Chapter 7

42 0 0
                                    

Chapter 7:

Abala si Krishna sa pag-aayos ng bahay nang mag-ring ang cellphone nya. Isang text ang natanggap nito mula kay Forts:

To Krishna:

Pupunta ka ba ngayon?

To Jeric Marco:

Ha? at saan naman ako pupunta?

To Krishna:

Di mo matandaan? ngayon kaya yung graduation ni Jeric for his master's degree..hello?!

To Jeric Marco:

Ha? today ba yun? sorry ha, alam mo namang di ako masyadong mabulabog sa kanya eh. pupunta ka?

To Krishna:

He told me na pumunta eh. So ano, sunduin kita dyan sa inyo?

To Jeric Marco:

Sa school na tinuturuan ko mo na lang ako sunduin, may aasikasuhin din kasi doon, i'll text you the addres na lang.

To Krishna:

Okay. See you later!

Pagkareply ni Krishna kay Forts, agad nitong tinext si Jeric

To Jeric Allen:

Congrats achie! graduate ka na naman ulit later....

To Krishna:

Oo nga eh...I never thought na may masteral degree na ako despite ng pagiging busyhead ko..hahaha! dapat nandun ka ha..

To Jeric Allen:

Yes I am. isasabay daw ako ni Forts eh. Susunduin nya ako sa school.

To Krishna:

That's nice. pasensya ka na ha, di bale ako naman ang maghahatid sa'yo pauwi.

To Jeric Allen:

Kaw talaga. sige, see you later achie...love you.

To Krishna:

I love you too mahal... : )

Tanghali na nang masundo ni Forts si Krishna sa school na pinapasukan nito.

"Talagang naka dress ha..." sabi nito sa suot ni Krishna habang nasa daan sila.

"Malamang, graduation pupuntahan ko, hindi gala sa mall..." nakangiting sagot ni Krishna.

"Hay naku, aabot na naman ang ngiti ni Jeric hanggang langit nyan..." sagot ni Forts "Ngayon ko lang nakitang ganun yun."

"Wag mo na nga akong masyadong ilakad brad, baka mamaya sumobra na yan eh..." birong sagot ni Krishna

After ng isang oras, narating na nila ang UST at agad silang pumunta sa auditorium kung saan gaganapin ang graduation. Naabutan nila doon ang pamilya ni Jeric.

"Uy Krishna!" sigaw ni Jeron sa kanya nang makita sya.

"O Jeron, musta na? kasama mo pala ang buong family ha..." sabi ni Krishna

I'LL NEVER GOWhere stories live. Discover now