Chapter 2

119 9 8
                                    

Chapter 2

Sa bahay kinagabihan ay worried pa din ako kay Meijei kaya tinawagan ko siya.

“Good evening bait! Ano nang ginagawa mo?” masiglang tanong ko kay Meijie, nagbabakasakaling mahawaan ko siya ng kasiglahan ko.

“Heto bru nakahiga. ‘Di dinadalaw ni antok eh. Ikaw?” matamlay na sagot ni Meijie sa’kin. Mukhang mali ang akala ko.

“Heto nagddrawing ng comic story ko at tumatambay sa ask.fm,”

“Ah ganun ba?” batid ko sa boses ni Meijie ang lungkot. Kaya imbes na siya ang hawaan ko ng kasiglahan ko ay ako pa yata ang nahawa sa lungkot na nararamdaman niya. Ang hirap kasi dahil wala akong magawa para pasayahin ang kaibigan ko. “Bru...I missed him,” maya’y dugtong ni Meijie sa sinabi niya. Mahina ang boses niya at bakas ang pangungulila. Alam ko din naman kung sinong tinutukoy niya.

Napabuntong-hininga ako sa sinabing ‘yun ni Meijie. Kung ako lang kasi ang nasa sitwasyon niya, hindi ko pag-aaksayahan ng luha ang lalaking katulad ni Ryan. Pero sino nga ba ako para husgahan si Meijie? Wala ako sa sitwasyon niya, at hindi ko alam kung anong sakit ang nararamdaman niya ngayon. Kaya nga siguro ayokong pumasok sa relasyon dahil ayokong maranasan ang sakit na pinagdaanan ng mga kaibigan kong naging sawi na din sa pag-ibig.

“pero nami-miss ka ba niya?” tanong ko din kay Meijie.

 I know medyo hard ‘yung tanong ko. Hindi therapeutic. Pero kasi one way ko din ‘yun para i-divert ang atensyon ni Meijei from missing Ryan into forgetting him. Kung mai-iisip ni Meijei na hindi naman siya nami-miss ni Ryan maybe she can move-on kahit sabihin natin na masasaktan siya.

“I know bru niloko niya lang ako. But I can’t really help missing him,” malungkot na sagot sa’kin ni Meijei.

“I know bait. Sorry. Just do things that will make you forget him for a little while. Moving on is a slow process,” puna ng pag-unawa at pagpapaintinding sabi ko kay Meijie. I’m doing this for her own good.

“sige bru. Thank you dahil naging kaibigan kita. I think I’ll be fine. In time. Thanks for calling. Matutulog na ako,” paalam ni Meijie.

“sige bait. Good night and sweet dreams”

“ganun din sa’yo bru. Thank you ulit. Thank you talaga”

“sus, wala ‘yun. Geh na. Bye,” paalam ko. Alam kong after what happened, kailangan ni Meijie ang tulog.

Nang i-end na ni Meijie ang tawag ay bumalik naman ako sa ginagawa ko. Pinagpatuloy ko ang paggawa ng comic story ko.

Ngunit hindi ko lang maiwasang isipin..

Bakit ba ganun ang mga lalaki? Ipaparamdam na mahal ka nila pagkatapos kung kelan minahal mo na sila tsaka mo naman malalaman na pinagttripan ka lang pala nila. Hindi ba nila alam kung gaano kasakit ang lokohin at iwanan ng taong mahal nila? Are they doing it for fun or revenge? To get even because they’ve been also hurt before? Pero diba nga, hindi resonable ang rasong dahil nasaktan ka dati dapat manakit ka din ng iba.

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon