(12) Les Miserables ala Gerard and Ren (★)

210 3 0
                                    

(12) Les Miserables ala Gerard and Ren

(REN)

Ngayon na. Ngayon yung araw na tinutukoy ko sa sign na hiningi ko. February 14th. A love letter: Goodbye, Rob; Hello, Gerard. Hello Gerard talaga? Parang ewan lang eh... Teka, bat ko ba iniisip to? Mali ‘tong ganito. Parang rebound ko lang siya. At parang lumalabas na ang landi landi ko lang. Like I’m just playing this game I never knew I’d end up playing. Ano bang sinasabi ko? As if naman nag-confess na sakin yung tao. Ano ba naiisip ko at naisip ko yun? Ang baliw ko lang.

Tch. Wag na nga. Hayaan na natin ang sign na yan. There's one thing I have to focus on right now.

"Guys. The musicals competition will start in two hours. Ready na ba lahat?" I shouted, everyone’s prepping up for the competition.

"Laurren! Wala pa si Gerard." sigaw ni Yuca, kaklase namin.

"I'll take care of him later." Sigaw ko pabalik.

Lumapit si Yuca sa'kin. "Hindi lang yun ang problema, Laurren. Wala din si Hiro at Shayne..."

"Huh? Nasan sila? Baka naman nag-re-rehearse lang? Nagme-make up?" Natataranta na ‘ko. Yung mga lead pa ang nawawala. Really? At this time of the day pa? Pwede namang mamaya na mag-date e. Naman! Nakaka-stress!

"Hindi ko alam. Tinanong ko yung iba... hindi rin nila alam. Wala daw silang text e. Kanina pa nila kinokontak."

"Patay tayo dyan..." Napapakunot na yung noo ko, hindi ko narin alam ang gagawin. Nag-ring yung phone ko. Baka si Gerard na ‘to. Tinignan ko pero... hindi pala. "Yuca. Ikaw muna bahala. Magpractice kayo. Si Shayne tumatawag eh."

Napasinghap siya. "Finally! Ok, Laurren. Ako na muna bahala dito." Tumango ako sa kanya.

"Guys! Practice!" Narinig kong sigaw niya habang palabas ako ng room.

Sinagot ko na yung tawag. "Hello? Shayne?"

 

 

"Laurren..."

 

 

"Bakit? Nasan ka? Nasan si Hiro? Dalawang oras nalang, mags-start na."

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon