(16.2) The Hardest Part. (★)

26 0 0
                                    

(16.2) The Hardest Part.

(GREY to GERARD; Gerard still listening.)

"Ha?! Nababaliw ka na ba Gerard? Anong pinagsasasabi mo? Joke na naman ba yan?" Tumigil siya sa pagkain at itinuon ang pansin sakin. Her face looked so baffled.

"Makinig ka, Ren. Mag-eexplain ako."

Nilunok na niya yung pagkain niya at nagsimulang tumingin ng diretso sa’kin. "Ano pang dapat ko malaman? Bukod sa iba yung ginagamit mong pangalan? Ano?!"

"Ren... Wala akong ginawang kahit anong ganun..."

"Talaga? Eh ano yang drama mong hindi ikaw si Gerard? Kung gayon, sino ka?!” Nagmamasungit na si Laurren. She had her arms crossed and her eyes just got bigger than normal.

“Ano kasi...”

 

 

“Anong ano kasi ka diyan? Hindi kita ma-gets!” She hasn’t stopped talking. She’s saying all there is for her to say to complement her great confusion. I couldn’t get to explain. “Hindi pala si Gerard ang kasama ko all throughout?! Ano to? Joke?" Tumayo siya tapos nakita kong umiiyak na siya. She can’t take all of these, lalo na biglaan nalang. Gusto ko nga siya patahanin... Pero pano? Nung hinawakan ko siya sa kamay, nagpumiglas siya.

Tapos lumabas siya ng bahay nila. Nag-walk out. Tapos naisip kong umuulan nga pala. Kaya agad akong sumunod sa kanya. Humugot ako ng payong sa umbrella rack sa may tabi ng pintuan nila. "Ren! Ren!"

"Ren!" But there wasn’t any response.

"Ren! Nasan ka ba?! Sumagot ka naman!" I was worried about her. Palakas na kasi ang ulan nun. Baka magkasakit pa siya.

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa grounds ng bahay nila. Naisip kong baka hindi pa siya nakakalayo. And I’m right—there she is... nakaupo sa isang mesa na nakaharap sa road. Nagpapaulan. Naririnig ko pa ang hikbi niya. Hindi rin talaga maiiwasang masaktan siya sa nalaman niya. Hindi ko man—natin pala—sinasadya eh eto na. Nangyari na. Kailangan nalang magpaka-lalake at tanggapin na nakasakit tayo.

Pinayungan ko na siya. Yung jacket kong pinahiram ko kanina, ipinatong ko sa balikat niya ulit.

"Sino ka ba?!" Tanong na naman niya. "Tumawag ako kay Gerard kani-kanina lang, habang nagsisisigaw ka at hinahanap ako. That means hindi ikaw yung sumagot. Halatang wala siyang alam sa pinahiram mong jacket. Sino ka ba? Nasan si Gerard? Bakit magkamukha kayo? Wag mo sabihing—"

"Oo, Ren. Kambal kami. Uh, we have not officially met. My name's Grey." Inabot ko pa ang kamay ko para makipagkamay kaso tinitigan niya lang yung kamay ko at saka tumingin uli sa may road.

"Umalis ka na."

Oo, tinaboy niya ko. Gusto ko pa sanang magpaliwanag. Alam kong magiging magulo, pero kailangan ko nang magpaliwanag sa kanya. "Pero..."

"Wala akong pakialam sa dahilan mo. Basta umalis ka na."

"Pero Laurren. Gusto kita—gusto talaga kita. Hindi ko pinaglalaruan ang damdamin mo. At hindi ka din niloko ni Gerard. Ipinaubaya ka na niya sakin... Nakapag-usap na kami, Ren. Hindi kita iiwan." It seemed so stupid... but I hugged her back. Nalaglag na nga yung payong e. Desperado talaga akong maintindihan niya ko nun.

"Bitiwan mo nga ako!" Nagpupumiglas siya. Pero hindi ako kakawala. I'll hold on to her. No matter what.

"Nasan si Gerard? Nasan siya! Siya ang gusto kong makausap." Mahirap para sakin na tanggapin na yung babaeng mahal ko eh ikaw yung hinahanap, Xav. Pero kasalanan ko naman kung bakit nangyari ang mga ‘to eh. Kaya iniinda ko yung sakit na yun.

"Ah... kasama niya si Eclaire ngayon." Sorry, pero kailangan kong sabihin yun.

She shot me her killer look. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Nag-umpisa na naman siyang bumira sakin. "So ganun? Kaya ka niya pinaubaya sakin para dun na siya kay Eclaire?! Ganun ba ha? Kaya pala itong si Eclaire, laging may kasamang lalake kapag tinatawagan ko siya. Kaya siguro ayaw niya ring sabihin kung nasan siya, kasi kasama niya si Gerard. Tch." Napailing siya. Akala niya niloko siya ni Eclaire. Akala niya niloko natin siya.

"Hindi. Hindi sa ganun, Ren..."

Humarap siya sakin. Iyak siya ng iyak. Halatang-halata kahit gaano pa kalakas yung ulan. "Eh pano mo maipapaliwanag yun ha? Pano? May iba pa bang tawag sakin sa ganung sitwasyon maliban sa ‘napaglaruan'? Ah, oo nga. Ayoko na pala marinig ang paliwanag mo. Umalis ka na."

"Ren..."

 

 

Umalis na siya dun sa mesa and she headed towards their front door. Hindi na siya lumingon sakin. Pero bago siya pumasok ay sinigurado niyang makakaalis ako sa bahay nila. Inulit na naman niya yung,  “umalis ka na”.

Papasok na siya ng bahay , pero tinawag ko uli siya. "Ren... Sandali." Napahinto rin naman siya. Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya ulit. "Aalis na ako ng bansa sa 30. But I hope makabalik pa ako. For you."

"Alis na." Ouch. I guess... wala na akong magagawa. I have to go. She never looked back. Dumire-diretso lang siya sa loob ng bahay.

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon