chapter 38

4.2K 81 2
                                    


"Angelika'S POV"

Nag tataka ako kung bakit parang pamilyar saakin yung bago naming kaklase attsaka paano siya nakapunta agad sa royal class ni hindi nga namin nakita ang ability niya or something pero bakit parang nagulat yata si agrian nang dumating siya dito...... i mean tumingin lang siya kay anna mukhang nakakita siya nang multo mukhang mag kakilala na sila ahhh.....

Nakita ko naman na ngumisi si anna kay adrian.... at si adrian namaan ay parang napikon hayyyst....

Nang makaupo na si adrian ngayun ko lang napag-tanto na kung bakit parang nainis si adrian at ngumisi si anna kasi naman pala magkatabi sila...

Buhay nga naman o parang life...

Nagsimula na nang maglecture si sir ........ ayyy  nakalimutan ko nga palang sabihin kung ano ang pwesto namin nag iba kasi ang sitting arrangement namin.

C/m   /   ako     /    micheal    /   c/m
Adrian  / anna  /   maria  /   angelo

So bale magkakatabi silang apat at nasa likod ko si anna at si micheal ang katabi ko..

At dahil nabangit na ni adrian na mag on kami ni micheal well magkaholding hands kami ngayun kaso nasa ilalim nang desk na inuupuan namin ngayun kaya hindi nakikita...


Hay miss ko na talaga si lianna nasaan na kaya siya...

"Adrian's POV"

Tapos na ang klase at agad naman akong tumayo para puntahan ang HM para magtanung kung kailang aalis ang mga kawal na maghahanap kay lianna.

Pero bago paman ako makalabas ay agad naman akong hinigit ni maria.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni maria

Umiling nalang ako bilang sagot at agad na lumabas.

Habang nag lalakad ako papuntang HM ay hindi ko mapigilang mainis dahil sa babaeng yun akalain mo una pumunta sa kwarto ko pangalawa kaklase ko siya at higit sa lahat aba katabi ko pa siya aba swerte yata yung babaeng yun ahhh.

Nang makarating na ako sa labas nang pinto ay agad na kumatok ako.

"Enter"saad nang nasa loob

Agad naman akong pumasok at nadat nan ko doon si papa at si head master na para bang inaasahan na nila ako.

"I know i would come"saad ni papa

"So bakit ka nandito"deretsahan agad na tanong saakin ni hm

"Mag tatanung sana ako kung kailan ang alis nang mga kawal para makapag ayos ako nang maaga"tanong ko

Nakita kong kumunot ang noo ni head master kaya kumunot din ang noo ko sa pagtataka.

"Bakit may problema ba sa tanong ko"saad ko

"Hindi mo sinabi sakanya?"tanong ni hm

Hindi sumagot si papa at humarap saakin...

"Adrian pinauna ko na sila masyadong delikado kapag sumama ka pa"saad ni papa

Akala ko ba pumayag siya bakit pinauna na niya hindi niya ba inisip na mahal ko ang nakasalay lay dito.

Bigla naman nag init ang ulo dahil sa sinabi niya...

Hindi ko namalayan na naitapon ko na yung vas sa tabi ko...

"Akala ko ba pumayag ka bakit... bakit hindi mo ako sinama sakanila"galit na saad ko

Lost Princess of Ice LandDonde viven las historias. Descúbrelo ahora