Meet The Stranger

14.6K 190 13
                                    

Maari mo bang mahalin ang isang taong hindi mo kilala? Isang taong hindi mo alam maski ang pangalan nya. Isang taong ang alam mo lang ay ang itsura nya. Kaya mo ba syang mahalin, kahit alam mo na magkakalayo din kayo?

-Meet the Stranger-

Isa lang akong tipikal na college student sa isang university sa Quezon City. Wala pa akong karanasan sa pag-ibig. Girlfriend- 0 , Crush- infinite. Hindi pa ko napapasok sa isang pormal narelasyon, crush crush lang muna. haha! Sa 18 years kong paninirahan sa mundong ito, nabuhay ako sa crush crush lang, nakakakaba kasi manligaw e. Tsaka nakakatakot mareject. XD mukha ba kong duwag? Tama ka dyan. haha!

Well, may kaisa-isa akong karanasan sa pag-ibig. And that is so unforgettable. Kaya ito, share ko na sa inyo  (^_~) 

Naglalakad ako papunta sa Admissions Office ng university na kasalukuyang pinapasukan ko ngayon, napansin ko, may babaeng sumusunod sakin. Lumiko ako papunta sa football field, nandun parin sya, sumusunod. Pumunta ako sa College of Engineering, sumusunod parin yung babae. (O.O)

what the? may masamang balak ba 'to sakin? Tumigil ako, humarap sa kanya, sabay sabing:

"Sinusundan mo ba ako?"

"Uhm, medyo" sagot nya

"Stalker ka no?"

"Uy, hindi ah!"

"Eh bakit mo ako sinusundan?"

"Naliligaw ako eh"

"Naliligaw? dito sa campus? weh? freshie ka rin?"

"Yup, mag-eenroll palang, pupunta sana ako sa Office of Admissions"

"Ohhh.. Hindi mo nalang ako inapproach kanina pa, napagkamalan tuloy kitang stalker"

"Eh ang bilis mo maglakad e!"

"So ako pa yung may kasalanan? Haha! tara na nga! dun din ako papunta e."

Naglakad kami papuntang OA, takte ang ingay nya, andaming mga sinasabi, andaming mga tanong. (-.-)

"Anong course mo?" tanong nya

"BS Psychology"

"Wow! anong trabaho mo nun paggraduate mo?"

"Kundoktor. Pwede ring Bumbero"

"Ay, tsk, seryoso naman"

"Malamang Psychologist, haha!"

Ayun, tumahimik sya. Hay, naging payapa din ang mundo. And yes, nakarating kami sa Office of Admissions ng matiwasay.

"Salamat po" sabi nya

"Okay, sure."

Nagpaenroll na ko, pagkatapos, umalis kagad ako para pumunta sa garden ng university. Maraming puno at halaman, masarap tumambay. Dito, payapa, tahimik, walang maingay na babae. Humiga ako sa ilalim ng puno, anlakas ng hangin, ansarap sa pakiramadam. Pumikit ako, gusto kong magpahinga.  (Z.Z)

"Hello!" 

Takte sino yun? istorbo naman!

"Patambay din ah"

Shemay, yung babaeng maingay nanaman, akala ko magiging payapa na ang mundo ko.

"Anong ginagawa mo rito?" sabi ko

"Tatambay lang, bakit ba?"

"Sinundan mo ko no?"

"Uy, hindi ah! feeler to"

"Eh pano mo nalaman ang lugar na 'to?"

"Uhm. wala, naglakad-lakad."

"Weh? sinundan mo ko no?"

"Hindi nga."

"Sinundan mo ko no?"

"Tsk oo na nga! Sinundan kita, di ko kasi alam palabas sa campus na to eh, akala ko pauwi ka na, yun pala tatambay ka pa dito."

"Haha! Loser! bahala ka nga dyan. wag ka maingay at matutulog ako"

"Pwede tumabi sayo?"

"Bawal."

"Bakit?"

"Basta bawal. dun ka sa ibang puno"

"Eh mainit, gusto ko dito."

"Bawal nga, ang kulit."

"Sige na, please?"

Putcha, pa cute. Pouty lips pa. (*^.^*)

Tsk, nakakaawa yun mukha. Sige na nga, pagbigyan.

"Sige na, basta wag ka maingay ha! matutulog ako!"

"Yehey! Haha! Salamat"

Pasalamat sya cute sya, kung hindi, itataboy ko to. Haha! ansama ko.

"Wala ka bang balak umuwi?" tanong nya

"Sabing wag maingay e."

"Tanong ko lang, hanggang anong oras ka dito?"

"Basta"

"Lagi nalang ganyan ang sagot mo"

"Basta nga, tumahimik ka na pwede?"

Ayun, tumahimik uli sya, yes! Humiga sya sa tabi ko, tsk, ano nanamang trip nito? Nakatitig lang sya sa langit, parang anlalim ng iniisip. Pasimple ko syang tinitingnan. Aba, maganda sya ah, makinis ang mukha, maputi, mapungay yung mata, mahaba yung buhok, almost perfect, kung hindi lang parang isip-bata at madaldal.


Hello Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon