Chapter 1

186 9 5
                                    

Chapter 1

 “Bru?” bungad ni Meijie ng sagutin ko ang tawag niya. ‘Bru‘ ang tawag sa’kin ng kaibigan kong ‘yan. For short daw ng bruha. But my real full name is Reine ( Rain) Jiane Castillo.

“Uy bait. Napatawag ka?” medyo gulat kong tanong dahil late na pero gising pa siya. Maaga kasing matulog ang kaibigan kong ‘to eh.

  

“Bru” ulit ni Meijie sa kabilang linya.Iyak ang naging kasunod na kinabigla ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. Gumagawa kasi ako ng comic story ng mga oras na ‘yun.

“Ba’t ka umiiyak bait?”nag-aalala kong tanong sa kanya.

“Bru si Ryan..”umiiyak na sabi ni Meijie sa’kin.

“Anong nangyari kay Ryan?” tanong ko. Si Ryan ang boyfriend ni Meijie.

“Nakita ko silang naghahalikan ni Queenil.” kasunod nun ay humagulgol na sa pag-iyak si Meijie.

Parang bigla naman akong nagpanting ang mga tenga ko sa sinabing ‘yun ni Meijei.

“Ano?!” napahigpit ang hawak ko sa telepono sa sobrang inis na naramdaman ko.

“Girlfriend na pala ni Ryan si Queenil noon pa bru. Sinubukan lang ni Queenil kung kayang gawin ni Ryan ang gusto niya. Nagkataon daw na ako yung probinsiyanang NBSB na kinaiinisan ni Queenil kaya hinamon niya si Ryan if kaya niya akong maging girlfriend”umiiyak na kwento sakin ni Meijei.

“Walanghiyang Ryan ‘yan pati ang bitch na Queenil na ‘yan! Naging girlfriend ka nga ni Ryan. Thanks to me. Anak ng tokwa talaga. I’m so sorry Mei. Kung ‘di dahil sa’kin hindi mo sana siya ang gagong Ryan na ‘yun. Hindi ka sana nasasaktan ngayon”

Anak nang tokwa naman kasi! Ako ‘yung naging tulay nila eh! Sabi kasi sa’kin ni Ryan gusto niya si Meijei. Mabait daw kasi, matalino, maaasahan at simple lang. Eh ako namang happy dahil magkaka-lovelife na ang bestfriend kong NBSB, gumora agad sa pagiging tulay!

Kahit naman kasi maldita ako at may pagkabruha all the time, basta para sa bestfriend ko nagttransform agad ako sa other side ko. Pero anong kinalabasan ngayon? Nasaktan ko pa yata ang bestfriend ko.

 

“I’m really sorry Mei. Hayaan mo babawi ako sayo” pangako ko kay Meijie.

Nobody messes with my friends.

***

Kinabukasan sa school.

“Reine anong gagawin mo?”tanong sakin ni Meijei habang sinusundan niya ako papunta ng canteen.

Tumigil ako at hinarap si Meijie. “Chill ka lang bait okay?”sabi ko sa kanya at naglakad na ulit.

“Reine naman kasi eh. Alam kong may gagawin kang hindi maganda”

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon