chapter 47

3.9K 77 0
                                    

"Anna's (lianna)POV"

Matapos ang usapan namin ni mae ay pumunta muna akong garden.

At pagdating ko doon ay may narinig akong usapan na nakapag patigil sakin.

Medyo malayo pa ako sakanila kaya alam ko na hindi nila mararamdaman ang presensya ko.

Ginamit ko yung hearing ability ko para marinig nang malinaw ang pinag uusapan nila.

"Ano kilala mo na ba kung sino?"tanong nang isang baritong boses.

"Nahhh di mo na kailangang malaman yun tapos na man na ang trabaho ko ehh"saad nang medyo maluwang na boses.

"Anong ibig mong sabihin"tanong ulit nung boses na barito.

"Wala naman at tsaka wala ka na dun wala naman na tayong pro-problemahin na ehhh"balik na saad nung maluwang na boses.

"Siguraduhin mo kung hindi lahat nang nandito damay"saad niya.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya ano bang pinag uusapan nila.

"Alam na ba nang princessa"dagdag niya.

"Hindi ko sinabi pero alam ko na nararamdaman niya rin to, malapit na at alam mo yan"saad nung maluwang na boses.

Bigla naman silang nawala dahil wala na akong narinig na usapan.

Siguro nag teleport sila dahil wala na akong narinig na yapak nang tao ehh.

O baka tao ba talaga sila?...

Wala akong naintindihan sa usapan nila pero ito lang ang alam ko may kinalaman to saakin at sa susunod na hari nang dark lands.

Mukhang kailangan ko nang mag madali sa pag hahanap sa magiging hari nang dark land bago pa ako maunahan o mahuli sa mangyayari.

Hindi ko alam kung kutob ba ito o imahinasyon lang.

Kasi nararamdaman ko na parang iba ang mangyayari kaysa sa inaasahan ko.

Kasi ang inaasahan ko ay mag papatayan kami nang susunod na hari nang dark land at maka gagawa kami nang malaking digmaan pero iba ang felling ko ehhh.

Hindi ko maintindihan, para bang may iba akong kutob o para bang iba ang inaasahan ko sa kutob ko.

Ang sabi kasi nang inaasahan ko ay mag papatayan daw kami tapos y7ng kutob ko naman ay sinasabing wag na daw hanapin ang sususnod na hari dahil wala din namang mangyayari.

Pero kailangan ko talagang hanapin ang susunod na hari para makasiguro at sana nga tama ang kutob ko.

Ayokong maraming masaktan at mag hinagpis dahil lamang sa maling hinala.

Nag lakad na ako pabalik sa mesa kung saan nagaganap ako dinner namin.

Nang makarating ako sa tanging ako nalang ang hinihintay nila.

Lahat kasi sila ay nakaupo na at nag uusap...... well maliban nalang kay adrian na tahimik.

"Ohh hello iha ok ka na ba?"tanong nang mama ni adrian.

Tumango nalang ako at umupo, which is katabi ni adrian.

"Hey"saad ko.

Kinalabit ko kasi si adrian sobra kasing tahimik ehhh.

Hindi naman kasi tohh ganito dati,... kasi siya masungit lang siya hindi tahimi-  we-well medyo tahimik hindi kagaya nito na halos wala nang lumabas na letra sa bibig.

"What?!!,."adrian.

Wow ako na nga tong nag mamalasakit na kausapin siya kahit cold at masungit siya tapos siya pa  galit  ... hhmmmpp.

Lost Princess of Ice LandWhere stories live. Discover now