Reminisce

3.2K 74 1
                                    

-Reminisce- 

                                                                  [His Point of View]

Gabi na. Wala nang tao. Kami nalang dalawa, nakaupo sa bench sa tabi ng isang lightpost.

"Ngayon ba, pwede ko nang malaman ang pangalan mo?" sabi ko.

"Uhmmm.. Bawal"

"Andaya naman!"

"Eh ganon talaga, kasunduan natin yon eh!" sabi nya.

"Teka, bakit nga uli natin 'yon pinagkasunduan?" tanong ko.

"Para ano.."

"Para?" 

"Para walang special some-thing na mang-ya-ri" mabagal nyang sabi.

"Psh. Di naman totoo yan eh"  sabi ko.

Tapos napatingin lang sya sakin. Parang nagulat sya sa sinabi ko.

 “Ah.. eh.. ibig kong sabihin ay pano ka nakakasigurong epektibo yung mga ganun?” sabi ko.

“Wala. Napanood ko sa movie.”

“Eh anong nangyari dun sa movie?”

“Ewan. Bitin yung ending eh”

“Anong movie ba yun?”

“Basta. Haha!” sagot nya.

“AYOKO NAAAAAAA!!!” sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan.

Nagkatinginan kami nang marinig namin yung lalaking sumigaw.

“PUT*** IN***G BUHAY ‘TO OH!” sigaw uli nung lalaki.

Tumayo kami. Hinanap kung nasan yung lalaking sumisigaw.

“Baka baliw lang yun” sabi ko.

“Hayaan mo na.. hanapin parin natin. ;)”

“Oh well, you’re the boss”

Mga 5 minutes ding kaming naghanap-hanap bago naming makita yung lalaki. Nakatayo sya sa bakod sa ilog dito sa park. Magpapakamatay sya.

“Hoy tigilan mo yan!” sabi nitong kasama kong nagmamatapang.

Napatingin yung lalaki samin.

“Umalis kayo dito! Wag nyo kong pakialaman!” sabi nung lalaki.

“Bumababa ka dyan!” sabi uli ni babae.

“Oy, baka mamaya kung anong gawin satin nyan!” pabulong kong sabi sa kanya.

“Wag ka mag-alala, ako bahala dito” sagot nya.

Unti-unti siyang lumapit sa lalaking magpapakamatay. Di ko alam kung anong plano nya. Di ko sya sinundan. Bahala sya.

“Pst. Tara!” mahina nyang sabi sakin.

“Ayoko. Bahala ka!” sabi ko.

“Tsk. Sapak gusto mo?”

“Eh ayoko nga, mamaya kung ano pang mangyari satin dyan!”

Hello Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon