Chapter 4

407 19 4
                                    

** 4 **

Juliette's P.O.V

Ang ganda ng umaga ko. Parang ako. *sigh* Pagdating ko sa tambayan namin sa plantbox, nandoon na si Chands at Cams "Magandang Umaga Mga Dyosa!" - bati ko sa dalawa ng nakangiti ng pagkalapad-lapad.

"Maganda pa tayo sa umaga mga Dyosa" - sabi ni Chandy.

"Oo nga Juliette" - pagpapacute ni Cams. "Nga pala, may kwento daw si Chandria" - dagdag pa niya.

Kinwento ni Chandy ung nangyari kahapon. "OMG! OMG! Talaga best?!" - di makapaniwalang tanong ko kay Chandria matapos niyang ikwento ung mga nangyari kahapon nang umalis na kami ni Cams. Gusto ko ding sabihin ung nangyari sa'kin kahapon pero nahihiya ako.

"Waaaaah! Nakakakilig naman kayo bhessy!" - sumenyas naman sa'min si Chands na manahimik kami at baka daw may makarinig.

"Oo. Makakasalubong ko sana sila pero bigla akong hinila ni Dariel sa Music Room tapos ayun na" - nahihiya pa niyang sabi.

"Woaah! Ba't di natuloy ung ano? Ung uhmm" - tiaka ako sumenyas na parang nagkikiss.

"Loka best! Haha! Edi nahalata ako na may gusto ako sa kanya?"

"Bakit? Wala ba?" - singit naman ni Cams.

"Ay. Basta. Ayoko naman ng ganun. Nung kami nga ni Kristof hindi kami nagkiss, kay Dariel pa kaya na di ko pa boyfriend?" - nga naman.

"Bhestie! 'Hindi pa daw' niya boyfriend. It means...." nanlaki ung mata namin ni Cams.

"MAY CHAAAAAAANCE!" - sabay naming sinigaw.

"Uy! Tumahimik kayo. Ang iingay niyo eh. Baka may makarinig" - suway ni Chandria sa'min. Umakto naman kami na ni-zip namin ung labi namin.

"Sinong makakaring?" - nagulat kaming tatlo sa nagsalita.

"D-daryl?" - kinabahan na naman ako bigla. Sheyt.

"Ano ung di dapat marinig?" - dagdag pa ni Marck.

"A-ah. W-wala yun, Marck. Girl talk lang yun" - sagot naman ni Cams.

"Hello, Chandy" - bati naman ni Dariel kay Chands ng nakangiti. Okay! Kung wala sila dito baka nagtatatalon na kami sa kilig lalo na nang batiin ni Dariel si Chands. Naalala ko ung naikwento niya sa nangyari kahapon sa kanilang dalawa. #KiligToTheBones.

"H-hi, D-dj" - nauutal na bati naman ni Chandria. Siguro 'di pa makaget-over sa nangyari sa kanila ni Dj kahapon.

Nag-iba ata ung ihip ng hangin? Ba't parang nag-iba si Dariel? I mean, ba't parang nagsasalita na siya ngayon hindi katulad dati na napakatahimik.

"Oh, para naman kayong nakakita ng multo eh" - pambabasag ng katahimikan ni Daryl.

Paano naman po kasi umuurong ung dila namin kapag ang mga kaharap namin eh ung mga gwapong tulad niyo. - sabi ko sa isip ko.

"JULIETTE!" - sabay sigaw nila Cams at Chands.

"Bakit?" - nagtatakang tanong ko. Tinignan ko si Daryl, Dariel at Marck, para silang natatawa. "M-may problema ba?" - clueless na tanong ko.

"Paano naman po kasi umuurong ung dila namin kapag ang mga kaharap namin eh ung mga gwapong tulad niyo." - sabi ni Cams na kuhang-kuha ung pagkasabi sa isip ko. Narinig pala nila yon? Eh sa isip ko lang naman sinabi yun ah?

Just A Word (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon