya't yung sakit na kanina pa niyang pinipigilan, ibinuhos na niya.

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. Niyakap ko siya patalikod, "Wag ka ng umalis. Masakit para sa'kin ang makita kang nasasaktan. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. Hangga't maaari gusto ko lagi kang protektahan. Kaya kung pwede, bigyan mo ako ng pagkakataon para maiparamdam ko sayo kung ano ang hindi naiparamdam ng ex mong nang-iwan sayo." - desperado na ako. Masakit para sa'kin na makita ko ang taong mahal ko na nasasaktan.

Nagparaya ako para maging masaya siya, hindi para gaguhin, saktan at iwan ng iba.

"Natatakot ako. Iniiwasan at pinipigilan ko ang nararamdaman ko para sa'yo kasi natatakot ako na baka masaktan ulit ako." - saad niya.

"Hangga't nandito ako, walang mananakit sayo" - hinalikan ko siya sa buhok niya.

Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibibigay mo sa'kin, Chandria.

Just A Word (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon