(3.1) A Date, it is. (★)

60 2 0
                                    

This is a part I took out from Chapter 3. Had to put this apart since hindi magandang tignan na sa isang chapter, dalawang POV's. hehe.

(3.1) A Date, it is.

 

(REN)

Hay! Bakit naman ba kasi itong si Boyfriend biglaang nag-yayaya. Ayan tuloy. Ako nagyaya kay Gerard tapos ako pa hindi sasama. Teka, ako ba talaga nag-yaya? Eh di ba sina Chen naman may gusto nun?

Oo, gusto nila, pero ako parin nagyaya! Hay, buhay!

Habang nagwo-worry ako sa isang bagay na hindi ko naman dapat pinagwo-worry-han, tumunog yung phone ko. "Girlfriend, ready ka na? Punta na ko sa bahay niyo after 3 minutes. :)"

"Opo, boyfriend. Hintay na lang kita. :*"

"Ok :) I'll be there at 8:45. Wait for me, ok? Love you! :*"

Aww. Ang sweet. Ako kinilig sa sarili ko.

Three minutes pa naman bago umalis sa kanila si Rob, sa tinagal-tagal na namin, kabisado ko na yang routine niya bago umalis ng bahay. Plus 20 minutes pa mula sa bahay nila papunta dito. So, ke-kwentuhan ko muna kayo.

Si Robert Antoni Vallejos pala si Boyfriend. Rob ang nickname niya. Medyo timang lang yung tawagan namin no, boyfriend-girlfriend? Pauso niya kasi eh.

Flashback tayo ng konti. Konti lang naman.

 

 

Palabas na ko ng school nun, siya naman, naghihintay sa gate ng school. Third year high school kami. Magkaiba kami ng high school na pinupuntahan pero we’re from the same neighbourhood kaya nagkakilala kami. Medyo kaka-simula palang namin as a couple. Nasa dalawang buwan palang kami nun. Nung naglalakad na kami pauwi saka niya naisipan yun. "Basta simula ngayon, girlfriend na tawag ko sa'yo ha?"

 

 

"Bakit naman girlfriend pa?" Nagtataka ako, kasi naman first boyfriend ko siya tapos ganun? Parang hindi sweet...

 

 

"Wala. Para unique! Ang korni kasi masyado pag Love, Honey, Sweetheart, o kaya Bebe. Parang joke lang." Sabay tawa niya ng malakas, parang nang-aasar. "Saka common na common na. Para maiba naman tayo... kasi, kakaiba tayo eh!"

 

 

Tinawanan ko nalang siya kahit sobrang korni niya. "Edi ikaw na ang bumabanat! Sira ka talaga, Rob. Gawin ba naman joke yung mga yun? Pero sige, oo na po. Sige po. Ako na po si Girlfriend. Basta ikaw si Boyfriend."

 

 

"Oo naman! Ako lang boyfriend mo!"

Balik na tayo sa ngayon.

                Tumunog na naman ang phone ko. At nang tignan ko kung sino yung nagtext... Si Gerard.

"Ui Ren. Pwede ba secret lang natin na magkakilala tayo?" reply ni Gerard. Secret daw? Naisi-secret ba yun? Teka, ka-secret-secret ba yun? Bigla tuloy akong nagtaka sa taong ‘to. Parang may tinatago na ewan.

"Bakit naman?" Parang shunga. Secret agent lang ang drama niya?

"Uh… Wala lang. Basta wag mo lang babanggitin sa iba na kakilala mo ko ha? Sige na, please?" Hala. Bakit kaya? Parang timang naman to si Gerard. Nakikipag-friends tapos dapat hindi alam ng iba? Ano kaya yun? Anti-social ba siya? Hindi sanay sa company?

"Suuuuuus. Dahil baka malaman ng girlfriend mo na may kilala kang cute na girl? :)" Kapal naman daw ng fes ko. Pero bakit nga kaya kasi? Kainis naman, nakaka-intriga e.

"Wala akong girlfriend :)"

"Huh? Sa gwapo mong yan, wala ka pang girlfriend?" Nambola pa ko. Baka mamaya nagsisisigaw na yun dun. Pero, totoo. Gwapo naman talaga siya. May pagka-feeling lang talaga. Napansin ko kanina. Kung kiligin naman kasi yung sina Ola at Chen kala mo ngayon lang nakakita ng gwapo sa tanang buhay nila.

"Oo eh :) Takot siguro sila sa gwapong boyfriend. Haha!"

"Excuse me ha. Bakit, nakakatakot ba ang gwapong boyfriend?"

"Siguro. Kasi kahit saan kayo pumunta nililingon ng girls yung lalake. Siyempre, takot kayo na baka kapag may nakita siyang mas maganda sa inyo eh makikipag-break na siya."

"Ganun ba yun?" Pinagsasabi nito?

"Oo no. Try mong maging girlfriend ko. :)" Aba! Humihirit siya ah. Medyo may kakapalan lang talaga ng fes kahit nagsasabi ng totoo. Pero maging girlfriend niya? Medyo nag-skip ang heartbeat ko, pero nung narinig ko yung busina ni Rob, bumalik ‘to sa normal.

Huminga ako ng malalim. "Eh bakit naman yung boyfriend ko? Sapakin ko yun pag ni-break ako nun. Haha!"

Bumusina na ulit si Rob. Mainipin lang?

Kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay. Ini-lock ko ito saka ko kumaway kay Rob. Sinilip ko muna yung phone ko, pero hindi naman na nagreply tong si Gerard? Ah. Baka kasama na niya yung mga girls.

Next time ko na lang itutuloy yung kwento ko. Sige na, dun na kayo sa kanila. Magde-date kami ni Boyfriend!

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon