The Story Behind The Smiles

4K 98 5
                                    

-The Story Behind the Smiles-

Pagpasok namin sa McDo, dumiretso kami sa 2nd floor. Wala masyado tao, mas private. Inoccupy na namin yung bakanteng table. Pagkaupo nya, ngumiti sya sakin. Eto nanaman, biglang bumilis tibok ng puso ko. Ngumiti din ako sa kanya. Umupo ako sa seat sa harap nya. 

"Umorder ka na" sabi nya

"Ano bang gusto mo?"

"Kahit ano"

"Bigyan kita ng ketchup dyan e, ano ba kasi?"

"Float nalang tsaka burger"

"Okay, dyan ka lang ha"

"Okay, bilisan mo ha!"

Bumaba na ako at pumunta sa counter. Shemay, ang haba ng pila. After a few minutes, sa wakas ako na rin ang oorder. Biglang nagplay yung radio ng McDo.

(Broken Vow by Lara Fabian)

Andrama naman ng tugtugan dito, haha!

Nakuha ko na yung order ko at umakyat na sa 2nd floor

♫♫♬  Tell me the words I never said

Show me the tears you never shed

Give me the touch

That one you promised to be mine

Or has it vanished for all time   ♬♫♫

Nakita ko sya, nakatitig lang sa labas. Yung luha nya, tumutulo na. Kinakagat nya yung labi nya. Nakikita ko yung sakit sa kanyang mata, yung sakit na nararamdaman nya. Ano ba ang nakaraan nya? Bakit damang-dama nya yung kanta?

♫♫♩  I'll let you go

I'll let you fly

Why do I keep asking why

I'll let you go

Now that I found

A way to keep somehow

More than a broken vow ♩♫ ♫ 

Ano bang meron? Nakikita ko na nasasaktan sya ng sobra. Hindi na nya mapigilan yung luha nya. Nanginginig pa yung mga labi nya.

Napagdesisyunan kong pumasok na sa eksena

"Ehem"

Nagulat sya, pinunasan nya kagad yung luha nya gamit yung kamay nya. At pagkatapos, ngumiti sya sakin.

"Bakit ka umiiyak?" sabi ko

"Wala, naiyak lang ako sa kanta" sagot nya

"Hindi naman tayo basta-basta lang naiiyak sa kanta, may nangyari ba sa'yo noon na pinanggagalingan ng luha mo ngayon?"

"Wala naman.."

"Oh eto"

Inabot ko na sa kanya yung Float at Burger nya. Sakin, sundae tsaka fries. 

"Salamat" sabi nya.

"Di nga, may koneksyon ba sa iyo yung kanta na yun?"

Hindi na sya sumagot. I guess, ayaw nya pag-usapan kung ano man yun. Kumain nalang kami ng tahimik. Hindi ako kumportable, hindi ako sanay na tahimik sya.

"Gusto mo ng fries?"

Inalok ko sya ng pagkain para naman mabasag ang awkward na katahimikan. Kumuha sya ng isa, at isa pa, at isa pa, at isa pa.

"Oy tama na." sabi ko

"Ansarap eh, penge pa"

"Eh ikaw na umubos ng fries ko, kainin mo yang burger mo"

Ngumiti sya sakin, ngumiti din ako sa kanya.

"Salamat ah" sabi nya

"Wala yun, basta ikaw"

At muli, katahimikan. Tumingin sya sa mga mata ko, tumingin din ako sa mga mata nya.  Ngumiti sya, ngumiti din ako at bigla kaming nagtawanan. Para kaming mga baliw, mga isip-bata. haha! Ewan, hindi naman ako ganito, nahahawa na ko sa kabaliwan nya.

"Nagkaboyfriend na ko once" biglang sabi nya, naging seryoso nanaman sya

"Sya ba yung dahilan ng pag-iyak mo kanina?"

"Naalala ko lang sya dahil sa kanta na yun"

"Broken Vow, bakit? Pinagpalit ka ba nya?"

"Parang ganun na nga"

"Kailan pa?"

"Last month lang"

"Eh bakit parang ansaya-saya mo sa buhay? Nakamove-on ka na?"

"Im trying to, kaya nga I always smile and look happy para kahit sandali mawala sya sa isip ko"

"Mahal mo pa ba sya?"

"Ewan. Siguro."

Ouch </3 Nasasaktan ako.

"He's a nice guy, we had a perfect relationship, hindi ko lang alam kung bakit biglang nagkaganon" sabi nya

"Then move on, kailangan mo syang kalimutan para hindi ka na masaktan"

"Tulungan mo ako"

"Paano naman?"

"Dito ka lang sa tabi ko, wag kang lalayo"

Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa. Ginagawa nya akong panakip-butas, pero atleast naging importante ako sa buhay nya. 

"Sure"

Yun nalang ang nasabi ko.  Ngumiti nalang ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya para maipadama sa kanya na may karamay sya.

Hello Stranger [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon