chapter 20 -- what happened?

182 1 3
                                    

( inah' pov)

" uy, bilisan mo gutom na ko!!! " higit ni nick kay grace, nag pa- pa cute pa siya dito,

"teka lang naman, edi mauna ka na kung gusto mo"  pambabara nanaman sa kanya ni grace, para talagang ewan yung dalawang yun, hahaha. laging nag aasaran, pero halata namang may gusto sa isa't isa.

"will you guys shut up? inis namang sabi ni janina sa kanila, hahaha. nakakatuwa talaga, mukhang tunay ng nagbago si janina, ang  baet na niya eh, masungit lang talaga..

".............hahhahahahahahah" ako yan.. it's been a month since lumipas yung ka gulat gulat na araw sa study room,sinabi ni janina na gusto na niyang magbago and kahit na umo-o ako, na guilty ako kasi pinaghinalaan ko din siya, i mean, may naramdaman din akong kakaiba nuon,pero  heto kami ngayon, isang barkada na, nakakawindang nga eh! i never thought this could happen. biruin niyo, ako?! inah marie valdez?? absolute loner dito sa school ever since lumipat ako, member na ko ng isang barkada. may circle of friends??? masaya ako, pero parang may kulang :(

"oy vhance!!!!!!" sigaw ni nick ng makita niya si vhance sa hallway, pero he just avoided us, ni hindi nga kami nag ka eye contact. --yan. yan yung kulang :( wala si vhance....

"seriously, what's his problem?"inis na tanong ulit ni janina,

"ewan ko dun sa mokong na yun :/" sagot naman ni nick, hinawakan niya yung kamay ni grace, "punta na nga lang tayo ng canteen, tomguts na ako eh.." higit pa niya,

"pak!" pinalo naman ni grace yung kamay niya, " makahawak to wagas! bitaw ka nga! tayo??? tayo? pbb teens???"

nakatingin lang ako sa kanila, sumisikip kasi yung dibdib ko eh .. hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing iniiwasan kami ni vhance, naninikip yung dibdib ko, nakakaramdam ako ng sakit..

(vhance's pov)

"vhance!! pang ilang beses mo nang hindi nakaka shoot ah! ano bang problema ??? pag nagpatuloy pa yan, hindi kita paglalaruin sa basketball meet." pinagsabihan na ako ng coach namin. geez. hindi ako maka pag concentrate!!!!

"sorry coach, maga praktis nalang po ako maigi."

"dapat lang, sort out your priorities vhance, i don't need a player who is half hearted on whatever he is doing. " pagpapatuloy pa niya, tao nga naman oh, kapag galit, nagiging inglishero. umalis na ako sa office niya.

papunta na ako sa classroom ng makita ko sila nick, grace, janina, at inah sa hallway,

" oy vhance!!!" tawag sakin ni nick, di ko sila tinignan at dume-re-deretso lang ako. sh*t ang sakit lang..

nilayuan ko si inah dahil ayoko ng ma bully siya ng dahil sa akin, pero ang sakit talaga!! bakit ba ako nag kaka ganito?! bakit ako apektadong apektado??? bakit ang hirap hirap?? di ko naman siya mahal, di ko naman siya girlfriend para magka ganito ako. pero sa tuwing makikita ko siya, gusto kong kausapin siya, gusto ko marinig boses niya, gusto kong makasama siya,. pero hindi pwede. hindi. aawayin lang siya kung mas magiging malapit siya sa akin.

/flashback/

araw araw kong tinuturuan si inah sa study room, unti unti na siyang nakaka cope up sa lessons niya, and nagiging maganda na ang resulta niya, kay galing ko talagang teacher :PP *wink*

"aaaaah!!!!!!!! nakalimutan ko pala yung trigo notebook ko sa classroom!!!!!!!!!!!!!!" inis niyang sigaw habang kinakamot pa yung ulo niya, ang cute niya talaga, ang sarap niyang panuorin, kahit naiinis, ang cute padin . nakakalift ng mood.

" uy, bans, kunin ko lang saglit yung notebook ko sa classroom ha?"

"sige lang, bilisan mo.hahahaa. ulyanin ka na!!! seven signs of aging yan!" asar ko naman sa kanya,

"oo na! teka lang! give me 2 mins!!" sabi niya habang tumakbo na siya sa classroom niya,

napansin ko naman na naiwan niya yung bag niya na nakabukas. nagkaroon ako ng urge to peek inside.oi vhance!! kelan ka pa natutong mange -elam ng gamit na hindi iyo???

pero urge took over me, sinilip ko yung nasa loob, at nakita ko ang napakadaming crumpled paper, akala ko, scratch paper niya sa trigo and as a tutor, okay lang naman makita ko yun diba? at least malalaman ko pano siya magsolve ng complex problem na binibigay sa kanila.

kumuha ako ng isa , at nagulat ako sa nakita ko.

" HOY ANG LANDI MO TALAGA!!! DI KA BAGAY PARA KAY FAFA VHANCE!!!!! NAG BO-BO-BO-B OBOHAN KA LANG PARA MAGING TUTOR MO SIYA NOH?!!!!!!! ANG LANDI TALAGA!!!!!"

hindi ako makapaniwala sa nakita ko, kumuha ulit ako ng isa, at muling binasa ang nakasulat dito.

"DON'T GET TOO FULL OF YOURSELF!! MABAET LANG TALAGA SI VHANCE!!! BAKA KUNG ANO ANO INIISIP MO!!! YOU'RE A SLUT!!! SLUT!! SLUT!! FLIRT!!!! AH!!!!! KAINIS!! LAYUAN MO NA SI VHANCE!!! DI KAYO BAGAY!!"

naramdaman kong nag init yung dugo ko,galit ang naramdaman ko sa mga babaeng yon. hindi man ako pala galit sa mga babae, this is too much.

kumuha ulit ako ng isa pang papel,.

" HOY FLIRT!!!! NAAAWA LANG SAYO SI VHANCE KASI ULILA KA NA!!!! WAG UMASA!!!!! "

nagulat ako sa nabasa ko. papano kung naiisip ni inah yun???

kukuha pa sana ako nang makarinig ako ng yabag . siya na yun, dali dali kong itinapon sa basurahan yung  mga papel.

"vhance!!!!! game na!!!!!" pinakita pa niya yung notebook , tapos ngumiti ng parang  bata. etong babaeng to? slut? whore? flirt? NO WAY.

kelangan kong gumawa ng paraan.

kelangan ko siyang protektahan.

/end of flashback/

iniiwasan ko siya para hindi na siya ma bully, ni hindi na ako nagpaliwanag, :/ eh di ko alam na magkakaganito ako. one month palang ako umiiwas pakiramdam ko taon na? geez :/

inah marie valdez, ano bang meron ka at nagkakaganito ako???

---------------------------------------------------------END OF UD------------------------------------------------------

a/n:

 hello po dear readers :) mejo mahaba haba ud ko ngayon compared sa ibang ud ko , lol.  sinipag lang hahahahahahaha :) sana okay na ang pilipinas. musta na kayo???? sensya mabagal ako mag ud, super busy kasi ako sa internship sa church namin dito eh. everyday akong nandun, handling kids camp so pagod talaga ang lola niyo. imagine yung likot at kulit ng bata tapos mga english speaking kids pa.  spell stress!! hahahaha. ayon. po. sana mag comment kayo :) wala na kong nararamdaman na presensya ng mga readers ko eh :( how sad :(

Whatever it Takes (ONGOING NA)Where stories live. Discover now