Prologue

463 11 4
                                    

-Prologue-

I saw him giving me an ‘I-told-you-so’ look. Inirapan ko lang siya. Kakainis!After saying goodbye to mom ay in-end ko na yung call.

“We need to go now,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa’kin.

“Mauna ka na. Susunod na lang ako. Alam ko naman papunta sa resort ni tito Arnel eh,” sagot ko at lumayo na sa kanya.

Ayoko ngang makasama ang lalaking 'to. Nakakainis to the highest level eh.Ewan pero naiirita ako sa confidence na pinapakita niya. Mukhang walang epekto sa kanya ang katarayan ko.

“No. You’re going with me whether you like it or not,” simple lang ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ‘yung authority sa boses niya. And I really hate it! Ayoko ‘yung inuutusan ako!

“Wala kang magagawa kung ayaw kong sumama sa’yo,” pagmamatigas ko.Bah! Anong akala niya matatakot niya ako sa pagiging authoritative niya? How about he talk to my hand?

I saw him smirked pero nawala din ‘yun agad. Hindi ko maiwasang mainis!

“You don’t know what I can do Reine,” seryosong sabi niya habang tinititigan ako.

I don’t know why but my heart skipped when he said my name.

“I-I don’t care,” nagkandautal-utal kong sabi. Shit! Ba’t nautal ako at mahina pa ang pagkakasabi ko? Gah! Napaka-intimidating kasi ng aura ng lalaking ‘to at ang seryoso niya masyado.

Humakbang siya palapit sakin. Awtomatikong napaatras naman ako. What the heck is he doing?!

“You really don’t care huh?” tanong niya ulit habang humahakbang siya papalapit sa’kin.

Shit! Ba’t kinakabahan ako sa kanya?!

“Fine! sasama na ako sayo!” naiinis kong sabi para tumigil na siya sa kakahakbang palapit sa’kin. Wala na kasi akong mauurungan. Last chair na kasi ‘yung nasa likuran ko at nakadikit na sa pader. Kapag umurong pa ako mapapaupo na ako sa upuan.

He gave me a satisfied smile.

“Good,” sabi niya sa’kin sabay talikod at pumunta na sa pintuan.

Kainis!

Padabog kong kinuha ang bag ko sa upuan. I saw him leaning at the door while staring at me.Umiwas ako ng tingin at nagpaalam kina ate Nique. Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay nagtuloy-tuloy na akong lumabas ng classroom. Hindi ko na hinintay ang kulugo na ‘yun.

“Give me your bag,” sabi niya sa’kin habang naglalakad kami sa hallway.Nagulat pa ako ng magsalita siya.

“Wag na. Kaya kong dalhin ang bag ko,” tanggi ko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Anong akala niya sakin hindi kayang dalhin ang sariling bag? Nagulat pa ako ng nasa harap ko na siya. Bilis niyang maglakad ha.

“Give it to me,” seryosong sabi niya sa’kin at inilahad ang isang kamay niya habang ang isa ay nasa bulsa ng pantalon niya.

Andun na naman ang authority sa boses niya! Nakakainis! Nakipaglaban pa ako ng titigan sa kanya, pero sa huli ay wala akong nagawa kundi ibigay ‘yung bag ko sa kanya. Ewan pero na-iintimidate talaga ako sa mga tingin niya eh. Kinakabahan ako sa mga tingin niya which really sucks!

“Oh ‘yan! Isaksak mo sa baga mo!” naiinis kong sigaw sa kanya at padabog na binigay ang bag ko.

I heard him chuckle and I gave him my death glare..pero wa epek. Bwisit!

Nakarating na kami sa parking area at sumalubong sa’kin ang red Tesla Roadster na sasakyan niya.

  

“Get in,” sabi niya sa’kin ng makalapit kami sa sasakyan.

Papasok na sana ako pero naalala ko hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.Malay ko ba baka hindi pala siya anak ni tita Laine.

“Teka lang. Ano nga palang pangalan mo?” mataray kong tanong.

“Ba’t mo natanong?” balik tanong niya din sa’kin.

“Ang ganda din ng sagot mo ‘no? Tanong din,” pagtataray ko sa kanya.

He smirked again. Naiirita na ako sa smirk ng kulugo na ‘yan ha. Nakakainsulto eh.

“it’s Duncan,” sagot niya.

“Duncan ano? Duncan kalabaw? Duncan kambing? Duncan Unggoy? Duncan kulugo? Pwede kumpletuhin mo?” pagtataray ko pa lalo taas ng kilay.

Magsasabi na din lang ng pangalan hindi pa kumpleto. Saan napunta utak nito sa talampakan niya?

He looked at me seriously at sa isang iglap biglang nawala ‘yung katarayan ko dahil napalitan na naman ng takot. Ba’t kasi ako natatakot sa kanya?! Grrr!

The next thing he said made me stiffen. Parang nabingi din ako sa sinabi niya.

“it’s Duncan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Blake Asuncion”

Duncan Blake Asuncion.

 

Siya ba talaga 'to? The real Duncan Blake Asuncion in flesh?

The REAL Him.ON-GOING.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon