SD~11

369 4 2
                                    

Evening, of the same day.

Mikaela's POV

Nasa kusina ako ng bahay namin, nakatulala, habang nagtitimpla ng gatas. Oo, malaki na ako pero bakit pa ako nainom ng gatas? Eh hindi kasi ako makatulog. Past eleven na ng gabi pero I'm still wide awake. Sadyang hindi mabura sa isipan ko ang "accidental" kissing scene namin ni Elmo.

Bakit ba paulit-ulit na nagple-play ang scene na yun sa utak ko?!

Galit na galit kong pinagpo-pokpok ang sarili ko gamit ang kutsarang naka-harap sa akin. Putspa! Kung meron lang akong "delete button" sa ulo ko, edi magiging peaceful once again ang isipan ko. Pero, nagtataka pa rin ako kung bakit ganun na lang kalakas ang pagkabog ng puso ko. Para bang kabayo na napagod kakatakbo sa isang karera.

Magpacheck-up kaya ako sa doktor? Sabay pax-ray na rin, baka may something bad na ang nangyayari sa puso ko eh.

"Baby princess?! Bakit gising ka pa? Don't you know it's late in the evening na? Baka ma-stress ka pa for staying up too late." sabi ni mommy habang hinihimas-himas ang tiyan niya.

"Mom! Di ba po kayo ang sinasabihan ko ng ganyan? You should be asleep by now." pagpapa-alala ko kay mommy na nasa ref at mukhang may hinahanap.

"Nagugutom kasi ang mommy mo." sabi niya habang pinakita sa akin ang kinuha niyang Hershey's dark chocolate. "Ang daddy mo rin kasi hindi pa pumupunta sa kwarto namin. Siguro nasa wine cellar pa din yun at nagmumukmok." dagdag pa ni mom.

"Ganun po ba?" nag-aalala kong tanong. Pumunta ako sa lamesa namin at naupo sa isa sa mga upuan, ganun din si mommy.

"Oo. Nag-aalala na nga ako sa kanya eh. Sabi din kasi ng ninong Dex mo, wala daw imik yang daddy mo kanina sa office. Para bang lahat ng naririnig niya ay pasok sa isang tenga, labas sa kabila." pagpapaliwanag ni mom.

"Affected talaga si daddy dahil may lovelife na si ate." sabi ko habang humihinga ng malalim.

"It's true. Mahirap lang kasing isipin. Siguro para sa akin nagmumukhang madalian lang, pero it's not. Si daddy niyo na talaga ang mahihirapan dahil hindi niya lubusang matanggap na may iba pang lalaki ang makakagawang magmahal sa isa sa kanyang mga prinsesa. Hindi mo talaga mapre-predict kung anong mangyayari. Falling in love is something you might can see, but it's inevitable by nature." pagpapaliwanag ni mommy at kumagat sa kinuha niyang chocolate.

"You know what, baby? When I turned twenty, halos patayuan na ako ng bakod ng tatay niyo. Lahat ng lalaking nalapit sa akin halos itaboy na niya. Lagi kaming nag-aaway nun, kahit mag girlfriend-boyfriend pa lang kami noon. Dahil hindi na ma-take ng daddy niyo ang pagiging maganda at pagka-mahabulin ng lalaki, agad na akong niyaya magpakasal which I willingly said yes to him." pagkwekwento ni mommy, habang nainom ako ng gatas. Wow! Ang haba ng buhok ng nanay ko! Kinabog pa si Rapunzel at si Barbie.

"What happens next po?" curious kong tanong.

"Four weeks pa lang kaming kasal ng daddy mo, siya naman ang naging habulin! Halos ako naman ang umusok dala ng pagseselos. Ang pagmumukha kasi ng tatay mo, masyadong madaming na-attract na babae kahit kasal na. One day, I saw him sa mall at may baabeng nakakapit sa braso ng daddy niyo. Dinaig pa ako pati na rin ang koala bear. Mas lalo pang nakapagpakulo ng dugo ko ay nung halikan nung leech na yun sa pisngi ang daddy niyo. That was the first time we fought. I cried and cried. Sumagi pa nga sa isipan ko kung tama ba na nagpakasal ako sa dad niyo." kwento ni mommy.

The Sexy DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon