Chapter 20

34 0 0
                                    

Chapter 20:

"Pare, puwede ikaw na magdala nito sa office ni Ms. Stacy?" tanong ni Ed kay Jeric. "Marami pa kasi akong papers na aayusin eh." 

"Oo naman. Akin na..." sagot ni Jeric sabay tayo sa kinauupuan niya. Tamang-tama, may itatanong rin ako sa kanya eh."

"Heto." sabi ni Mike sabay abot sa folders. "Sabihin mo, yan kamo yung para sa presentation two weeks from now."

"Okay." sagot ni Jeric at umalis na sa workstation niya. Tinitingan niya ang nasabing mga folder nang makabunggo sya ng isang lalaki. "Sir, sorry..." paghingi ng tawad ni Jeric.

"Are you looking at your steps?!" sigaw ni Warren. "You know that the people here are too busy!!!"

"Aba?! nag sorry na nga ako parang gusto pa akong sabihang tanga ng isang to ah...Jeric kalma..." maktol sa isip ni Jeric. "That's why I'm saying sorry sir..."

"Who's your supervisor?" tanong ni Warren.

"Huh?...its..." si Jeric.

"I said who is your supervisor?!!!" sigaw ni Warren sa kanya dahilan para tumingin ang mga tao sa paligid nila.

Sasagot na sana si Jeric nang biglang dumating si Stacy. "What's happening here Warren...and Jeric?"

"So Jeric pala ang pangalan ng tangang empleyado na ito...di marunong tumingin sa dinaraanan!" naiinis na sabi ni Warren.

"Sabi na eh! at Pilipino rin pala...pag ako di nakapagtimpi talaga..."  inis na sabi uli sa isip ni Jeric. "Sir, sorry po talaga ulit..." paghingi ng tawad ni Jeric.

"At talagang...." si Warren.

"Jeric, para sa akin ba yang mga folders na yan?" tanong ni Stacy. "Dinaanan ko kasi si Ed sa station niya sabi pinahatid nya daw sa'yo sa office ko."

"Ah...oo...yan daw yung para sa presentation." sagot ni Jeric. "At saka may sasabihin din sana ako sa'yo."

"I'll call to your phone later na lang. You can go now. and thanks dito sa folder." sagot ni Stacy sabay kuha sa folder mula kay Jeric.

"Sige po..." sagot ni Jeric. "And sorry for what happened again, sir." sabi rin nito kay Warren at naglakad na siya pabalik sa station niya.

"Empleyado mo yun?" tanong ni Warren kay Stacy nang makalayo na si Jeric.

"Yeah!" sagot ni Stacy. "At di ko nagustuhan ang naging pakikitungo mo sa kanya."

Pasalampak na napaupo si Jeric sa upuan niya nang makabalik na siya sa workstation niya. Bagay na napansin nina Ghelo at Ed.

"O pare, pinaghatid lang kita ng folder ah...anong nangyare?" tanong ni Ed.

"Oo nga. Dun lang naman yun sa kabilang part ng building..." si Angelo.

"Ah...eh..."

"Jeriiiiiic!!!" sigaw ni Karen habang papalapit sa kanila.

"O, anong pinaglalaban mo dhai at sisigaw-sigaw ka dyan? sabi ni Ed.

Lumapit si Karen kina Angelo, Ed at Jeric. "Nagkabungguan daw kayo ni Sir Warren kanina Jeric?"

Napatingin ang dalawang binata kay Jeric "Di nga Teng?"

"Warren pala pangalan nun." sagot ni Jeric saka umayos sa pagkakaupo nito. "Na drain utak ko sa taong yun...sabihan ba naman akong tanga? malay ko bang mabunggo ko siya?"

"O, kalma lang 'dre..." sabi ni Ed.

"Nakakapang-init kasi ng ulo yung inasta nya eh... nagsorry na nga ako, gusto pa yata niya lumuhod ako sa harap niya." reklamo ni Jeric. "Buti na lang nakapagtimpi pa ako kanina..."

I'LL NEVER GOWhere stories live. Discover now