Detachment

2.9K 68 2
                                    

-Detachment-

Naging malamig ako sa kanya pagkatapos ng araw na iyon..

Hindi ko alam kung bakit.

Gusto ko syang kausapin pero parang may pumipigil sakin na gawin yon.

Naisip ko rin kasi na kung pinagpatuloy ko pa 'to, ako rin ang masasaktan sa huli.

Wala na akong ibang choice kundi ang dumistansya at protektahan ang sarili ko sa nakaambang na pighati.

 Isa akong tangang namulat sa katotohanan.

AYOKO NANG MAGTANGA-TANGAHAN.

Hindi na ko pumupunta sa garden. Hindi na ko tumatambay sa kung saan kasi baka nandun sya. Hindi ako nagrereply sa mga texts nya. Hindi ko sinasagot ang mga tawag nya. Nagdrop sa PE subject kung saan kaklase ko sya. Pinutol ko na ang lahat ng ugnayan namin.

And then hours turned into days, days turned into weeks and weeks turned into months. I have lost a total contact with her.

Pinipilit kong isipin na tama ang ginawa ko. Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na I did the right thing.  Pero hindi e, the more na nilalayo ko ang sarili ko, the more na namimiss ko sya. Pero bakit ganun? Pag nilapitan ko naman sya, nasasaktan lang din ako. Hindi ko na alam kung bakit ako nasasaktan. Selos? Inggit? Ewan. Titiisin ko nalang ba ang pasakit para lang makasama syang muli? Magtatanga-tangahan nalang ba uli ako?

Hindi ko alam. Hindi ko alam.

 Sabi nga nila, The problem with getting attached to someone: when they leave, you just feel lost.

Dati ko pa naririnig yan pero ngayon ko lang sya naintindihan.

 Ang problema nga lang sa sitwasyon ko, I'm the one who left and I'm also the one who felt lost.

May ibang lalaki naman siguro na kaya syang pasayahin. Hindi tulad ko, na naghahangad ng iba. I'm taking her for granted.  Wala naman kasi akong karanasan sa pag-ibig kaya hindi ko alam ang gagawin.

Ano ba ang dapat gawin?

Hindi ko alam. Hindi ko alam.

Hello Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon