Chapter 29

34 0 0
                                    

Chapter 29:

Flashback Continuation:

Masayang nagkukwentuhan ang parents at mga kapatid nya over dinner pero parang lutang pa rin ang utak ni Jeric. Iniisip pa rin niya kung paano i-o-open up sa family niya ang usapan nila ni Warren kagabi.

"Jeric, may sakit ka ba? di mo ginagalaw yung pagkain mo?" tanong ng Ate Alyssa nya nang mapansin siya.

"Oo nga...tsaka ang tahi-tahimik mo, himala..." sabi naman ni Almira sa kanya. "Samantalang ikaw madalas ang nag-uumpisa ng kwentuhan."

"Jeric, may problema ka ba?" tanong ng Daddy Alvin niya.

Sasagot na sana ang binata nang biglang magsalita si Jeron. "Nga pala kuya, how's your conversation with Kuya Warren kagabi?"

Napatingin ang lahat kay Jeron, kahit si Jeric. "Jeron, anong conversation with Kuya Warren ang pinagsasasabi mo?" tanong ng Mommy Susan nila. Alam din kasi nila ang tungkol sa naging experiences ni Jeric sa US at ang tungkol sa kanila nina Krishna at Warren. Sasagot pa sana si Jeron nang magsalita si Jeric. "Warren called me yesterday mommy, habang nasa photo shoot kami, kaya sabi ko, tatawagan ko na lang siya once na nakauwi na ako dito sa bahay in which I did." kwento ni Jeric.

"And bakit daw siya tumawag?" tanong ng Daddy Alvin niya.

"Ka...kasi...." nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Jeric bago muling nagsalita. "He...He wants me to...marry Krishna sa araw ng kasal nila."

"Ano???!!!" in chorus pang tanong ng parents at mga kapatid niya. Ilang segundo ring katahimikan ang bumalot sa kanila. "Hahahahahahahahahahahahahaha!!!!! Kuya, ibang klase ka ring mag joke no? Napatahimik mo kaming lahat!" biglang banat ni Jeron sa kanya.

"Jeron Alvin stop that!!!" sita sa kanya ng Mommy Susan nila.

"Sorry ma..." sagot ni Jeron na pinipigil pa rin ang pagtawa niya.

"And what did you said to him Jeric?" tanong ng Daddy Alvin niya. "And alam na ba ni Krishna ang plano niya?"

"Nagulat po ako of course." sagot ni Jeric. "And wala daw pong alam si Krishna, wag ko din daw pong sabihin sa kanya. But Tita Monique knows na daw."

"Eh di ba next Sunday na yung kasal nila?" biglang tanong ni Almira.

"Di ko alam paano gagawin ni Warren yun, he gave me four days to decide." sagot ni Jeric.

"Ano? four days?" eh Tuesday ngayon that means...by Saturday kailangan may desisyon ka na?" reaksyon ng Ate Alyssa niya. "Do you have his number? i'll call him, kahit international call pa yan, di biro ang ginagawa niya."

"Wag mo nang tawagan ate...baka lalo lang gumulo eh." sagot ni Jeric. "Don't worry, I can take care of this."

"Hindi biro ang pinapagawa sa'yo ni Warren, Jeric." sabi ng Daddy Alvin niya. "However, di rin biro ang ginawa niyang pagback-out sa kasal nila ni Krishna para sa'yo." dagdag pa nito.

"Ikaw Jeric, ano ba desisyon mo?" tanong ng Mommy Susan niya. "Alam naman naming matagal mo nang gustong pakasalan si Krishna, pero di natuloy dahil na rin sa aksidente niya't pagpunta sa US.

"Kung ako lang po, gusto ko siyang pakasalan. I want her to be my wife, but not this way ma..." sagot ni Jeric.

"Maka "not this way" ka naman ahia!" sita ni Jeron. "Sa paanong paraan mo gusto? yung ikaw gagastos? e di bayaran mo na lang si Kuya Warren, mayaman ka naman!" dagdag pa niya.

I'LL NEVER GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon