SD~16

257 3 2
                                    

Toby's POV

"Okay, break muna tayo!" sabi ni coach sabay pito sa kanyang gym whistle. Lahat kami pumunta sa bench at kanya-kanyang upo.

"Toby! Todo exert ka ng effort kanina sa court ah? Anong nalaklak mo?" tanong sa akin ni Kenneth, kapwa freshmen at bestfriend ko since childhood.

"Ha? Wala..." nakangiti kong sagot habang pinupunasan ang pawis ko. Agad naman akong binatukan ni Kenneth.

"Psh! Wala daw, pero kung makangiti ka, daig pa ang asong binigyan ng treat ng amo niya." sabi niya sabay inom ng tubig sa tumbler niya.

"Let's just say, inspired ako ngayon dude." sabi ko. Agad na nilunok ni Kenneth ang tubig na ininom niya at pinunasan ang labi niya.

"Ikaw? Inspired? Kanino naman? She's one lucky girl." loko-lokong saad ni Kenneth. "What's her name?" tanong niya.

"I won't tell you her name just yet." sabi ko. "Walang thrill kapag nalaman mo ang identity niya." dagdag ko.

"Possesive mo naman dude! Pangalan lang, pinagdadamot mo pa." angal ni Kenneth. "So taga dito ba siya sa Berkins?" tanong niya.

"I think she's not from our school. Ilang beses na ako nag-ikot, naki-seat-in sa classroom sa bawat sulok ng university, pero kahit na isa, wala siyang kamukha dito." sagot ko.

"It's a good thing na hindi siya taga-dito. Baka mamaya, hindi mo pa nagagawan ng moves, namatay na yun sa pambubugbog ng mga admirers mo." natatawang sagot ni Kenneth. "So, paano naman kayo nagkakilala ng "inspiration" mo?" curious niyang tanong.

"Kakagaling ko lang kina aunt Therese, that time. I was already on my way to my house, nang muntikan na akong makabangga ng bata sa daan. I got off my car, and check if the kid was okay, when suddenly I saw her." pagkukwento ko.

"Baka gusto mo siyang i-describe dude?" suggest ni Kenneth.

"She looks beautiful in that dress she's wearing that night. The way she took off her shoes and walked gracefully to our direction, the way she yelled, talked, and thanked me---," I brag out while staring out of nowhere. "It was just so.... UHG! I can't put it up into words." paliwanag ko habang sinusuklay ang buhok ko dito sa kinauupuan ko.

"Dude, malala ka na." tapik ni Kenneth sa balikat ko. "Mukhang hindi lang siya inspiration para sa'yo. I think you got a crush on that girl your saying." sabi niya.

"Dude, I'm telling you. She's that one of a kind girl, I ever laid my eyes on. She has no pretenses, that's why I'm so amaze and inlike with her, at the same time." panimula ko. "If you think that I have a crush on her, so be it."

The Sexy DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon