Chapter 7

151 8 4
                                    

-Chapter 7-

Pagdating sa bahay ay kaagad akong nagbihis at pumwesto sa harap ni Levo. Ginawa ko muna ang mga assignments at outputs na kailangan kong tapusin. Nasa kalahati na ako ng marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni DB na nakaregister sa screen. Sinagot ko naman kaagad ‘yun.

“Hi rei-rei, busy ka ba?” bungad ni DB pagsagot ko sa tawag niya.

“Uy DB. Medyo. Gumagawa kasi akong assigments at outputs namin eh. Bakit?” tanong ko.

“Wala naman. Tumawag ako kasi gusto kong sabihin sa’yo na aalis kami papuntang probinsiya ngayon. Wala kasing signal doon kaya baka hindi kita ma-contact sa cellphone at sa Facebook,” sabi ni DB sa’kin. Medyo nakaramdam naman ako ng lungkot. Siguro dahil wala ng mangungulit at magpapatawa sa’kin sa mga korning banat.

“Ah ganun ba?”

“Oo. Baka magtaka ka kapag wala ng mangungulit sa’yo sa facebook. At baka kako ma-miss mo ako,” hirit ni Blake kaya napatawa ako.

“Asa ka naman,” pabiro kong sabi sa kanya.

“Bakit, ‘di mo ba ako mami-miss rei-rei? Kahit kunti lang?” kunwari ay nagtatampo ang boses na sabi niya. Mas lalo naman akong napatawa.

“Sus! Drama mo ‘oy! Syempre mami-miss kita. Konti lang. As in konting-konti lang,” pagbibiro ko sabay tawa ng malakas.

“Okay lang, atleast mami-miss mo ako. Ingat ka habang wala ako rei-rei ha?” malambing niyang sabi sa’kin kaya naman hindi ko maiwasang kiligin. Feeling ko para siyang tatay, kuya at bestfriend kong concern na concern sa’kin.

“Wag ka ngang mag-alala sa’kin DB. I’ll be fine. Like duh, takot kaya lahat sa’kin,” pabiro kong sabi sa kanya.

“Still rei-rei,  I want to make sure you’re safe. Ayokong mawalan ng kaibigan,” sabi niya.

“O sige na nga. Mag-iingat na po ako sir DB. ‘Wag ka nang mastress diyan,” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Thanks rei-rei. Sige, mauuna na ako. Tinatawag na ako ni mommy eh. Bye rei-rei!”

“Sige. Ingat ka,” sagot ko naman sa kanya. In-end ko na ang call at tinitigan ang cellphone ko.

Siguro kung sa personal tayo unang nagkakilala at maganda ang pagkakakilala natin Blake, hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ang panliligaw mo. Hindi sana kita mafi-friendzone ngayon. Ang hirap naman kasi eh. Sa internet tayo unang nagkakilala. Sa ask.fm hanggang sa facebook mo ako kinulit. Napakaimpormal ng pagkakakilala natin sa isa’t-isa. Ilang linggo pa lang din kitang nakikilala. But on the contrary, bilib din ako sa’yo kasi sa loob ng ilang linggong ‘yun, napagtyagaan mo ang paiba-ibang ugali ko. Dahil din doon, nakuha mo ang loob ko maliban sa mga pagkakapareho natin.

Huminga ako ng malalim at itinuon na lang ulit ang atensyon ko sa mga assignments at outputs na kailangan kong tapusin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon