SD~5

382 3 0
                                    

Mikaela's POV

 

Nawawala ako.

Nasa isang madilim na lugar ako. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta dito. Ang naaalala ko, nakahiga ako sa kama ng kwarto ko at matutulog na. Wala akong makitang pinto o daaanan para makawala dito.

Patuloy pa rin akong naglalakad sa kawalan ng may narinig akong isang matininig na ingay. Agad kong tinakpan ang tenga ko dahil naaalibadbaran ako sa ingay na iyon. Napatingin ako sa likuran ko at napanganga sa aking nakita.

Isang nakakatakot na bruhaha, na may hawak-hawak na karit katulad kay Grim Repear, ang patungo sa direksyon ko at nakangiting demonyo pa! Pusang gala, sabihin niyo sa akin nananaginip ako!

 

Dahil sa takot, agad na akong tumakbo para matakasan yung bruha. Kahit na anong gawin ko, wala akong makitang daanan o lugar para pagtaguan.

Ano ba naman kasing klaseng lugar 'to?

*Bang.bang.Bang

Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa pagputok ng isang baril. Natatakot kong hinarap ang aking likuran at nagulat sa nakita, dahil yung bruha na humahabol sa akin, nakahandusay na at wala ng malay.

Teka, putok ng baril? So ibig sabihin hindi ako nag-iisa dito sa mala-oblivion na lugar 'to?!

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng ilaw. Pilit kong sinisilip kung saan nanggagaling ang liwanag na 'yon, at sa hindi kalayuan, may nakikita akong anino ng tao- particularly anino ng isang lalaki. Walang pasabi-sabi, napatakbo ako sa direksyon niya at gusto ko siyang makita.

 

Five steps...

 

Four steps...

 

Three steps...

 

Two steps...

 

One step...

*Drop everything now

Meet me in the pouring rain

Kiss me on the sidewalk,

Take away the pain

'Cause I see, sparks fly

Whenever you smile

 

Natataranta akong dumilat at bumangon sa kama ng marinig ko yung device ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone at sinagot yung tumatawag.

["Hello?"]

 

["Hi my little sister! Oh? Bakit parang antok na antok ka pa?"]

The Sexy DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon