SD~12

324 4 0
                                    

Mikaela's POV

"Please Paul?" pagmamakaawa ko kay Paul/Pawie.

"Hindi nga pwede." sagot niya sa akin. Sinesenyasan niya ako na lumapit sa kanya, na siyang sinunod ko naman. "May date kami ni Ayan." bulong niya sa tenga ko.

"Pero Paul, I mean Pawie, mag-isa lang ako doon. Hindi ko kayang nag-iisa sa party. Baka mamaya dumating na naman sa door step ko si TROUBLE." mangiyak-ngiyak kong sagot.

"Alam mo, you're starting to sound na like the girl who give me an invitation kanina. Ano nga ba pangalan niya ulit? Roxanne, Rexcie, all I can remember is her last name, Jefferson." sabi ni Pawie/Paul.

"Si Rebecca Jefferson yun, pero teka, binigyan ka niya ng invitation?! Paano ka naman naka-hindi doon sa tao?" gulat kong tanong.

"I told her na may family reunion kaming pupuntahan. She even told me a while ago na bakit hindi ko na lang daw isama ang buong angkan ko sa debut niya." sagot niya sa akin.

"Pft~ Sinabi niya pati ang ganong bagay?! Siguro kung nandito ako ng mas maaga, siguro kanina pa ako humahalakhak." natatawa kong sagot.

"Anyway, ano ba kasing party ang dadaluhan mo? Hindi mo pa nasasabi kung saan ang location." ani naman ni Paul/Pawie. Tumigil na ako sa kakatawa at nagsalita na muli.

"Kahit wala akong invitation, dad insist na ako ang maging proxy niya sa debut ni Rebecca. Hindi ko naman alam na magkaibigan sila ng tatay ko kaya hayun, naimbita siya ng kumpadre niya na pumunta. Ang kaso, hindi pwede si dad since kabuwanan ngayon ni mommy." pagpapaliwanag ko.

"OMG! Friend I'm so sorry. Kung alam ko lang na imbitado pala ang father mo sa debut party ni Rebecca at ikaw ang pupunta for proxy, sana tinanggap ko yung invitation! Are you really sure na pupunta ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni Paul/Pawie.

"Yun na nga ang hindi ko malaman eh. Kung alam lang ng tatay ko kung gaano kaitim ang budhi ni Rebecca, tiyak hindi na ako nun sinabihan. If ever na hindi naman ako pumunta, baka mapahiya si dad at mapagusap-usapan. I can't let that happen." nanghihinyang kong sagot.

"Well, kailangan mong mag-decide, fast. You only got two days, before Saturday." sabi ni Paul/Pawie sa akin.

What am I going to do?

Elmo's POV

"Sa wakas! Nakita din kita, minamahal kong pinsan!" tuwang-tuwang bati sa akin ni Zen. Agad naman akong napabangon sa hinihigaang mesa.

"Madami pa akong gagawin." sabi ko at nagsimula ng maglakad papalabas ng lumang gusali dito sa campus.

The Sexy DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon